"Sikreto ng Pagkatao." ( 1 )

3348 Words
Kabanata 13 Richard “Saan mo ba gustong simulan ko? Hindi ba pwedeng sa cafeteria na lang tayo mag usap. Kailangan dito talaga?” Hirit pa ng taong chumupa sa lalaki. “Wag kang maarte, dito mo nga ako chinupa. Hindi naman ako nag reklamo. Saka gutom ka pa ba sa t***d na ipinalunok ko sayo? Hindi pa sapat. Tang Dito na lang. Nandito na tayo, eh. Bilisan mo na.” Wika ng naiinip na lalaki. “Oo na. Kung hindi ka lang gwapo talaga. Naku. Sinasabi ko sayo. Si Stephano Angelo L. Cruz ay anak ng isa sa may ari ng school na pinag aaralan natin. Dati siyang panget. Pero ngayon medyo gumanda ganda na siya. Hindi naman nito ikinakaila na nag pa enhanced ito ng mukha. Gumanda rin ang katawan nito at naging popular dito sa loob ng campus. Dati dinadaan daanan lang iyon. Walang pumapansin. Walang nakikipag kaibigan. Ni hindi nga alam sa school na anak iyon ng isa sa may ari ng school. Hahaha. Natatandaan ko na binubully rin siya noon pero bumaliktad na nga ang mundo. Siya na ang bumu bully ngayon. Astig di ba. Hahaha. Kami kami lang ang nakakakilala sa dati niyang pagkatao. Stephen Laguerta na kasi ang ginagamit niya ngayon. At ang nakakatawa talaga ay iilan lang kami na alam na pangit siya noon. Hahaha.” Natatawang sambit nito sa lalaki. Pamilyar sa akin ang pangalan na binabanggit ng lalaki. Saan ko ba narinig iyon. MAs idinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko para mas marinig pa ang sinasabi ng lalaking iyon. Bigla na lang kasi humina ang boses nito sa pagsasalita. Hanggang sa hindi ko na narinig ang boses nun. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang na nag paalam ang lalaking nag kwekwento kanina. Huh? Hindi man lang nito tinapos ang mga sinasabi nito. Nabitin tuloy ako sa sasabihin sana nito tungkol kay Stephen. s**t. "Tawagan at itext mo na lang ako, Bro. Muli, salamat sa napaka sarap na t***d mo. Hihintayin ko ang text mo sa akin.” Wika nito sa kausap. “Salamat rin. Asahan mo. Maging libre ka sana kapag kinontak kita.” Sagot naman dito ng lalaking chinupa nito. Medyo napaghihiwalay ko na kasi ang boses nila. Narinig ko na lamang ang mga yapak na palabas na ng CR. Mukhang hindi pa lumabas yung lalaking nagpachupa. Base sa naririnig ko pang pag agos ng tubig sa lababo. Ilang saglit pa ay narinig ko ang boses nito na nag salita. "Hanggang kailan mo balak magtago diyan.?" Sambit nito na ikinakaba ko. Ako ba sinasabihan ng lalaking ito. Imposible. Ang ingat ko na nga sa paglalakad ko. Paano nito nalaman na nandito ako. Abalang abala kaya ito sa pagpapachupa nito. Naghintay pa ako ng ilang saglit baka kasi hindi naman ako ang tinutukoy nito. Teka, may iba pa bang tao ang naroon. Kinatok nito ang pintuan na kinalalagyan ko. Doon ako nataranta na. Ako nga ang sinasabihan nito. f**k. “Yes, ikaw nga ang tinutukoy ko. Lalabas ka ba diyan o ako mismo mag papalabas sayo sa pag kakatago mo diyan?” Pagbabanta nito sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang lumabas ng cubicle na ito. Hindi naman ako siguro nito sasapakin. Makakatakbo naman ako siguro ng malakas o makakasigaw. Sakaling saktan ako nito. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang mukha nitong naiinip at naasar. Napanganga na lamang ako ng masilayan ko na iyon. s**t. Hindi ko pwedeng makalimutan ang mukha nito. Maski ito ay nagulat din ng matitigan na ako nito. Hindi tuloy ako nakapag salita agad. Nanatili lang ako nakatitig rito. "Ikaw pala yan. Hmhmmmmm. Dito ka rin pala nag aaral. Akala ko kung sino na ang namboboso sa amin. Sasapakin ko na sana, eh. Hahaha. Kumusta na?" Wika nito sa akin ng sunod sunod. Kaswal na kaswal lang ang pag sasabinito sa akin na parang hindi man lang naiilang sa pakikinig ko kahalayan na ginawa nila. Nakatitig pa rin ako rito. Hindi pa rin makapaniwala na kay liit lang ng mundo at muli kaming mag kikita. “Hindi ka na makapag salita diyan. Nahihiya ka ba sa narinig mo? Naku, wala yun. Tinuruan ko lang ng leksyon ang gagong yun. Masyadong maangas, eh. Nakita tuloy niya ang hinahanap niya.” Lintanya nito sa akin. “Paano mo nga palang nalaman na nandito ako? Sorry, ah. Promise, wala akong nakita. Narinig ko lang. Medyo malakas kasi ang ungol mo.” Natagpuan ko rin ang boses ko at agad na humingi ng paumanhin rito. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nadala lang ako sa kalibugan at kapusukan ko. Kaya hindi ko naiwasan ana makinig at binalak pa na silipan talaga sila. "Hahaha. Ayos lang yun. Hindi mo naman siguro ipagkakalat ang mga narinig mo rito. Pag bukas mo pa lang ng pintuan ay alam kong nandito ka na sa banyo kasama namin. Sa tulong nito, oh.” Sambit nito sa akin sabay turo nito sa smart watch na suot nito. Hindi ko maunawaan ang nais nitong ipahiwatig. Hindi ko na lamang tinanong pa iyon at hinayaan na lang. Atleast hindi siya nagalit sa pakiki usyoso ko. “Kilala mo ba si Stephen?" Tanong nito sa akin bigla. Mariin nitong tinitigan ang mga mata ko. Pagbanggit pa lamang ng pangalan ng demonyong iyon ay kumulo na ang dugo ko. Nakaramdam ako ng galit at pagkalungkot. Naisip ko kasi ang mga bagay na nangyari sa akin dahil sa pangalang Stephen na iyon. At mukhang nakita nito ang reaksyon ko. "Oo, kilalang kilala. Ano ba ang gusto mong malaman sa kanya? At bakit tila interesado ka sa kanya?" Tugon ko at tinanong na rin ito. Inulit ko lang ang sinabi ng lalaki rito kanina. Hindi ko alam kung sasagutin nito ang tanong ko. Pero nagbabakasakali na rin ako. Ito ang lalaking nag bigay sa akin ng panyo noon. May naka burda pa nga roon na Eros na pangalan. Kaya lang kasi. Gustuhin ko man na ibalik sa kanya ang panyo na iyon ay wala na sa akin. Nawala kasi iyon sa akin. Hindi ko alam kung saan iyon napunta. Ang naaalala ko ay naiwan ko lang iyon sa opisina ni Boss Eros. Imposible naman na ito ang kumuha nun. “Kapag ba hindi ko sinabi sayo ang dahilan ko ay hindi mo sa akin sasabihin ang nalalaman mo tungkol sa kanya?” Naninigurong tanong nito sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko rito. Sa huli ay tumango na lang ako rito. “Okay, sa iba na lang ako mag tatanong. Mukhang may matutuklasan naman ako. Kapag nag research pa ako. Sige, maiwan na kita. Nice seeing you ulit.” Paalam nito sa akin. Hindi na ito nag pumilit pa na alamin ang tungkol kay Stephen. Akmang palabas na ito ng tawagin ko ito. “Teka, sandali lang. Sige na, sasabihin ko na. Hindi mo na kailangan pang sabihin kung ano ang dahilan mo. Saan mo ba gusto ako mag umpisa?” Tanong ko rito ng pumaharap ito sa akin. "Ikaw. Kung saan mo nais simulan. Sabihin mo sa akin ang lahat lahat ng nalalaman mo tungkol sa kanya." Naka ngiti sambit sa akin. May atraso nga rin bang nagawa si Stephen rito. Tulad ko ba ay inagawan rin ito ng taong minamahal. Hindi ko man hinihiling na sana ay katulad ko ay hindi rin ako nag iisa. Hindi nag iisang galit kay Stephen. Sana ito rin. Chance ko na ito para ibigay ang lahat ng impormasyon na nalalaman ko. Makabawi man lang ako sa demonyong yun. Kahit sa ganitong paraan lang. "Samjo, nga pala. First year. IT."Pagpapakilala nito sa akin, sabay lahad ng kamay nito. "Richard. Third year. Education." Nagulat pa ito sa pangalan binanggit ko. Hindi ko alam kung para saan iyon pero hindi ko na rin inusisa pa. Mayamaya ay napangiti na lang ito. "Kung sine swerte ka nga naman. Tara na, Richard. Kailangan natin mag usap ng masinsinan. Saan ba magandang mag usap ng hindi tayo naiistorbo?" Nakangiting wika nito sa akin. “Isa lang ang naiisip ko na tahimik na lugar. Para makapag usap tayo na walang mang iistorbo sa atin.” Sagot ko rito at mukhang nagets agad nito ang ibig kong sabihin. Napangiti ito at nag lakad na kami papunta sa lugar kung saan kami makaka pag usap ng masinsinan. Nauna akong nag lakad rito at nakasunod lang ito sa likod ko. Papunta sana ako sa cafeteria para kumain pero mas importante ang natagpuan ko. Sana lang talaga ay hindi ito katulad ni Timmy. Nararamdaman ko naman na mabait ito. Hindi ito manlilinlang kagaya ng mga nauna kong nakilala. Pumasok kami sa auditorium at umakyat sa pinaka rooftop nun. Hindi ito nag tanong kung bakit doon ko siya dinala. Ito lang kasi ang naisip ko na lugar na walang makaka istorbo talaga sa amin. Tamang tama lang din na may mga plastik na upuan roon. Umupo ako sa isang upuan. Habang si Samjo ay nakatayo lang. May inilabas na supot mula sa bag nito at inabot ito sa akin. Magtatanong na sana ko kung ano at para saan iyon ng maamoy ko ang mabangong amoy na nanggagaling sa loob nun. "Kumain ka muna. Kanina ko pa naririnig ang tiyan mo na nag iingay. Wag kang mag alala akin yan. Wala din lason yan, safe ka diyan." Sagot nito sa akin. “Salamat.” Tugon ko rito at binuksan na ang laman nun. Chicken Burger iyon na sandamakmak ang cheese. Kaybango ng amoy nun at nakaka takam talaga ang itsura. “Wag kang mag madali. Ubusin mo muna yan, bago ka mag simula na mag kwento. Hindi naman ako nagmamadali. Take your time.” Wika nito pagkaraan sa akin. Saka ito umupo sa upuan. Inilabas ang laptop sa bag nito at may kung anong tinignan roon. Sinunod ko na lamang ito at inenjoy ang pagkain ng burger na bigay nito. Nang maubos ko iyon ay inabutan naman ako nito ng bottled water, na galing muli sa loob ng bag nito. Daig pa nito ang boyscout sa pagiging handa. “Salamat sa pagkain at patubig mo. Mukhang kinain ko na ang dapat sana ay baon mo.” Sambit ko rito matapos kong maubos ang laman ng bote. “Ayos lang yun. Busog pa naman ako. Ano, handa ka na ba?” Tanong nito sa akin. Tumango ako rito. Saka nito binaling ang tingin sa akin. Akala ko nga ay itatago na nito ang laptop nito, pero nanatili lamang iyon nakabukas at nakapatong sa lap nito. Huminga muna ako ng malalim. Pumikit. Binalikan muli kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano ako nakarating sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Tahimik lang itong nag hintay sa sasabihin ko. At ng dumilat na ako ay nakatitig lang ito sa akin. “Nag umpisa ang lahat dahil sa group project na gagawin ni Emmet sa isa sa mga subject nito. Doon ko unang narinig ang pangalan ni Stephen…” Umpisa kong wika rito. Tahimik lang itong nakinig sa mga sinasabi ko. Hindi nag komento. Hinayaan lang talaga ako nitong mag salita. Hindi ko na nga napigilan ang hindi umiyak dito. Ewan ko ba. Hindi ko naramdaman na mahiya rito. Kapag napapaiyak ako ng sobra ay hinahayaan lang ako nito. Kahit napapatigil ako sa pagsasalita. May mga pagkakataon nga na kapag sobrang naiiyak ako ay makikita ko na lamang na magsasara ang kamao nito. Ramdam mo ang galit nito. Yung tipong alam niya ang sakit na naranasan ko. Mapapatiim bagang pa ito kapag binabanggit ko na ang pang aabusong ginawa sa akin ni Stephen kasama ang mga kagrupo nitong Rainbow Gang. Nang matapos ko ang kwento ko rito ay natahimik lang kami pareho. Walang nag salita muna sa amin. Mayamaya pa ay inabutan muli ako nito ng panyo. Sapag kakataon iyong wala ng nakaburdasa panyo nito. Napangiti na lang akong maalaala ko ang panyo nitong may pangalang Eros na nakaburda. "Salamat. Salamat sa pakikinig. Ikalawang panyo mo na ito na inabot sa akin. Bakit ba kapag nag kikita tayo ay palagi na lamang ako umiiyak." Sabi ko rito. Napatawa na rin ito. Mayamaya lang ay naging seryoso na ang mukha nito. Hinintay ko kung huhusgahan ba ako nito sa mga ibinulgar ko rito. Pati yung mga hindi dapat sabihin dito ay nasabi ko. Masyado akong nadala sa sitwasyon. Pero hindi naman ako nagsisisi na sinabi ko rito ang lahat lahat. Medyo gumaan kasi ang pakiramdam ko. "Siguro nga ay may kasalanan ka, Richard. Pero hindi lahat. Wag mong akuin ang lahat ng kasalanan. May mali rito. Hindi ko pa nga lang sigurado kung ano yun. Saka mali ang sinabi ni Timmy sayo. Na normal ang nararamdaman mong pagkalibog sa tuwing nakikita mo ang boyfriend mo, na may katalik na iba. Dahil kahit saang anggulo ko tignan. Abnormal Yun. Alam ko may mga taong ganyan talaga ang trip, pero yung ginawa sayo ni Emmet at Stephen ay kakaiba. Hindi ganyan ang uri ng cuckolding na alam ko." Mahabang salaysay nito. Dinaig pa ako nito sa pagsasalita. Hindi ko alam kung matalino lang ba talaga ito o sadyang tanga lang ako. Nakinig pa ako sa ibang sinasabi nito. "Saka gusto ko lang sabihin sayo na PUTANG INA ang boyfriend mo. Ang sarap sapakin. May saltik ba siya? Nag da drugs ba yun?" Tanong nito sa akin. “Hindi ko alam, eh. Pero sa ngayon, ibang iba na talaga siya. Hindi na siya yung taong minahal ko. Nagbago na siyang talaga at sobrang sakit nun para sa akin.” Wika ko rito na ramdam ko ang lungkot sa sinabi ko. Nakakaunawang tumingin lang ito sa akin. “Pero bilib ako sayo, ah. Kasi nakakaya mo. Sabi mo sa akin kanina ay mahina ka. Hindi, Richard. Ang totoo ay malakas ka. Malakas at matatag. Hindi biro ang naranasan at nararanasan mo ngayon. Kung ibang tao yan, baka sumuko na. Kaya bigyan mo naman ng kredito ang sarili mo.” Komento nito sa akin na ikinangiti ko kahit paano. “So, anong balak mo? Titiisin mo pa rin ang ginagawa nila sayo? Hanggang sa makatapos ka, gaya ng sabi mo kanina. Isang taon mahigit pa iyon, Richard.” Tanong nitong muli sa akin. Sasagot na sana ako sa tanong nito ng tumunog ang cellphone ko. Si Peter natawag sa akin. Nag excuse muna ako rito para sagutin ang tumatawag sa akin. “Hello.” Bungad na tanong ko kay Peter ng masagot ko ang tawag nito. Galit na boses agad ang binungad nito sa akin. "Nasaan ka?Mag punta ka nga rito at sugatan itong si Timmy. May sumapak sa kanya na estudyante. Bilisan mo na bakla ka at nandito kami ngayon sa clinic. Bilisan mo..!" Inis na turan sa akin nito at agad na pinatay ang tawag. Oh, eh ano naman kung nasapak yung bading na yun. Kaya ba wala siya sa klase kanina? Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa sinapit nito. “Sorry, Samjo. May emergency lang na nangyari na kailangan kong puntahan. Salamat sa pagkain at sa pakikinig mo sa akin. Mag palitan na lamang tayo ng numero kung gusto mo. Sakaling may katanungan ka pa tungkol kay Stephen.” Wika ko rito. “Sure, walang problema. Saka salamat rin sa pagtitiwala.” Sagot naman nito sa akin sabay abot ng phone nito. Itinype ko ang numero ko roon. Tinawagan naman ako nito kaya na save ko ang number nito. Paalis na sana ko ng tawagin muli ako nito at iabot sa akin ang napaka gandang bracelet. “Teka, para saan ito?” Tanong ko rito na napa kunot noo na lamang dito. "Pagpapasalamat ko sayo. Sayo na lang. Wag mo ng tanggihan at tanggapin mo na lang. Lahat naman ng bago kong kakilala ay binibigyan ko niyan. Isuot mo. Malaki ang maitutulong sayo niyan. May health benefits daw yan, sabi ng nabilhan ko. See, ako rin ay mayroon. Hindi ito couple bracelet, ah. More on, friendship bracelet. Baka kasi kung ano isipin mo.” Mahabang paliwanag nito sa akin. Napangiti na lang ako sa paliwanag nito. “Salamat rito, Samjo.” Sambit ko rito at saka ko sinuot iyon. Baka kasi ma offend ito kapag hindi ko sinuot yun. Saka maganda naman kasi siya. Bagay na bagay sa akin. “Mag ingat ka, Richard. Saka wag kang mag alala. Mag babayad ang lahat ng nanakit sayo. Kami ng bahala sa kanila.” Nakangising sambit nito sa akin. Hindi ko man maintindihan ang ibig nitong ipahiwatig ay napangiti na lang din ako. Sana nga ay mag bayad sila sa kasalanan nila sa akin. Naglakad na ako pababa ng rooftop na iyon at agad ng nagtungo sa Clinic. Kung saan naroon daw si Timmy. Ano na naman kayang gulo ang pinasok ni Timmy. Kahit unang klase talaga ay hindi nila pinapalampas. Saka, Bakit hindi nito kasama si Endrick. At sino ang sumuntok rito. Himala yatang may nakalaban sa kanila. Usually, marinig pala ng ibang estudyante ang pangalang Rainbow Gang ay nanginginig na sila. First year ba o transferee ang may kagagawan nun kay Timmy. Saka wala ba itong kasamang mga alipores. Eh kanina lang, okay naman ito ng guluhin kami ni Christof. Ang lakas pa nga nitong mantrip sa amin. Nakahanap na ba ito ng katapat. Naku sana nga. Masama man isipin ay hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa sinapit nito. Buti nga rito. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga estudyante na abala sa mga cellphone ng mga ito. Mukhang may pinapanood ang karamihan. Pagkatapos ay matatawa na lang pagkatapos. Hindi ko na tuloy natiis na hindi makiusyoso. Masyado akong naintriga sa pinapanood nila kaya nilapitan ko ang isang estudyante at tinanong ang pinapanood nito. “Gumulong gulong kasi si Timmy. Panoorin mo?” Sagot nito sa akin na natatawa sabay pakita ng video. Nang mapanood ko iyon ay hindi ko rin napigilan ang hindi matawa. Hindi nakita sa video kung sino ang binatang tumulak sa pagmumukha nito pero kasama iyon ng ibang mga Ayala. Tawang tawa rin ako sa video na napapanood ko. Putang ina. Walang nagawa si Timmy at ang mga alipores nito. Ang landi kasi. Merese. Ang saya ko lang tuloy na naglalakad pabalik kung saan ko itinago ang mga bag nila Endrick. Magsisimula na rin kasi ang next na klase ng mga ito. Baka hanapin sa akin. Kaya naman nag madali na akong kunin iyon. Ngayon pa naman na tiyak ng mainit na ang ulo nila dahil sa nangyari. Agad ko naman na iyon nakuha at Papunta na sana ako sa clinic ng maka salubong ko pa ang hari ng mga demonyo. Si Stephen. "Papunta ka rin ba kay Timmy?"Tanong nito sa akin. Sumagot ako agad sa tinanong nito sa akin. "Oo, tinawagan ako ni Peter at sinabing nasa clinic daw ito kasama si Timmy." Sagot ko rito. Himala at hindi nito kasama si Emmet. "Sino kaya ang nag lakas ng loob na saktan siya. Walang respeto. Makikita niya ang hinahanap niya. Saka talagang nilayasan mo kami kanina, Tangina ka..! Wala tuloy kaming mautusan. Hindi ko pa makita yung paborito kong brush. Saan mo ba nilagay iyon.? “Nandun lang po iyon sa kwarto niyo. Wala naman pong gumagalaw nun, maliban sa inyo.” Sagot ko rito. Napaka burara kasi nito. Napaka dumi pa sa gamit. “Itatanong ko ba sayo kung nandun lang yun. Hanapin mo yun mamaya. Bwisit ka. Saka, Ulitin mo pa yung takasan kami, Richard. Malilintikan ka talaga sa akin. Gago ka." Sabi nito sa akin at nauna ng nag lakad papunta sa clinic kung nasaan si Timmy ngayon. Sumunod na lang ako rito. Mukhang mainit na rin talaga ang ulo nito ngayon. Masyado pa ngang mabilis ang paglalakad nito. Nahuhuli tuloy ako dahil sa dami ng bitbit ko. Nakita na nga nitong ang dami kong dala, tila sinasadya pa na bilisan ang pag lalakad nito. Sa pagsisikap ko na mahabol ito ay hindi ko na tuloy nakita ang taong parating. Naramdaman ko na lang na bumangga ito sa akin at dahil sa hindi ko ito napag handaan ay tumilapon ako kasama ang mga gamit na dala dala ko. Jusme. Pader ba ang bumangga sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD