"Ganti ng Isang Api." ( 1 )

3367 Words
Kabanata 17 Richard Makalipas ang dalawang buwan. Nang sasapakin ako ni Marco ay agad akong nakailag, maging ang sipa na paparating mula kay Samjo. Agad akong tumakbo ng mabilis at kumuha ng pwersa sa may pader at gamit ang mga binti ko ay nasipa ko sila pareho na ikinatumba nila. Nakarinig ako ng mga palakpak. Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si Andrei na nakangiti. "Handang handa ka na." Sabi nito sa akin. Tinapik naman ako sa balikat ni Samjo at Marikit. Nakatayo na pala itong dalawa at nakangiti sa akin. Hindi ko na rin napigilan pa ang di mapangiti. Dalawang buwan ang nakalipas simula ng bigyan ako ng matinding training ng mga ito. Araw araw walang patid. Puro kalyo na nga ang mga kamay ko sa kakabuhat. Minsan nga umiiyak na lang ako sa sobrang pagod. Pero sa tuwing ipapakita sa akin ni Andrei ang mga video nila Stephen at ang buong Rainbow Gang na masaya ay namomotivate ako bigla. Kaya kahit mahirap ay itinawid ko ang lahat ng iyon. Silang tatlo ang nag tyaga na turuan ako. Kasama ang mga taong ipinakilala nila sa akin para tulungan din ako. Iba’t ibang istilo, lahat ang laking tulong sa akin. Bukod sa matinding training ay nag online class din ako at modules, sa tulong na rin ng koneksyon ni Samjo sa school ay napapayag ang mga Prof ko at Dean ng department namin na sa bahay lang ako mag aral. Basta daw babalik ako kapag mag prelims na. Mabuti na lang din at napaka talino ni Samjo kaya naman para din akong pumasok sa school sa tulong nito. Imagine, first year pa lang ang lalaking iyon pero ang utak pang fourth year na. Bilib talaga ako kay Samjo. Sa loob ng dalawang buwan ding iyon ay tatlong beses ko lamang nakita sila Christof at Pietro. Pinagbawalan ito ni Andrei na makita ako. Kailangan daw iyon para makapag concentrate ako sa training. Saka may binigay din na misyon si Andrei sa dalawa. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon, dahil hindi ko pa nga sila nakakausap. "Exam week na bukas. Handa ka na bang makita sila, Senpai?" Tanong sa akin ni Marikit habang nag pupunas ako pawis. Tumingin ako sa mga mata nito at napangisi. Sa dalawang buwan kong pag tira sa condo na iyon ay nasanay na rin akong tawagin itong Marikit. Yun kasi ang tawag ni Samjo at Andrei sa lalaking ito. "Sila ang dapat mag handa sa akin, Marikit. Hindi na ako natatakot pa sa kanila." Kumpiyansa na sagot ko rito. "Puta. Naiiyak ako, Senpai. Ibang iba ka na buhat ng una kitang makita. Ang angas..! Para akong isang inahing manok na nag alaga ng isang sisiw at ngayon ay tatayo na sa sarili niyang mga paa. Shit..! Pahingi ng tisyu. Saka kailangan ko ng pagkain" Sigaw nito at agad lumabas ng training room para maghanap ng pagkain. Natawa na lamang ako rito pag kaalis nito. Gigil na gigil na akong makita sila. Sabik na sabik makita ang reaksyon nila sa akin. Nang gabi ding iyon ay inilatag muli sa akin ni Andrei ang plano nito. Pina alala kung gaano ito ka metikuloso sa bawat detalye. Hanggang ngayon, humahanga pa rin ako sa galing nito. Tunay nga na karapat dapat itong tawagin na Boss. Siya talaga ang utak ng grupo nilang tatlo. Nirerespeto at ginagalang siya ng dalawa. "Miss mo na siguro ang dalawang asungot, Richard. Wag kang mag alala. Miss ka na rin daw nila. Ayiieeeeee.. Kilig tinggil.” Pang aasar pa nito sa akin na ikinatawa ko lang. Hindi na talaga ako katulad ng dati. Tumatawa na ako at nakakaramdam ng totoong kasiyahan. Dahil iyon sa kanilang tatlo. Aaminin ko, namimiss ko na nga ang dalawang iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Kapag nakita na nila ako. Malaki na kasi talaga ang nabago sa akin. Sa isip, sa salita, sa gawa at sa pangangatawan ko. “Paano kita na lang tayo bukas. Mag pahinga ka na ngayon." Sabi sa akin ni Andrei. Bago ito lumabas ay tinawag ko muna ito. At nag bow ako dito bilang pasasalamat. Ikinagulat nito ang ginawa ko. Marahil ay hindi nito inaasahan iyon. "Salamat ng marami, Boss. Utang na loob ko sayo kung bakit bumalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Kaya maraming maraming salamat talaga." Madamdaming pahayag ko rito habang naka bow. "Para tong siraulo. Bakit kailangan may ganyan pa. Haha. Saka mo na ako pasalamatan, pag nakita ko ng umiiyak ng labis si Stephen. Doon ko lang tatanggapin iyan. Good luck, Rich..! Aja.." Sabi pa nito at tuluyan ng lumabas sa pintuan. Promise, Boss. Sisiguraduhin kong iiyak sila ng dugo sa mga gagawin ko sa kanila. Triple ang paninigil na ibibigay ko. Kinabukasan Unang araw ng eksaminasyon. Nag lalakad ako papunta sa building namin upang mag tungo na sa unang klase ko. Hawak ko na ang permit ko para sa pagkuha ng exam. Naayos ko na rin ang mga modules ko at naipasa na iyon sa mga Prof ko nung nakaraan. Nakausap ko na rin ang Dean ng department namin kaya naman clear na ako. At ngayon nga ay patungo na ako sa classroom ni Sir Luis ang unang subject ng exam ko. Habang naglalakad ay kita ko ang mga estudyante na napa patingin sa akin. Bakas sa mga mata ng karamihan ang pagkagulat na may kasamang pag hanga. May naririnig pa nga akong nagbubulungan. Liliko na sana ako sa isang pasilyo ng nakasalubong ko si Timmy. Nagulat pa ito ng makita ako. Saglit lamang iyon pagkatapos ay napangisi na rin ito. Binalandra sa akin ang natural na demonyong mukha nito. "Tignan mo nga naman. Ang swerte ko naman at nakasalubong kita. Buhay ka pa palang malandi ka.. Hahaha. Tiyak na matutuwa si Lord Stephen nito. Namiss namin na saktan ka, bakla. Hahaha." Tuwang tuwa na sabi nito sa akin. Tinignan ko lang ito mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala ako dito at di hamak na mas may itsura. Bakit ba hindi ko nakita iyon, noon. Dinaanan ko lang ito at nilagpasan. Na halatang hindi nito inaasahan. Bumilang ako ng tatlo sa aking isipan ng maka lagpas ako rito. Tiyak na hindi iyon papayag na dinededma lang. Isa. Dalawa. Tatlo. "Hoy, Putang ina ka..! Kinakausap kita. Humarap ka sa aking malandi ka. Ang bastos nito." Gigil na sabi nito at nang lumingon ako rito ay sasabunutan na sana ako nito ng makaiwas ako. "Yes, Mas malanding, Timmy. Anong kailangan mo? Ang aga aga, putak ka ng putak." Sagot ko rito. Tinaasan ko pa ito ng kilay. "Wow...! Hindi mo ako madadaan sa pa ganyan ganyan mong putang ina ka. Gusto mong masaktan? Ang tapang mo, ah. Hindi bagay sayo, gago ka. Pasalamat ka, maganda ang gising ko. Kaya maganda ang mood ko ngayon. Hala.. Bitbitin mo itong bag ko.. Bilisan mo..!" Utos nito at sabay hagis ng bag nito ng malakas na tatama sana sa mukha ko kung hindi ko lang na ihampas ang kamay ko. Kaya naman ang kawawa nitong bag ay tumalsik lang sa malayo dahilan para mag kanda Talsik ang mga gamit sa loob, palabas ng bag nito. "Putang Ina ka. Anong ginawa mo?! Damputin mo yan at ayusin mong gago ka. Wag mo ng hintayin pang mas lalo akong maasar sa kabobohan mo, Richard.” Banta nito sa akin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at tinignan ko lamang ito. Kung dati ay mag kukumahog na akong sundin ang mga utos nila sa akin. Ngayon ay parang wala na yun dating sa akin. Ang boring pala nilang maging kaaway noh. “Aba..! At talagang hindi ka pa kumilos diyan. Ano pang hinihintay mong gaga ka. Pasko? King inang to. Yaw talagang gumalaw. Inuubos mo talaga ang pasensya kong hayop ka, Richard...!" Galit na galit na sigaw nito sa akin. Kaya naman hindi na nito napigilan pang sugurin ako. Nang sasampalin na ako nito ay nasalag ko ang kanang kamay nito at pagkatapos ay ako ang sumampal rito ng pagka lakas lakas. Yung tipong sampal na hindi nito makakalimutan. Halos matumba ito sa lakas ng sampal na ibinigay ko. Kung hindi lamang ito nakahawak sa pader ay baka bumulagta na ito sa lupa. Hilong talilong ang gaga. Bumakat pa sa pisngi nito ang palad ko. Nanlaki ang mata nito sa ginawa ko. Tinignan ako nito habang hinihimas nito ang pisngi nitong mamula mula na. "Wag na wag mo akong hahawakan ng madumi mong kamay, dahil nakakadiri ka. Subukan mo lang ulitin iyon at hindi lang yan ang matitikman mo. Aga aga ay naninira ka ng araw na kupal ka." Sabi ko dito sabay dura sa pag mumukha nito bago ako tumalikod dito. Gulat na gulat ang mga iilang estudyanteng nakasaksi sa nangyari. Hindi makapaniwala na ang dating binubully lang ng mga kupal ay ngayon ay nakakalaban na. Nang makalayo na ako sa pwesto ni Timmy ay saka ko lamang narinig ang malakas na pag sigaw at pagmumura nito sa akin. Napangiti na lamang ako sa reaksyon nito sa akin. "AAAARRRRGGGGHHHH…! Tang ina mo, Richard. Humanda ka sa akin. Gusto mo ng gulo, ah. Tignan ko lang kung makapalag ka pa mamaya. Sasabihin ko kay Lord Stephen ang ginawa mong hayop ka...! ULOL ka.. Tang ina mo..!" Sigaw nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin pa at diretso na sa classroom ni Sir Luis. Mamalat ito sa kakasigaw ay wala akong pakialam. Nakita ko si Endrick na abalang abala sa pag kalikot ng cellphone nito. Sa itsura nito ngayon ay halatang kinikilig. Hindi pa ako nito napapansin. Magsaya ka lang, Bes. Dahil tapos na ang maliligayang araw nyong lahat. Maniningil na ako ng mga atraso niyo sa akin. Lumapit at tumabi ako sa gilid ng upuan nito. Napa angat ang tingin nito sa akin at kitang kita ko rin ang pag kagulat sa mata nito. "Hi, Bes. Mukhang masaya ka, ah. Kumusta ang ahas kong kaibigan?" Nakangiti kong sabi dito. Nakatitig lang ito sa akin ng una at tila hindi makapaniwala na nagsasalita ako ng ganun. Maya Maya ay nakabawi rin ito. "Hahahaha. Ang tapang mo naman, Richard. Akala mo naman strong na strong ka. Wag nga ako bakla. Hahaha. Kumusta ako? Eto masaya, sagana sa t***d. Tuloy tuloy pa rin kasi ang supply ng t***d ng boyfriend mo sa amin. Ikaw ba? May dumidilig na ba sayo.?" Nakangiti nitong sabi sa akin. "Really? Good for you. Sabagay, tiga salo ka lang naman ng mga tira tira ko, eh. Yun lang kasi ang halaga mo. Tama? Hahaha" Tugon ko rito na tumawa rin. Hindi agad ito nakasagot sa sinabi ko at napanganga na lang. Marahil ay nagugulat talaga ito sa mga banat ko. "Hindi ko alam, Richard. Kung saan nanggagaling ang tapang mo. Hahaha. Gusto kitang palakpakan. Grabe sa pagbabago, ah. Kaya lang alam ko naman na mahina ka pa rin. Pang front mo lang yan. Hindi mo ako maloloko. Swerte ka dahil masaya ako ngayon dahil kay Pietro. Kaya palalagpasin ko yang walang ka kwenta kwenta mong patutsada. Balato ko na sayo ang hindi pag patol." Sagot din nitong nakangisi. "Oh, Si Pietro pala ang kachat mo. Pakisabi pala kay Pietro na namiss ko ang labi nya, ang dila nya at sya mismo. Hindi ko pa kasi siya nakikita eh. Siguro, after ng exams na ito baka kitain ko sya. Tapos alam mo na." kindat ko pa dito. Napasinghap ito sa sinabi ko. Akmang tatayo ito at sasaktan sana ako ng dumating na si Sir Luis. Kaya nakapag timpi pa ito at nakibati na din sa pag dating ni Sir Luis. Nang makaupo na kami ay nag salita ito ng mahina. "Mamaya ka sa aking puta ka..! Sinagad mo ang pasensya ko na, ulol ka. Antayin mo lang matapos tong exam gago ka,. Makikita mo ang hinahanap mo..! Ang lakas ng loob mong gumawa ng kwento" Asik nito sa akin. "Bring it on, Bes. Hindi kita uurungan. Saka sa atin dalawa. Ikaw itong mapag gawa ng kwento. Forte mo yun." Sabi ko dito ng nakangisi. Maya Maya lang din ay pumasok na si Timmy, halata ang pag kaasar ng mukha nito ng makita ako. Sinamaan pa nga ako nito ng tingin na ikinangisi ko lang. At dahil wala na itong maupuan ay sa pinaka likod na lang ito umupo. Nagsimula na ang exam ni Sir Luis at hindi man lang ako pinagpapawisan sa mga tanong sa test paper. Salamat kay Samjo dahil lahat ng itinuro nito sa akin ay lumabas sa exam. Kaya naman mabilis ko itong natapos. Kinakalabit pa nga ako ni Endrick para pakopyahin ko sya, gaya ng ginagawa ko dati. Dati yun. Kahit mamatay pa sya dyan ay hindi ko sya papa kopyahin na bobo sya. Kaya ramdam ko ang ngitngit niya ng hindi ko siya pinapansin. Puro lang landi ang alam. Mag aral walang time. Kaya naman tumayo na ako para ipasa ang test paper kay Sir Luis. "Uy, naks ang bilis natapos, ah. Well Done, Richard." Sabi pa sa akin ni Sir Luis. Napangiti lang ako dito at tumingin muna sa naasar na si Endrick bago ako lumabas. Kinindatan ko pa ito para mas lalong mainis. Kayo ang mag handa sa akin, Endrick. Ngayon pa lang ay simulan nyo ng mag dasal, dahil kakailanganin nyo yun. Tinitiyak ko yan. Nag tungo na ako sa susunod na classroom. Maaga pa naman kaya makakapag basa pa ako ng ibang notes na prinepara at nireview namin ni Samjo. Habang patungo ako roon ay nakasalubong ko ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Hindi ko pwedeng makalimutan ang isang ito. Ito ang lalaking chumupa kay Emmet nun sa CR. Noong pumunta kami sa mall nila Peter kasama sila Endrick at Timmy para bumili ng school supplies. Dito rin pala ito nag aaral. Hindi ko nasaksihan ang pag chupa nito kay Emmet dahil itinago ako nila Peter sa loob ng cubicle pero sigurado ako na siya ang lalaking iyon. Dahil napaliguan ito ng t***d sa pagmumukha ng makalabas na ako ng cubicle. Nang makita ako nitong nakatingin sa kanya ay napangiti ito. Isa rin itong demonyo in the making, eh. Saka ang alam ko ay kamag anak ito ng mga Saavedra. Hindi ito nag salita ng makalagpas na kami sa isa’t isa. Mukha man itong anghel tingnan sa panlabas na anyo nito pero alam kong may nagtatago na kasamaan sa katauhan nito. Hindi naman ako nito sinaktan ng direkta. Kaya naman hindi ito kasama sa mga taong may atraso sa akin. Nadamay lang ito dahil sa mga mapag larong trip nila Peter non. Saka hindi nga yata alam ni Stephen na ipinatikim nila ang boyfriend ko rito. Hindi ko rin naman kasi sinabi. Pagkarating ko sa room ko ay may mga estudyante pa roon na kumukuha rin ng exam. Si Mr. Valencia ang nag papasinaya. Maaga kasi ako natapos kaya naman expected ko talaga na may klase pa roon. Pag silip ko ay nakita ko si Abraham na naroon. Isa sa mga pamangkin ni Andrei. Ginagamit rin pala nito ang room namin. Seryoso itong nagsasagot sa papel nito. Hindi ko na tinignan pa ito at naupo na lang muna ako sa may hagdanan. Hinihintay silang matapos. Habang nag babasa ako ng mga notes ay may lumapit sa akin. “Hi. Ikaw si Richard, di ba?” Tanong sa akin ng estudyanteng lalaki. Pamilyar sa akin ang mukha nito. “Yup. Sino sila? Bakit kilala mo ako.” Tanong ko rito. Pilit kong inaalala kung saan ko ito nakita. “Ah, ako si Joss. Hindi mo na ba ako natatandaan?” Tanong nito sa akin. Nakangiti ito sa akin. Umiling ako rito. “Sorry. Pero pamilyar sa akin ang mukha mo.” Tugon ko rito. “California Beach Resort.” Sambit nito sa akin ng nakangisi. Saka bumalik sa alaala ko ang mga nangyari nung bakasyon. Muli kong pinagmasdan ang mukha nito. Tama, isa siya sa mga nakasama namin doon ni Emmet. Ito yung may ka throuple. “I guess, naalala mo na ako. Kumusta ka na? Ang laki na ng pinag bago mo, ah. Mas naging hot ka ngayon at mas naging kaakit akit lalo.” Sagot nito sa akin. Nahiya naman ako sa pamumuri nito sa akin. “Ayos lang naman. Ikaw? Dito ka na ba nag aaral?” Tanong ko rito para mapagtakpan ang hiya na nadarama ko. “Oo. Dito na ako nag transfer sa school niyo. Third year na rin ako sa kursong Business Ad. Si Emmet, kumusta na?” Tugon nito sa akin sabay tanong ng kay Emmet. Hindi ako naka sagot agad sa tinanong nito dahil hindi ko naman alam ang dapat isagot sa kanya. Saka, wala rin talaga akong balita sa BOYFRIEND ko na yun. Hindi ko pa rin kasi siya nakikita simula ng iligtas ako nila Andrei. “Tuloy pa rin ba ang set up niyo na pwede siyang tumikim ng iba?” Tanong muli nito sa akin. “Ahmhmmm.. Bakit mo naitanong?” Tanong ko rito. Hindi ko talaga alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Dapat ko bang sabihin ang totoo rito. Ngunit hindi ko naman ito kilala ng lubusan. Baka ikapahamak ko pa kung sasabihin ko rito ang sitwasyon ko. “Nakita ko kasi si Emmet isang beses. Nakikipagtalik siya sa CR ng kababalaghan. Gaya mo, hindi rin niya ako nakilala. Kahit nung binanggit ko ang nangyari sa Pansol ay hindi niya maalala.” Sagot nito sa akin. Hindi talaga niya maaalala yun. Kahit nga ako tinanong ko rin siya isang beses tungkol doon. Hindi niya rin maalala. Pinag takhan ko nga rin iyon kung bakit wala siyang maalala. Samantalang enjoy na enjoy siya nung nag stay kami roon. “Kailan mo siya nakita?” Tanong ko na lamang rito. Nag isip ito. Tila nag isip ito. “Nung nakaraang buwan lang. Kasama niya si Ceres Saavedra. Kilala mo ba yun? Isa rin yun sa mga naka s*x na namin ng mga boyfriends ko.” Sagot nito sa akin. Dalawa nga pala ang boyfriend nitong lalaking ito. Tama. Ceres Saavedra. Yun ang pangalan ng binatang nakasalubong ko kanina. Nagkakilala na pala sila ni Emmet. “Yeah, kilala ko siya. Dalawa lang ba sila ni Emmet na nag uungulan sa CR?” Tanong ko pa rito. Tinitigan ako nito sa mga mata bago nag salita. “Actually, meron pa silang kasama na isa. Kaya lang hindi ko siya kilala, eh. Saka may problema ba kayo ni Emmet? Pansin ko kasi hindi ikaw ang kasama niya madalas. Yung lalaking mukhang operada.” Sambit nito sa akin bigla. Napatawa tuloy ako sa sinabi nitong operada. “Sorry. Natawa ako sa salitang ginamit mo. Sa totoo -----” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko rito ng marinig ko na ang bell. Nag labasan na rin ang ilang mga estudyante na nasa loob ng classroom namin. Napatingin tuloy kami ni Joss sa mga nag sisilabasan. Nakita ko pa nga si Abraham na nakatingin sa amin. Nangunot pa ang noo nito ng pagmasdan si Joss. Pagkatapos ay dali dali itong nag lakad. Kasabay ng mga kapwa kaklase nito. Tila nataranta naman bigla si Joss sa nangyari. Hinabol pa nga nito ng tingin si Abraham. “Anyway, sorry sa mga pagtatanong ko, Richard. Curious lang talaga ako sa lahat ng bagay. Pwede mo naman hindi sagutin ang mga tanong ko. Hehehe. Sige, tol. Una na ako.” Sambit nito sa akin at tinapik pa ako sa balikat. Bago mabilis na nag lakad. “Ang weird naman nun. Teka, magkakilala ba sila ni Abraham?” Tanong ko sa hangin. Baka guni guni ko lang. Pumasok na ako sa loob ng classroom at umupo sa pinaka harapan. Mas safe kasi ako sa mga nangongopya kapag nandun ako sa harap. Para rin hindi na maka palag pa sila Endrick at Timmy. Ilang minuto rin na naging tahimik ang mundo ko bago nag sidatingan ang mga kaklase ko. Kasunod nun sila Endrick at Timmy. Bakas sa mga mukha nila ang matinding inis sa akin. Agad nilang kinuha ang papel na binabasa ko at pinunit iyon sa harapan ko. Mabuti na lamang at nakabisado ko na iyon. Binabasa ko na lang talaga ulit para may magawa ako. Para may dahilan din akong harapin sila kapag pinunit nila iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD