"Bagong Kakilala na si Timmy." ( 2 )

3299 Words
Na matapos akong kumain ay pumasok na rin ako sa silid namin. Pinauna ko ng maligo si Emmet kaya ng natapos ito ay ako naman ang sumunod na naligo. Halos sabay sabay din kami umalis ng apartment. Mabuti na lang may sariling kotse si Stephen at ito ang ginamit nito at hindi namin sya makakasabay ni Emmet. First time ulit namin mag kasabay ni Emmet, at mukha naman okay ang aura ito. Mukhang seryoso nga si Stephen na iiwasan na nito si Emmet. Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko, kung bakit nanghihinayang ako na hindi na ako makaka saksi ng kahalayan sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung saan ba talaga nanggaling yun. Binalewala ko na lang at umaasa na mawawala rin iyon. Nakarating naman kami ng matiwasay sa school, nauna pa nga kami kay Stephen. At gaya dati hinatid muli ako ni Emmet sa classroom ko. Mukhang binabalik na nito ang nakagawian na namin. Hindi ko pa naiuungkat sa kanya ang about sa pag kaka tanggal nito sa basketball team nito at ang sakali kong paghahanap ng trabaho. Siguro mamayang gabi na lang o sa mga susunod na araw na lang. Sinalubong kami ni Endrick nun nakita kami na papasok pa lang ng classroom. Dahil nga aware na ako sa panloloko ng Bes ko, ay nakikita ko sa kilos nito na parang mas excited pa itong makita si Emmet kesa sa akin. Hinayaan ko na lang, ayoko masira ang nasimulan kong magandang mood ngayon. "Hi, Emmet. Bakit naman nag seen ka lang sa chat ko? Inaaya ka namin ng friend ko na lumabas. Kami na lang tuloy ang umalis." Yun ang agad na bungad sa amin nito. Hindi man lang ako kinamusta nito. Sumagot lang si Emmet na nabusy ito at hindi na nakapag reply, agad din naman umalis ito matapos ako nitong halikan sa harap ni Endrick. Unang pagkakataon yun na naging showy si Emmet sa feelings nya sa akin. Sa harap pa ng maraming tao ah. Parang pinag sigawan na tuloy nito sa buong university na may relasyon kaming dalawa. Pinatunayan ito ng halik nito sa akin. Kaya naman expected ko na ang mga MOSANG na pag chichismisan kami. Kinilig naman ako sa ginawa nito, at nakita ko ang pag simangot ni Endrick. Hinayaan ko na lang at dumiretso na ako sa upuan ko. Panay kwento lang si Endrick ng mga naging gala nito, kasama si Pietro. Tango lang ako ng tango dito para hindi na masyado humaba pa ang kwentuhan namin. Mayamaya ay pumasok ang pinaka gwapong professor sa university namin. Hindi ko akalain na ito pala ang papalit kay Mrs Dimagiba. Sikat na sikat na prof ito, dahil hindi lamang ito literal na gwapo, ubod ito ng gwapo. Napaka ganda pa ng katawan nito na bumagay sa itsura nito. Marami ang estudyante na umaasa na maging Prof ito. Tuwing enrollment nga inaalam pa namin kung anong subject ang tinuturo nito at yun talaga ang pinipili ng mga estudyante. Kaya lang more on math kasi ang tinuturo ni Sir. Kaya hindi kami nagtutugma sa course namin. Kaya naman halos manahimik ang buong classroom ng pumasok na ito. Literal na nahigit ng bawat hininga ng lahat. Maging ako ay nagulat din talaga. Hindi ko akalain na magiging prof namin sya. Nagsulat ito ng buong pangalan nito sa blackboard at pumaharap ito sa amin. Ngumiti ito na makalaglag panty. Nakarinig ako ng mahihinang tilian. Luis Dexter S. Bautista "Good Morning class. Ako nga pala si sir Luis nyo. Ang kapalit ni Mrs. Dimagiba. Sorry hindi na nya nasabi pa sa inyo na ako ang papalit sa kanya. Hindi ko rin kasi alam na ako. Hahaha" Pakilala nito sa amin. Masigabong palakpakan at tilian ang nangyari. Hindi inaasahan na ang isang tulad nito ay magiging prof namin. "Easy, easy. Wag kayo masyado magulo at maingay. Hindi po ako artista. Normal na tao lang ako. Kaya wag nyo ako tilian, may asawa at anak na ako. For Pete's sake! Yung mga pamangkin ko na lang ang tilian nyo. Understand?" Sagot nitong nakangiti sa amin. Napakasarap lang ng speaking voice nito, yung tipong maakit ka talaga at makikinig dito ng masinsinan. "Eh, Sir ang hot nga ng ganoon. Mas lalo kayong naging yummy sa paningin namin dahil may asawa at anak na kayo. Lakas maka DILF." Hindi napigilan komento ng isang babae kong kaklase kaya tuloy nag ingay na naman ang buong klase sa kilig. Sinang ayunan kasi namin ang sinabi nito. "Mga pasaway kayo. Yung pag aaral sa subject ko, ang atupagin nyo. Wag yung daddy daddy na yan. Mabait ako sa mabait. Basta nakikinig at atentibo sa klase ko. Ayaw na ayaw ko ng tamad at laging lumiliban sa klase. Basta makinig lang kayo at madali lang naman ang ituturo ko sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo class?" Paliwanag nito sa amin. Sumagot naman kaming lahat. First time mangyari yun na super attentive ang mga kaklase ko, talagang tahimik lang kaming nakinig at minsan nga nakikilahok pa kapag nag tatanong ito. Kahit si Endrick na super tamad mag aral ay nakinig at panay taas pa ng kamay para lang matawag ni sir Luis. Kahit hindi naman nito alam ang sagot sa tanong ni Sir. Papansin lang ba. Patapos na ang klase ng may biglang sumilip sa pintuan ng silid aralan namin. Tilian muli ang mga tao dahil isa na namang gwapo ang bumisita sa silid namin. Walang iba kundi ang captain ng basketball team, si Tristan Ayala. Ang super duper crush ni Endrick. Ito lang ang taong sinasabi nito sa akin na crush nya. Kaya naman halos mangisay ito ng sumulpot ito sa klase. "Putang ina Bes. Ang hot nya. s**t. Nawet ako ng todo sa kanya. Ang sarap nya luhuran ngayon, as in ngayon. Sarap mag patamod sa kanya ngayon. OMG.. My Trista..!" OA na bulong sa akin ni Endrick. Hindi ko na siya pinansin kahit pulang pula na ako sa kakahampas nya dahil sa kilig. Namiss ko tuloy ang ganitong bonding namin, kung hindi lang talaga ako inahas nito. Kaya lang mas inuna nito ang kalibugan kaysa sa pag kakaibigan namin. "Oh, mag Hi ka muna sa klase ko?" Sabi ni Sir Luis kay Tristan. Napakamot ito ng ulo, pero nag Hi naman ito sa amin, kaya umani ito ng sigawan at tilian. Namula ang mukha nito sa hiya. Dahilan para mas lalong mag wala ang mga kaklase ko. Maging ako nakikisigaw na din eh. Mabait talaga si Tristan pag tinitignan mo, hindi ito mayabang. Mukha ngang hindi ito aware na gwapo ito kung umasta ito. "Tito, ay Sir Luis pala. Ito pala ang envelope na pinapabigay ni Mama. Iiwan ko sana sa faculty ito, kaya lang nadaanan na kita dito." Sabi nito sa Tito nito. Ang alam namin ay asawa ito ng kapatid ng Mama ni Tristan. Grabe. Ang sasarap naman nila. Para silang Greek God. Talagang tahimik lang kami na nakikinig sa usapan ng mga ito. Ang cute nilang tignan, akala mo mag kapatid lang pero mag Tito pala sila. "Ayos lang, ito na ba yung birth certificate ni Bunso?" Tanong nito sa kausap. "Oo ata Tito. Si Lola pa daw ang nag padala nyan kay Mama." Sagot ng pamangkin nito. "Ah, tamang tama lang ang dating nito. Ito na lang kasi ang kulang sa papeles nya. Excited na ba kayo makita at makasama ang Tito nyo?" Natatawa nitong tanong kay Tristan. Bago ito sumagot may umepal na naman na estudyante sa usapan ng mga ito. "Gwapo rin po ba yung Tito Bunso nyo?" Tanong ng babaeng medyo malusog. Natawa lang ang mga ito. "Sa sobrang pogi nag mukha ng maganda." Nakangiting sagot naman ni Sir Luis sa amin. Matapos ang usapan ng dalawa ay sumabay na rin ito palabas ng pamangkin nito. Nag bell na rin kasi. Kaya sakto lang talaga ang pag bisita ni Tristan. Parang dumaan lang ang oras ng ganun kabilis. Tila totoo nga ang kataga na kapag gusto mo ang kasama mo ay napaka bilis lang ng oras na lilipas. Papunta na ako sa next subject ko, hindi ko kasama si Endrick ngayon dahil bagsak na ito doon kaya mag isa lang akong papasok. Papasok na sana ako sa classroom ng makabungguan ko ang isang lalaki. Agad naman akong humingi ng paumanhin dito. "Ayos lang, kasalanan ko rin naman. By the way, kay Mrs Alcampado ka rin?" Tanong nito sa akin. "Yeah, ikaw din ba? Parang ngayon lang kita nakita?" Tanong ko rito. Tinawanan lang ako nito at inilahad ang kamay nito sa akin. "Ako nga pala si Timmy, at oo bago lang ako rito. First day ko ngayon, kaka transfer ko lang. At ito nga ang unang subject ko. Pwede ba kitang maging kaibigan para naman may kilala na ako dito sa university, ang hirap kasing mag isa. My goodness!" Reklamo nito. Natuwa naman ako sa pag ka kengkoy nito kaya naman tinangagap ko ang kamay nito at nagpakilala din dito. Sabay na kami pumasok sa silid at tumabi na din ito sa akin. Kwentuhan lang kami habang Wala pa ang prof namin, education din pala ang course nito irregular nga lang ito. Halos pareho pala kami ng schedule ng subject na nakuha nito kaya naman tuwang tuwa ito. Napag alaman ko din na sa katabing school lang din namin ito galing, nag palipat lang daw ito dito dahil mas malapit sa bago nitong dorm na nilipatan at sa kagustuhan na rin daw ng parents nito. Natigil lang ang aming usapan ng dumating na ang aming Prof. Matapos ang klase ay niyaya nya akong mag lunch na, tutal ako din naman ang mag sisilbing tour guide nito kaya pumayag na din ako. Ala dos pa naman ang next na subject namin. Tinext ko si Endrick para ipaalam na nasa cafeteria ako pero may pupuntahan pa daw ito kaya ako na lang daw. Hindi na ako nag reply dito. Halos magkasundo kami sa lahat ng bagay ni Timmy, pareho kami ng gusto, pareho kami ng mga ayaw. Kaya naman nag click kaagad kami. Mayamaya lang ay nag tanong na ito ng personal. "Bi ka noh? Alam mo na, it takes one to know one. Hehehe." Tanong nito na nakangiti sa akin. Kaya naman umoo na ako, hindi ko din naman dinideny yun. "Oo, naman sino ba naman ang mag kaka amuyan, kundi tayo tayo din." Sagot ko sa kanya. "Hindi ako Bisexual. I'm gay. Kasi pag Bisexual ang ibig sabihin nag kaka gusto ka rin sa babae or may chance na mainlove ka sa girl. Ako kasi kahit naka pormang lalaki ako at astang lalaki ay hindi ko talaga maitim na mag ka gusto sa may pechay. Baka mag liyab ako bigla, hindi ko Keri." Nandidiri nitong sagot sa akin. Natawa pa nga ako sa reaksyon nito. "Ako kasi attracted pa rin ako sa girl, at nag ka girlfriend ako bago ko naging boyfriend si Emmet." Sabi ko dito. "Omaygad! May jowa ka pala. Sabagay, sa gwapo mong yan. Imposible na wala, patingin naman ng litrato ng boyfriend mo dyan." Tanong nito sa akin. Agad ko naman ipinakita ang litrato ni Emmet sa phone ko. "In fairness ang gwapo ah, masarap sya ah. Hahaha. Wag ka mag selos ah, prangka lang ako. Pero di ako ahas." Tumatawa pa nitong sagot sa akin. Mukhang wala nga sa personality nito iyon. Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanya ang mga kinikimkim kong sama ng loob at problema. Napansin naman nitong na tahimik ako. "Luh. Mukhang may umahas na sa boyfriend mo ah. Natahimik ka eh. Anong chika?" Sabi nito sa akin na ikinagulat ko. "Paano mo naman nasabi na may umahas sa boyfriend ko?" Tanong ko dito. "Magaling kasi ako mag basa ng ugali ng tao, saka sa itsura mo, wag ka magagalit ah. Mukhang uto uto ka. Madaling utuin at maloko. Kaya di na ako magtataka na lokohin ka ng bf mo, gwapo pa naman ng bf mo. Mukhang habukli at pikutin." Sabi nito sa akin. Medyo nahurt ako sa sinabi nito, pero gaya nga ng sabi nito prangka lang siguro ito. Kaya hindi ko na napigilan maglabas sa kanya ng sama ng loob at mga kinikimkim kong sakit pati na ang kabaliwan ko na nararamdaman. Nang matapos ako, ay tumingin lang sa akin ito at tumango tango. Hindi ito nag salita ng ilang minuto. "Baliw na ba ako sa nararamdaman ko ha? Yung totoo ah, hindi ako ma offend, sige lang. Sabihin mo lang sa akin." Wika ko rito. Siguro kailangan ko lang talaga ng mapag lalabasan ng sama ng loob ko. Hinanakit ko. Kaya hindi ko na napigilan pang ikwento rito ang lahat lahat. "Alam mo, normal lang yan nararamdaman mo at hindi ka baliw. May tawag dyan eh. Teka ano nga ba yun. Shuttlecock, ay hindi parang ang layo. Basta may c**k hahaha teka nga search ko. Sandali lang, ah." Sagot nito sa akin habang may hinahanap sa phone nito. Naghihintay lang ako sa sasabihin nito. Mayamaya pa ay ngumiti ito at may ipinakita sa akin video sa Twitter. Halos ma shock ako sa video na ipinapanood nya sa akin. Paano ba naman kasi ang lakas ng mga ungol nun. Napatingin tuloy sa amin ang ibang estudyante. Natawa lang ito. "May tendency ka na maging Cuckquean. Yun ang tawag sa mga taong gaya mo na nag eenjoy na nakikita na nakikipagtalik sa iba ang karelasyon nila. Sa sitwasyon mo, ang masasabi ko ay wala ka pa roon pero papunta ka na." Sabi nito sa akin. "So, may paraan pa ba para matigil ko ang pagiging ganun ko? Para hindi ako maging Cuckquean.?" Seryosong tanong ko rito. "Gaga, hindi ko alam. Hindi naman ako Doctor noh. Pero kung gusto mo, pwede kitang samahan sa espesyalista na tumatalakay sa ganyan para maliwanagan ka. Para maipaliwanag rin sayo ng mabuti." Sagot nito sa akin. Umiling ako. Bukod sa wala akong pera na pambayad ay nahihiya din ako mag punta sa ganoon. Baka isipin pa ng iba na nababaliw na ako. "Tinanong mo na ba ang sarili mo kung ano ang lamang, Richard. Ang sarap ba o ang sakit?" Tanong nito sa akin pagkaraan. "Hindi ko din maintindihan eh. Hindi ako sigurado, Timmy." Sagot ko sa kanya. "Well, isa lang ang solusyon dyan. Panuorin mo silang magsex, tapos tanungin mo ang sarili mo kung ano ang mas lamang, SAKIT ba o SARAP? Simple lang di ba. Para matapos na ang problema mo. Tutal nag papaka gaga ka rin lang naman na. Harapin mo na. Para hindi ka na rin nalilito pa." Sagot nito sa akin. "Ang dali lang kung iisipin pero hindi ko naman ata kaya sabihin yun kay Emmet. Na makipag s*x sya sa kasama namin sa bahay. Parang sa akin pa talaga dapat mang galing yun. Eh, mukhang nag babago na nga yung tao. Tapos parang ako pa ang nagtutulak na gawin nila iyon." Pag amin ko rito. "Eh, di hulihin mo na lang. Im sure nag sesex yan ng di mo alam. Imposible na hindi, sa pag describe mo pa lang sa akin dun sa Stephen. Mukhang malandi na talaga." Sabi nito sa akin. "Mukhang nag bago naman na sya, at desidido na iwasan si Emmet. Nararamdaman ko naman iyon kanina." Sagot ko dito. "Hindi ako naniniwala. Walang ganun kabilis mag bago, Day. Baka nga plano talaga nito na makituloy sa inyo para unti unting ahasin ang jowa mo. Wag ka ngang bobo. Kaya ka nasasaktan, eh." Prangkang Sagot nito sa akin. "Sa tingin mo. Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya. "Teka matanong muna kita. Sabi mo kanina, sinend ni Stephen yung videos at pictures sa'yo, tama. Binura mo na ba? Mukhang hindi pa, pinanood mo pa ba?" Sunod sunod na tanong nito. "Hindi ko pa nabura, kasi nga pinapanood ko pa. Iba kasi talaga yung libog na hinahatid nito sa akin eh. Hindi ko rin alam kung bakit ganun nga." Nahihirapan kung sabi kay Timmy. "Saan ka ba nasasaktan? Sa ideya na nakikipag s*x ang boyfriend mo o sa taong nakakasex nito? Magkaiba kasi iyon eh. Baka naman kasi may specific na tao ka lang na gusto maka s*x ng boyfriend mo. At kaya ka siguro nasasaktan dahil ayaw mo sa taong nakakasex nya or di kaya naiinsecure ka dahil meron siya na wala ka." Sambit nito sa akin. "Hindi ko talaga alam, Timmy. Nahihirapan na nga ako sa totoo lang. Nababaliw na rin ako. Putang ina talaga." Sagot ko dito. "Naku, para sa akin normal lang naman yan. Gaya nga ng video na ipinakita ko sa'yo, yung bottom dun tuwang tuwa na nakikita nitong nakikipag s*x ang boyfriend nya sa iba. Siya pa ang nag vivideo ah. May mga taong ganyan talaga. Kung dun sila maligaya pakialam ba natin diba? Kaya ikaw kung nag eenjoy ka naman. Di walang problema. Kung nasasaktan ka di hiwalayan mo, ang Dali dali eh." Paliwanag pa nito sa akin. "Hindi ko alam, basta bahala na. Baka nga kailangan ko munang alamin kung ano ba talaga nararamdaman ko. Para naman hindi na ako nahihirapan pa. " Sagot ko muli dito. "Basta iupdate mo ako sa magaganap, interesting yung kwento mo eh. Tapos kapag gusto mong patayin yung Stephen, sabihin mo lang sa akin. Ipaligpit natin. Medyo mayaman kasi ako. Hahaha," Sabi pa nitong tumatawa. Natapos kami kumain at pumunta na sa next subject namin. Kami na halos ang mag kasama ni Timmy. Di ko na nga napansin na hindi pala pumasok si Endrick buong araw. Napansin ko na lang ng mag chat ito at tinanong kung ano ang mga ginawa sa klase. Di na ako nag abala pang mag reply. Kahit yung mga text ni Pietro hindi ko din muna nirereplyan. Marami akong iniisip para isama pa sila sa iisipin ko. Nakarating ako kung saan nakaparada ang sasakyan ni Emmet. Hinintay ko lang sya saglit. Maya maya ay dumating na din ito. Hinalikan ako nito sa labi at akmang sasakay na sana kami sa sasakyan ng bigla kaming tawagin ni Stephen. Napaharap naman kami dito. "Buti na lang naabutan ko kayo dito, pauwe na ba kayo? Sasabay sana ako. Nasira kasi yung gulong ng kotse ko, pinaayos ko pa sa talyer at mukhang matatagalan pa. Kaya nag baka sakali ako na puntahan kayo dito, pasensya na sa abala" Paliwanag nito. Tinignan ako ni Emmet at tumango lang ako, hindi naman bato ang puso ko para sa mga taong nakikiusap. Sumakay na kami at buti na lang hindi ito gaya ni Endrick. Hinayaan ako nitong sumakay katabi ni Emmet kaya mas lalo ko lang na patunayan na seryoso ito sa sinabi sa akin. Tawanan pa nga kami sa loob ng mag kwento ito ng mga nangyari sa mag hapon nito. Nakikinig lang kami ni Emmet dito. Agad din naman kami nakarating sa apartment. Sinabihan na rin ako ni Stephen na wag na mag luto at magpadeliver na lang para hindi na ako mapagod sa pagluluto.Tumango na lang ako. Nasa kwarto na ako ng sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Timmy. Hindi ko tuloy alam kung ano gagawin ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Stephen sa akin na hindi nya gagalawin si Emmet kung hindi ko irerequest. Posible kaya na irequest ko yun? Bahala na nga. Masaya naman kaming nag hapunan na pagkatapos dumating ang pina deliver na pagkain ni Stephen. Pansin kong parang mas gumaan ang awra sa bahay. Kaya parang naging palagay na ang loob ko. Nang matutulog na kami, ganoon pa rin ang nangyari kagabi. Kinatok ako ni Stephen at ibinigay muli sa akin yun tea na pinainum nito sa akin kagabi. Dahil alam kong safe naman ito, inubos ko ito sa harap nya at nagpasalamat muli dito. Noong gabi din iyon ay sobrang himbing muli ng tulog ko. Pero lingid sa kaalaman ko, may mga bagay palang nagaganap ng hindi ko namamalayan. At unti unti ko itong matutuklasan. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD