Kabanata 23 Richard "Tignan mo nga naman, kaya pala bumaho bigla dahil may basurang naligaw dito sa lugar na ito. My gosh, sino ba nag papasok sa nabubulok sa baho na baklang to." Tinig na bumasag sa katahimikan ko habang tumitingin tingin ako ng gulay. Narito ako ngayon sa supermarket para bumili ng ulam na lulutuin ko sa dinner namin sa condo ni Samjo mamaya. Pasasalamat ko na rin ito dahil sa malaking tulong nila sa akin. Lalo na sa pag papatira nito ng libre sa condo nito. Namimili ako ng gulay na sangkap sa gagawin kong chop suey ng marinig ko nga ang boses na iyon ni Timmy. Pumaharap ako rito. Nakita ko na kasama nito si Peter. Kaya naman pala malakas ang loob nito ngayon. Matapang lang naman ito kapag may back up ito palagi. "Sarili mo ba ang tinutukoy mo dun, Timmy? Well, tam

