Pulang pula tuloy sa kahihiyan ang mukha ng mga ito. Tawa pa ng tawa si Marikit kaya naman mas lalong naasar ang team nila Endrick sa amin. Hindi ko na nakita pang bumalik si Andrei at si Tristan, ang sabi na lang ni Marikit sa akin ay umuwi na ang mga ito. At wala ng balak pang umattend ng event ngayon sa school. Naiwan tuloy akong kasama si Marikit at Christof. Narito nga kami sa tambayan nila. At busy kami ni Marikit mag kwentuhan, habang sila Christof at ang iba pang pamangkin ni Andrei ay busy sa paglalaro ng Xbox. Mayamaya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Pietro. "Hello, Richie boy. Nasaan ka?" Tanong agad nito sa akin. Bakas sa boses nito ang pagkataranta. "Kasama ko sila Marco at Christof. Bakit? May nangyari ba?" Balik tanong ko rito. Bigla akong kinabahan. "Nandito

