Writer's Note: May mga scene po dito na tungkol sa mga business ang pinag-uusupan. I just created my thought and made some research kaya pasensya na po kung hindi po gaano perfect yung pagkakabuo nung idea po na iyon.
(STEPHEN's POV)
"It's not that easy Stephen, pili lang ang ginagawang share holder ni Beatrice doesn't mean na CEO ka or you have the capabilities na maging share holder ay i-aaallow niya na agad ang offer or proposal mo. Beatrice is strict pagdating sa mga details at guidelines ng company niya. Muntik ng bumagsak ang company ng Lolo niya siya lang ang nagahon dito muli and this time mas lumaki pa ito. "Paliwanag ni Alexa.
Kinukulit ko siya na ibigay sakin ang ilang status ng company at ibang incoming at ongoin projects nito upang makagawa ako ng paraan kung paano ako makakapasok sa kumpanya as company share holder or even to merge our company.
"Please, Alexa do me favor this time. I'm willing to pay double just hand me those informations at importanteng hindi malaman ito ni Beatrice."pakiusap ko dito. Alexa rolled her eyes and sighed. "Alright Stephen, this is the first and last time na gagawin ko ito for you. Just want to remind you na hindi mo kayang makipag kompitensya kay Beatrice she don't let any man na manalo sa kanya." Sinabi pa nito. "No of course hindi ako makikipag kompitensya sa kanya. I just want something personal with her." Seryosong sabi ko kay Alexa. Napaawang ang labi ni Alexa, umiling ito at tumawa "Stephen, kung iniisip mong kaya mo siyang mabilog gaya ng iba. No ! She's way more, different than other girls." Sabi ko pa kay Alexa na binigyan ito ng pilyong ngitin "Really? In this fight between you and Ms. Villacosta. I'm sorry to say that Ms. Villacosta will be the one who'll win!" Panunudyo pa ni Alexa. "Baka nakalimutan mo gaano ako kabilis sa babae Alexa. Kung hindi mo nga lang type si Kuya Gregory e baka nahulog ka na din sakin." Pang-aasar ko pa dito. "Alam mo ewan ko sayo Stephen! " sumeryoso ang mukha ni Alexa at nagsimula ng magsungit.
I know Alexa cause she's kinda close to me back in college. Kapag nag gogroup study kami sa bahay ay lagi niyang inaabangan si Kuya para asarin and that's the time na napansin kong may gusto siya kay Kuya. Two days bago ang flight namin pa US ay nalaman kong nagdedate si Alexa at Kuya Gregory. Matapos niyon ay wala na akong balita. Nang nasa US na kami ay nagkaroon din ng mga babae si Kuya pero hindi rin tumatagal mga ito ng isang araw. Siguro ginagawa niya lang bedroom warmer ang mga ito dahil pag tapos niyon ay may iba na naman siyang kasama. I don't know kung naging sila o sila pa ni Alexa. I just don't want to interfere in Kuya's life.
"Oh siya aalis na ko Stephen. I'll text or call you if I already have it. Alright? At please lang wag mo ng banggitin ang kapatid mo baka magbago pa ang isip ko." sabi pa nito at tumayo na mula sa kinauupuan niya. Nasa isang coffeeshop kami dito sa BGC Taguig. Malapit lamang ito sa building na aming kumpanya kaya dito kami nagkita at malapit lang din dito ang kay Beatrice.
"Let's meet on the cafe again. Please pumuli ka ng upuan na hindi tayo makikita agad. I don't want my workmates to see that I'm with you, they might report it to Ms. Villacosta!" Nilalaman ng text ni Alexa. "Alright, Copy." Reply ko dito.
It's already six in the evening ng magkita kami ni Alexa sa cafe kung saan kami nag kita. Nang makaupo kami sa dulong bahagi ng cafe ay agad niyang iniabot sa akin ang isang folder. "That's it Stephen."
"We will be needing fabric suppliers on our upcoming project you can prepare your proposals. I know you have those supplies Stephen prepare a kneet and proper proposal for the project. And also we will be needing another share holder for the upcoming projects so better kung mag aapply ka as supplier and share holder or better yet kung makikipag merge ka ng kumapanya as sister company. They are now looking for suppliers. Since I'm the manager of this project, I'll try to suggest yours." Sabi pa ni Alexa at tuluyan ng tumayo. "I'll contact you if she' says yes" Sabi pa nito na bahagyang lumingon at tuluyan ng umalis.
I can't sleep that night knowing that one of this days makikita ko na ulit si Beatrice.
I ordered Eliza my secretary, to make a proposal for the project that we would like to apply for as a supplier to Beatrice's company. I gave all the information needed to make the proposal presentable. I prepaired myself for this, until that day has come.
Together with the board members the meeting is about to start. Nakaupo kami sa isang mahabang table at sampung board members na nasa edad 50-40 years old na kalalakihan ang kasosyo ni Beatrice. Kasama ko si Eliza, naguusap-usap ang ilan sa mga board members habang naghihintay kay Beatrice. Hanggang sa matapos ang limang minuto ay bumukas ang pinto inayos ko ang pagkakaupo ko, matapos ang walong taon masisilayan kitang muli Beatrice. Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Siguro ganito talaga kapag gusto mo makita ang taong mahal na mahal mo. Iniluwa ng pinto ang isang lalaking matangkad, mukhang bata pa ito nasa bente anyos pa lamang siguro ito, nakasalamin ito at maputi ang balat. "Goodmorning Mr. Ledesma. I'm the secretary of Miss Villacosta sinabi niya po na magprepare na po she will be here in a minute so please be patient" sabi pa nito na yumuko pa ng bahagya bilang pag galang at lumakad patungo sa gilid ng silid at umupo sa upuan doon. Tumango ako dito at binigyan ito ng seryosong mukha"Siguro naman hindi ito papatulan ni Beatrice napaka bata pa nito, pero bakit nga ba lalaki ang secretary niya?" Tanong ko sa isip.
Muling bumukas ang pinto at tuluyan ng pumasok si Beatrice. She's wearing a black short-sleeve wrap slim dress completed with tights,and black leather pointed-toe heeled pumps, a total black look that makes her more sexy and attractive to me. Walang kupas pa rin si Beatrice mula noon hanggang ngayon ay kaakit akin pa din ang ganda niya. Hindi pa rin nawawala ang malulungkot niyang mga mata subalit ngayon nakikita kong puno na ito ng tapang at lakas ng loob. Tinititigan ko lang siya hanggang sa naglakad siya patungo sa gitna ng mahabang lamesa para simulan ang meeting. Napansin kong nakatingin din siya sa akin na ikinatuwa ng puso ko gusto ko na siyang yakapin at halikan subalit hindi maaari dahil hindi pa nga niya ako nakikilala at iti ang unang beses na sumagi ako sa mga mata niya. First impression last kailangan magiwan ako ng marka sa paningin niya upang hanap hanapin niya ako. Umiwas siya ng tingin ng nakita niyang matama akong nakatitig sa kanya.
Matapos ang ilang oras na pag pepresent ko ng proposal about being their share holder, fabric supplier and also as sister companies sa huli ay naging matagumpay ang plano ko. Bumalik ako sa kinauupuan ko ng tapusin ni Beatrice ang meeting. Unti-unti ng naglalabasan ang mga board members at staff na naroon. Tuluyan ng nakalabas ang mga nasa conference room at kami na lang ni Beatrice ang nandoon inayos lang nito ang mga nasa folder. Hindi niya ako nililingon, para bang wala na ako doon. Tinititigan ko lamang siya sa ginagawa niya. Naiilang siya marahil sa mga tingin ko. Parang tumatalong ang puso ko na malaman na naaapektuhan siya sa mga tingin ko. Ngayon lamang ako nagkaganito sa isang babae.
Palabas na siya ng conference room at nakatingin pa din ako sa kanya habang nakaupo sa swivel chair. "Just a moment Miss Villacosta since you already accepted my offer as your sister company. I want you & me to have a dinner for tonight." Kinagat ko ang lower lip ko and I looked at her seductively. Nakikita ko ang epekto ko sa mga kinikilos at sinasabi ko sa kanya. Ngumiti siya "Sure let's celebrate Mr. Ledesma" sabi pa nito at pipihitin na ang doorknob ng mabilis akong lumapit dito, hindi ko alam kung paano pero maagap akong lumapit sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya na halos magkadikit na ang mga ilong namin. Naamoy ko ang hininga niyang amoy mint at pabango niyang nakakahalina. It's now or never. Sobrang kaba at sobrang saya, halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko. Halos siyam na taon ako naghintay para mahawakan at malapitan siya. Pilyong napangitin ako at tumitig sa mga mata niya. "Well then be ready Betty!" malambing na bulong ko dito. Napalunok siya at nakahinang lamang sa isa't isa ang aming mga mata. I want her lips on mine. Unti-unit ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya, nakita ko ang pagpikit niya na kahandaan sa gagawin ko ng biglang may kumatok. Bumalik kaming dalawa sa ulirat at humiwalay na ako sa kanya. Napahawak ako sa batok at tuluyan ng lumabas ng pinto. Nakita ko si Alexa na nasa labas, nagtitigan muna ako binigyan ko ng tingin na parang nakaistorbo siya. "sorry" bigkas ng bibig niya na walang lumalabas na boses at napangiwi.
"Sira ka talaga kanina tulala na si Miss Villacosta. Ano na namang ginawa mo?" Pagalit ni Alexa sakin, tinawagan ko siya para hingiin ang phone number ni Beatrice. Hindi ko mapigilang tumawa at ngumiti sa sinabi niya. Para akong teenager na kinikilig. Hindi man bagay sa isang lalaki ang ganitong reaksyon ay wala akong pakialam. "I told you. Iba ang mga galawan ko. Kung sa iba hindi siya na aattract ibahin mo ko isa akong Ledesma Alexa." Kinikilig kong sabi. "Ewan ko sayo Stephen ang yabang mo pa din. Sinend ko na sayo ung number niya, wag na wag mong sasabihin na sakin galing malilintikan ka sakin Stephe James!" Nangigigil pa na sabi ni Alexa. Natawa ako lalo't di ko napigilang humagalpak." Oo na. Salamat Alexa" paalam ko dito at tuluyan na nitong ibinaba ang tawag.
Alas-singko na ng naisipan kong tawagan si Beatrice to remind her about the dinner date that we will be having tonight.Nagring at telepono nito at tuluyan niya ng sinagot
"Betty I wanna remind you about our dinner tonight."
"I'm sorry, who the hell is this? And where did you get my number?" Mataray na tanong nito. Natawa ako alam kong nagmamaang-maangan lamang siya.
"It's Stephen! May iba pa bang nag-aya sayong mag-dinner?" Malambing na tanong ko.
"Ah eh, Yes! I'm sorry, I can't, I'm tired. Let's do that tommorrow. I'm sorry!" Tila nagmamadaling sagot nito at tuluyan ng ibinaba ang tawag.