Panibagong umaga na naman kakagising ko lang, kahapon kase galing kami ni Ella sa mall, bumili kami ng sapatos nya at bagong bag at tska kumain na din.
Malapit na din ang graduation namin excited na ako kase matatapos na sa wakas, tumayo ako at nag ayos na.
Ginawa ko ang aking daily routine sa umaga pag tapos nag bihis ng uniform. Pagbaba ko nakita ko si mommy at daddy na nag bbreakfast kasama sila kuya luke at kuya Macoy, kiniss ko sila mommy at daddy at umupo na ng biglang magsalita ang dalawa kong kuya.
"Kami bunso walang kiss? tanong ni kuya macoy sya talaga ang pinaka malambing si kuya luke nan sobrang seryoso sa buhay.
Lumapit ako at kiniss ko din sya sa cheecks, paupo na sana ako ng bigla din humirit si kuya luke.
"Ako din bunso wala din kiss? Lumpait din ako at kiniss ko din sya.
"Kamusta school mo anak? tanong sakin ni daddy. "Maayos naman po dad malapit na din po ang graduation nakangiti kong pahayag.
"That's good princess" nakangiti ring bati neto.
Malapit na akong matapos ng bigla akong mabilaukan sa sinabi ni kuya macoy. "Balita ko keys may crush ka daw!! sabay tawa neto. "Totoo ba yun Coren singit naman ni kuya luke.
"That's good to hear! sabi ni daddy.
"What? singit naman ni mommy.
"Fernando nag aaral pa ang anak natin, "Mamie dalaga na si Kc tska hindi nya naman 9ababayaan ang sarili nya at pag-aaral. Pagtatanggol sakin ni daddy. "Ok basta gusto namin makilala, sabi ulit ni mamie, sasagot na sana ako ng sumingit ulit si kuya luke.
"Kilala ko na sya mom actually kaibigan ko sya, nakangiting sabi neto.
"Wait!! kilala ko din ba yan? sabi naman ni kuya macoy. "Yeah"
"Sinong kilala nyo? sabi ko. Nagkibit balikat lamang ang dalawa."Basta gusto namin yan makilala Kc! pagpipilit ni mommy.
"Mom,Dad, Crush ko palang sya hindi ko oa sya boyfriend or dipa sya nanliligaw.
"Kahit na Kc dun na din papunta yun. sabi ni mommy. Natapos ang almusal namain at nag txt sa akin si Ella na sabay na kami pumunta sa school atayin lang nya ako sa labas, nireplyan ko naman sya ng sige.
Nakarating na ako sa school at nakita ko si Ella na nakangiti parang may kakaiba dito ahh!!
"Kristine may sasabihin pala ako sayo mamaya!!
"Sige tara na.
Papasok na kami sa gate ni Ella ng matanaw nin si Rafa sa labas, may dala itong Isang pirasong pulang rosas. Mauuna na sana ako ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko. "KC!!!!
"Ako!! tanong ko sa aking sarili baka kase hindi ako ang tinatawag nya pero sya lang ang tumatawag sakin ng kc ayuko lang mag assume, lumapit ito sakin at inabot ang kanina nyang hawak na pulang rosas.
"Para sayo nga pala!! sabay abot ng rosas na pula, tinitigan ko muna ito tumingin din ako kay Ella at nakita ko itong naka simangot sabay sabi nyang mauuna na daw sya, "Una na ako sainyo lovebirds!! parang galit na sabi neto.
"Para sakin ba talaga to? sabay abot ko.
"Oo naman !! nakangiting pahayag naman neto.
" Pero kase rafa- diko na naituloy ng takpan nya ang aking bibig gamit ang kanyang hintuturo.
"Shhh!!! Ako muna Kc, ok? tumango na lamang ako.
Unang kita ko palang sayo Crush na kita, nabigla ako sa sinabi nya, Pero nahihiya ako ni hindi ako maka porma. Sa tuwing lalapit ako sayo lagi kang nag mamadali. Kung alam mo lang kinikilig ako pag malapit ka sakin, pahayag ng isip ko.
Nung umiiwas ka kala ko dimo na ako mapapansin e kaya nabaling ang atensyon ko kay Ella, ay kainis nagpapakipot lang ako sayo nun e charr!!! ani ko ulit saking isipan.
Hanggang sa nakikita kitang sumisilip galing dun, tinuro nya yung pader na ginataguan ko. patay ako neto nakikita nya pala ako.
Hindi ko naman talaga gusto si Ella nagpapansin lang ako para makalapit sayo!! nung nakita kita sa canteen sabi ko pagkakataon kuna ito. Masaya na sana tayong nag-uusao ng bigla naman sumingit yang butiking jekjek mo!! ay galit kana nyan.
"Hindi ko yun Jekjek!!! kunwari galit na ako. Deretshin muna ako kung anong kailngan mo at papasok pa ako. Pantataray kong sabi bigla naman nag bago ang mukha neto.
"Kc Gusto kita! Gusto kitang Ligawan! Gusto kita maging girlfrieng!! Gusti kita maging asawa, pinatigil ko ito
"Andami mo namang gusto, baka hindi naman talaga ko yun tska malay ko kung seryoso ka? hinawakan nya ang kamay ko.
"Kc seryoso ako sayo!! malumanay na sabi neto.
"Ani ba talaga ang gusto mo?
"Maging girlfriend kita!!!
"Agad-Agad? Di ba pwedeng ligaw muna??
"So pinapagayan muna ako manligaw?
"Oo!!! bigla itong sumigaw!!!
"YES!!!! KAMI NA!!!! bigla ko syang hinampas ng libro. "Hoy lalaki sabi mo manliligaw ka muna baka gusto mong bawiin ko ang sinabi ko.
"joke lang naman Kc!! pero sobrang saya ko kahit manliligaw palang ako!! nakangiting pahayag neto.
"Oo na sige na mauuna na ako baka malate ako, wala kabang trabaho ngayon? "Meron naman pero hahatid muna kita sa loob baka mamaya ma-agaw ka sakin natatawang biro neto,
"Joke ba yun?
"Hindi seryoso ako!! tinignan ko mukha neto ay seryoso nga! hinatid ako neto hanggang sa room nakita namin si Ella may kahalikan ulit, naputol lamang ang halikan nila ng tumingin samin yung lalaki at ngumisi, ibang lalaki na naman ang kahalikan nya.
"Huwag na huwag kang lalapit sa lalaking yan bulong sakin ni Rafa, "Bakit?
"Basta sundin mo nalang ako!! kiniss nya ako sa sa noo ko at nag pa alam na aalis na, lumapit na ako papunta sa aking upuan ng bigla akong tanungin nung bago ni Ella.
"Bf mo ba yun Kristine? diko alam ba't parang nakakatakot tong lalaki na to.
"Ah!! oo e!! Bakit?
"Wala lang sayang!! pabulong nq sabi neto at umalis na.
"Problema nun? baling ko kay Ella.
"Di ko alam!! pag mamaldita neto, problema kaya neto. "Ano nga pala ikkwento mo sakin?
"Wala yun nakalimutan kuna.
"Ganun ba!!!!
"Kayo na ba?
"Hindi manliligaw ko palang sya, nakangiti kong pahayag at tinignan ko ang pulang rosas na bigay neto at inamoy-amoy ko, nakita kong nakatingin si Ella sa rosas na hawak ko, parang inggit ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Ang swerte mo!! pabulong na sabi ni Ella.
"Ano!! may sinasabi ka?
"Wala...
Ang weird nya kanina lang ang saya-saya nya nung nakita lang namin si Rafa nag kaganyan na sya. hindi kaya nag seselos sya pero bakit naman e hindi nya nga type ang kagaya ni Rafa, Ang gulo nya talaga.