Chapter 21"MAY BUMABALIK"

2038 Words
Kinabukasan ay Hindi parin ako nakapasok Dahil masakit parin ang aking buong katawan. Kayat kamakalawa pa bago ako nakapasok, masakit parin pero tolerable naman, Iniiwasan ko na lamang maglalakad umaalis lamang ako sa pwesto kapag talagang kinakailangan. "Oh reign, kumusta kana? Ok kana ba 2 araw ka raw wala ah" wika ni kuya hyde. "Opo nga eh,Ok na ako kuya, wala na akong lagnat." Wika ko rito. "Mabuti naman kung ganon, heto pala yung pasalubong ko sayo strawberry and ube jam" wika ni kuya sabay abot sa akin. "Wow, thank you kuya, Favorite ko ito." Wika ko. Maya maya ay Dumating na si Cat at Monika, dahil kami palang ang tao ay ibinigay na rin ni Kuya ang mga ipinabili ng mga ito. Nagulat ako ng iabot ni Kuya hyde ang iniabot nitong plastic kay Cat, at ang bruhamg si Cat binuksan pa talaga at inilabas isa itong WOODEN p***s ASHTRAY. Tuwang tuwa si Cat at kinikilig kilig pa. "OMG sir..ang laki naman neto, ang SARAP UPUAN" WOAHHH" wika pa ni Cat. "Hoy..gagi mahiya ka naman nasa harap tayo ni sir" wika naman ni monica. Nanatili naman akong nakatingin sa Ahstray na Hawak ni Cat, Naalala ko na naman ang Malaking Sausage ni Major Escobar, Nahuli naman ako ni Cat na nakatingin sa Ahstray na Etits Kaya tinuro pa ako kay Monika at Kuya Hyde. "Hala Tingnan nyo si Evren Titig na titig sa Etits...hahaha"wika nito. Mabuti na lamang at may Tumawag kay Kuya Hyde kaya iniwan nito kami . "Ang laki naman kasi nyan, Hindi naman ganan kalaki yung sa BF ko" wika ni Monika. "Hahaha, Pero nakahawak kana? "Oo naman, Nakatikim na rin, pero di ganyan kalaki hahaha." Wika pa ni monika na grabe humgalpak. "Eh ikaw Evren...Nakakita at nakahawak kana? Ayiee...Ano. "Ha? Ano...ah..Eh... "Ano? Nakakita kana? Tango ang isinagot ko rito. "Eh nakahawak? "Oo rin.." at tumili naman sila. "Hoy..wag kayo masyadong maingay. "Pero di yan si Dwight? Tanong pa ni cat "Ay..Hindi no..never.. saad ko "Kung hindi Dwight Sino besh? "Secret ayoko sabihin" wika ko. "Pero Daks ba Besh? "Hmm..OO besh...Daks Wika ko, Hindi ko napansin na nakatingin si Cat sa may leeg ko. "Woi..teka mhie, ano to Hickeys? Hala oo nga, Monika o may chikinini si Frenny natin, Hala eto pa oh.wika pa nito sabay turo pa sa another hickeys na nakita nya sa may bandang balikat ko. "Woi...Magsabi ka nga sa amin absent ka ng 2 days, Nilagnat ka, tapos papasok ka ngayon may ganyan ka? Hmm..may nililihim kaba sa amin frenny. Umamin ka.. "Ahmm...Mamaya ko na lang ikwekwento ok? Wag nio na muna ako kulitin ngayon" saad ko rito. "Owkey...Hahaha Aba mukang exciting to ah." Wika pa ni Cat. Nagsimula na ang klase at nakinig naman ako, ok naman bale hiniram ko nalang ang notes nila cat at monika. Ngunit ang dalawang ito ayaw parin akong tantanan. "So you mean friend PUNIT KA NA? AS IN SINUKO MO NA? Tanong sa akin ni Cat at alam kong di titigil ang mga ito katatanong. "Hmm oo cat, ganon na nga" saad ko. "Pero kanino? "Sorry friend di ko pa talaga pwedeng sabihin saka, yun nga Wala naman kasi kaming Label ahmm its just...its just a One night stand" Pag sisinungaling na wika ko sa kanila, ayoko rin kasi sabihin sa kanila na Si MAJOR ang naka UNA sa akin. Ayoko rin na pag isipan nila ng masama si Major. "Pero sa Tingin ko SULIT NA SULIT ANG PUNIT mo ano.Daks pala eh hehe. Wika pa ni Cat. "2 araw lang naman akong naka bed rest, until now nga masakit parin pero keri naman. Wika ko sa kanila "Teka bat nga pala nag pa punit ka eh kaya nga kau nagbreak ni dwight diba kasi ayaw mong magpa warak tapos ngayon bigla mo naisipan magpa warak sa iba.? Wika pa nito. "Remember yung sinabi ko sa inyo about sa gustong mangyari ni mom and dad? "Oh legit pala yun? Akala ko charr lang, hindi ko alam na totoo pala.wika ni Cat. "Oo minsan nga naiisip ko kung anak ba talaga ako nila mama? Bakit iba ang trato nila sa akin. "Minsan ba sinubukan no silang tanungin? Wika ni monika. "Hindi pa monik. Try mo kaya itanong minsan friend. Wika nito "Oo nga para naman mawala agam agam mo" saad nman ni cath. After namin mag usap ay gumayak na akong umuwi, Wala si kuya gelo dahil may importanteng lakad daw ito, naglalakad ako patungo sa terminal para mag commute ng biglang hintuan ako ng isang sasakyan at walang iba kundi si Major. "Major? "Halika na, Ihahatid na kita para di kana mag commute, saad nito sa akin sabay bukas ng pinto sa passenger seat. Sumakay na ako, nagulat pa ako nang sya ang nagkabit ng seatbealt ko. "Thanks Major, wika ko na lamang. Habang umaandar, ay kinakamusta nya ako. Medyo awkward din, kasi ang tahimik naming dalawa ngayon.Parang di Kami umungol at humalinghing ng sabay nung nakaraan ah..hahah" Syempre ba naman diba parang ngayon ako nakakaramdam ng hiya after ng may mangyari sa amin. Pano naman Diba Alam na namin ang kalibre ng bawat isa pagdating sa kama. nagkakitaan na kami mukang alam nya na din ang kahit kaliit liitang detalye ng katawan ko. "Kumusta ang pakiramdam mo? Basag nya sa katahimikan naming Dalawa "Medyo okay na naman, hindi katulad nung firstday saka Kahapon. Wika ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Mabuti naman kung Ganon, buti nakapasok kana rin. "Yup major, kailangan ko pumasok baka maiwan ako ng husto kung d pa ako mag rereport." Wika ko rito. "Ah..I see...Ahm may gagawin ka ba ngayon? I mean marami ka bang homework? "Ahm..Hindi naman gaano major, bakit po? "Ahm..Baka lang kasi Kung pwede kung di nakaka abala sayo pwede bang Samahan mo ko mag Dinner. "Ahm..Sige po..Sasama ako " Walang alinlangang sagot ko, Jusme magpapa bebe pa ba ako, Sya nga Inaya kong Warakin ako, Muntik na tumanggi pero Gusto rin pala akong warakin kaya wag na tayong magpa bebe..." Wika ko sa aking isip Sa isang Fine Dining Resto ako dinala ni Major, Maganda ng Place, Tahimik, may mga v Class ang mga Customer. Sya na ang hinayaan kong umorder, pasado naman kasi sakin ang inorder nya kaya Go..keribels ang inorder ni Major. Dahil sunset na iyon kaya nakatanaw kami, over looking kasi ang pwesto bg resto, nang dumating na ang order ay inaya nya na ako pabalik sa table. Ipinaglagay nya ako ng pagkain sa aking pingan, Feeling ko tuloy Bine Baby ako ni major, Bakit naman kasi ang CARING ni major, ano kayang nakain nito bukod sa KINAIN nya nung nakaraang gabi? Natatawang wika ko sa isip, Di ko lam pero bigla akong namula nang maalla ang Unang gabi namin timing pa dahil umorder sya ng BAKED TAHONG, naka tingin ako sa Bake Tahong na kasalukuyan nyang Binubiksan at kinakain nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya. "Oh..BATA...kain kana habang mainit pa, Gusto mo rin ba nitong tahong? Ikukuha kita "Ahmm..Major Paborito mo ba ang TAHONG? "Oo BATA paborito ko..Lalo na yung Makatas at Sariwa Marami akong nakakain kapag ganon. "Ahh..I see...Wika ko Sabay TUSOK sa Hotdog na nasa aking Harapan. Kinagat ko ang dulo nito at doon ko napansin na nakatingin pala si Major, Nakita ko na naman ang Pamamawis nito, eh ang lamig naman. "Ikaw BATA...mahilig ka ba sa HOTDOG? "Depende sa HOTDOG Major" wika ko rito sabay Subo ko sa Hotdog na hawak ko. Pansin ko ang pag alon ng kanyang lalamunan sabay inom ng tubig sabay tangal ng 2 botones sa kanyang suot na uniforme. "Bakit major? Ok ka lang? Parang naiinitan ka? "Huh...amhm..medyo mainit nga bata. "Huh? Eh. Ang lamig lamig kaya major. Saad ko rito Habang kumakain kami at nag kwekwentuhan ay medyo nagulat ako ng biglang lumapit sa amin ang isang may edad na ginang kundi ako nagkakamali ay mama ito ni major. "Oh..Hijo..andito ka rin pala, Ikaw ha, di mo na ako dinadalaw sa bahay, "Oh ma..andito po pala kayo? Kumain na po ba kayo? Samahan nio na po kami." Wika ni major napatingin sa akin ang ginang kung kanina ay nakangiti ito, ngayob ay tila umiba ang timpla ng mukha nito ng makita ako. "Ahm..Good evening po" magalang parin na wika ko. Ni hindi man lang ako pinansin ng Mama nya. "Oh..hijo .may kasama ka pala . "Opo ma, Si Evren..Kaibigan ko? "Ah.Kaibigan mo anak? Mabuti naman kung ganon, Sa bagay alam ko naman na di ka basta basta papatol kung kanino lang, ano nga bang mapapala mo sa isang Estudyante, Hehe" wika ng mama ni Major. "Doon ay napayuko ako, parang bigla akong nanliit sa tinuran nya, pansin ko naman ang nag ibang timpla ng mood ni Major,. "Ma.Naman..pwede ho ba wag naman ho kayo ganyan magsalita. Nakakahiya ho sa kaibigan ko. "Oh..wala naman ako sinabing masama, Kaibigan mo naman sya. Sya nga pala..Wag ka nang magtampo dyan may goodnews ako sayo, May isang tao lang naman na gusto kang makita, Since nandito kana e magkikita na kayo. "Sino ma? Tanong ni major sa mama nya. Nagulat ako ng Isang matangkad, maputi, at magandang babae ang nakangiting papalapit sa Table namin. "Hi YOHAN GRAE ..I MISS YOU, wika nito sabay yakap kay Major. "Lyra? wika naman ni Major na d kumikilos ngunit nakayakap sa kanya ang babae, hind ko alam pero bakit tila tinatarakan ang puso ko sa nakikita ko sa mga Oras na ito. So sya pala si Lyra ang Ex GF ni Major. Pero narito sya ngayon at nagbabalik. Iniiwas ko ang mata ko sa kanila. Tila namn natauhan si Major at inalis ang kamay ng Babae sa pagkakayakap sa kanya. "Kumusta kana Yohan..Na mis kita ng Sobra..Sorry sa maling desisyon ko noon, nagpa dalos dalos ako na iwan ka, pero after a year don ko pala na realize na mahal parin pala kita. Kaya bumalik ako Yohan para sayo..Hindi na ako ulit aalis...Hindi na kita iiwan ulit. Handa kong iwan ang pag momodelo ko makasama ka lang. Handa na akong Bumuo ng sarili kong pamilya kasama ka." Confident na wika ng babae sa kanya. "Napatingin ako kay Major, At napatingin din sya sa akin. Pero mukang hindi ko na makayanan ang nakikita ko, kesa dito ako mapaiyak e nag excuse ako sa kanila. "Ahm..Excuse po maiwan ko muna kayo" pagkasabi non ay diretso na akong umalis. Tinawag pa ako ni Major ngunit di na ako lumingon pa... Nasa labas pa lamang ako ng resto ng isa isa nang nagbagsakan ang luha ko, Bakit ganito, E ano naman kung may babae si Major? Wala namang kami pero bakit ako nasasaktan? Mahal ko na ba sya? Hindi ko alam. Nang may makita akong Taxi ay pinara ko agad ito at nagpahatid agad ako sa bahay. Sa kwarto ay doon ako umiyak. Nakita ko pa ang miscol at mensahe ni major, Hindi ko sinasagot ang tawag nya ni replyan ko lamang sya sa message na Im Okay sumama lang ang tyan ko kaya umuwi na ako" Ayaw ko rin naman syang mag alala. Di ko alam kung naniwala ba sya. Basta ang huling reply nya ay. "Ok..Takecare..Wala ako dyan para alagaan ka" pagkabasa ko nito ay naiyak na naman ako. Naku bakit kasi napaka pa Fall mo major, nakakainis ka, Bakit ba iniiyakan kitang Tanda ka. Bigla ko na naman naalala si Lyra..Tumingin ako sa salamin. Hmm Sa Height lamang sakin si Lyra, Sa Puti? Magkasing Puti namn kami, Sa Kinis? Makinis rin naman ako kaso may ilang scar pala ako gawa sa pananakit ni mama dati. Sa Boobs? Hmm..May panama din naman yung sakin, Sa Ganda? Hmm.di naman sa pagmamayabang maganda rin naman ako. Sa Performance? Huh....Di naman siguro dun mag ba base si Major, mukang dun ako sasabit, E sya lang naman nagturo sakin, sya lang naman ang una ko kaya dun ako liligwak kung sakali. Handa na akong matulog ngunit narinig ko ang Beep ng Cp ko ng i check ko ito ay walang iba kundi si Major.. Major Sungit: Goodnight BATA .. I MISS YOU AND I .... ME: I? MAjor Sungit: and I CARE FOR YOU. ME: Goodnight too major. Reply ko sa kanya, Ok Tulog na self..wag tayong mag Assume ng I love you... Pagkatapos noon ay unti unti na rin akong dinalaw ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD