Kinabukasan ay pumasok ako na tila balisa, Hindi na kasi ako muling nakatulog nang mapanaginipan ko na naman ang nakaraan.
Kayat heto pumasok akong tila lutang.
Bigla kong nakita si Monica At Cat, Lalapitan ko sana sila nang bigla kong maalala ang sinabi nila Tita, Nagkatitigan kaming Tatlo, ngunit inakay na din ni Cat si Monika, at tuluyan silang lumayo, Di ko naman sila masisisi dahil sumusunod lamang sila sa mama nila kaya nag ending mag isa akong pumasok sa room at naupo sa aking upuan. Klase noon ni sir Hyde at hindi ako maka focus dahil iniisip ko parin si Cat at monik, ang lapit namin ngunit tila milya ang layo, Nang matapos ang klase ay nagtayuan ang lahat upang mag break ngunit nanatili lamang ako sa aking pwesto, Aaralin ko na lamang ang next subject, may baon naman akong slice apple, dito ko na lamang kakainin.
Habang Binabasa ko ang Notes at Kinakain ang slice ng mansana na baon ko, napansin ko na lamang na tumutulo na ang luha ko, Dahil naalala ko na naman si Cat at Monika, Sila na lang ang kaibigan ko, pero ngayon heto, pati sila iniwasan narin ako, hindi ko na napigil ang mga luha ko na tumulo, pinupunasan ko ito ng kamay hangang sa isang kamay ang nag abot sa akin ng Panyo
"Reign, mukang kailangan mo nito, May problema ba? Pansin ko tila kanina kapa parang wala sa sarili at Balisa,Pwede mong sabihin sa akin, handa akong makinig.
Wika ni Sir Hyde sa akin.
"Ahmm..Wala po sir.."wika ko ngunit patuloy parin ang taas baba ng balikat dahil sa pag iyak.
"Wala raw. Pero umiiyak ka.."Tell me Reign, I told you, hindi lang ako Guro, kaibigan rin ako" saad ni Sir Hyde sa akin Kaya ikinuwento ko nalang din sa kanya ang nangyari sa Resto, ang pagkaka aresto sa amin at ang paglayo ni Cat at Monika sa akin.
Umiiyak parin ako at pilit akong pinapatahan ni Sir hyde.
"Its ok reign, wala kang kasalanan, no need to blame yourself. Dahil pare pareho kayong biktima.
Ipagpasalamat mo na lamang na walang nangyari sa yo, Na mabuti na lamang nailabas ka ni Major Escobar." Dagdag pa ni Sir Hyde.
May Gagawin ka ba mamaya after class? Tanong nito sa akin.
"Wala naman po sir..Bakit po.?
Tanong ko rito.
"Basta surprise, alam ko magugustuhan mo yun, Kaya tumahan ka na dyan at wag ka nang malungkot,"
Wika nito sabay abot sa akin ng lollipop.
Kung kay Major ay ChupaChups ang kay Sir Hyde naman ay MILKITA lollipop.
Milkita? Thank you Sir Hyde..Wika ko rito at walang pinalampas na minuto agad ko itong binuksan at kinain.
After ng Ilang minuto ay nagbalikan na ang mga ka Klase ko, kita ko na papasok na rin si Cat at monika kaya nagyuko na lamang ako ng tingin laking gulat ko pag daan ni Monika sa harap ko ay nilapag nya ang isang Sandwich na mainit init pa.
Tumingin ako sa kanila ngunit nag iwas na sya ng tingin, Bigla naman ng beep ang cp ko kaya inopen ko nakita ko ang Message ni Cat,
"Kumain ka, Hindi porke hindi ka namin kasama eh pababayaan mo na ang sarili mo, Kainin mo na yan habang di pa start ng klase"
Wika ni Cat sa Message.
Tumingin ako sa kanya ngunit nakatalikod sya,Nag reply naman ako ng "SALAMAT" saka tinago ang aking CP at kinain ang Sandwich na bigay nila.
Maaga ang out namin ngayon alas dos lamang ay tapos na ang klase namin.
Kaya tulad ng Napag usapan ay Hinintay ko si Sir Hyde sa may Kanto malapit sa Ministop.
Hindi ko alam kung anong sasakyan ni sir hyde ngunit nagulat ako ng huminto sa harap ko ang isang Big bike na GSX-R1000 na matte black.
Hinubad nya ng Helmet at nakita kong si Sir Hyde ang sakay nito.
Isinuot nya sa akin ang Extra helmet nya, Saka nya naman Pinahiram sa akin ang Coat nya saka inikot sa bewang ko, dahil naka Skirt ako, nang sa ganon ay di lumipad ang aking palda.
Nang matiyak nyang maayos na naisuot ang helmet sa akin ay saka ako nito pinasakay.
Nang makaupo naman ako nang maayos ay pinakapit ako nito.
"Kapit Ka reign,"
Wika nito, kumapit naman ako sa kanyang balikat, Ngunit nilipat nya ang kamay ko.
"Reign, mas komportable kung dito ka kakapit" saad nya kaya nilipat ang kamay ko sa kanyang Katawan sa may bandang abs,Hindi ito kasing tigas ng kay major, ngunit meron rin sya nito, sa bagay si major kasi batak na batak sa work at training.
Kumapit naman ako, Hindi ko alam pero di ako makaramdam ng Pagkailang kay Sir Hyde, pakiramdam ko isang nakakatandang kapatid ko sya.
Naging maayos naman ang aming byahe 45 mins ay nakarating kami sa aming destinasyon.
Hinubad nya ang aking helmet, saka sinabit sa motor, wala parin akong idea kung saan kami pupunta pero ang alam ko ay nasa bandang tagaytay kami.
Excited ka na ba reign? Nakangiting tanong sakin ni sir hyde. Tango naman ang sinagot ko rito at ngumiti rin.
Konting lakad pa ay narating namin ang entrance nagulat ako dahil ang daming mga pailaw, may mga bazaar rin na pwedeng kainan at sa likod nito ay ang Candy Farm,
Gulat na gulat ako ng makita ang makukulay na tila malalaking lollipop at ibat iba pang design ng candy tuwang tuwa naman ako ng makita ang mga ito.
"Wow....sir hyde ang ganda at ang sarap po dito" wika ko na di matago ang saya.
"Come here reign mas magugustuhan mo sa loob"wika ni sir hyde, bigla nyang kinuha ang kamay ko at inakay ako sa loob at doon bumungad sa akin ang ibat ibang klase ng mga totoong candy.
Maya maya ay Inabot sa akin ni Sir Hyde ang isang basket.
"Oh ayan Reign ilagay mo dyan ang mga candy na gusto mo, Libre ko" wika nito saka ngumiti, Ako naman ay napangiti rin.
"Hala sir..wag na po, dinala mo na nga ako dito eh i lilibre mo pa ako.
"Its Okay, Basta mapawi yang lungkot mo, Sya sige na, kumuha ka na ng mga candies na iuuwi natin.
Agad naman akong dumampot ng mga candies na gusto ko, syempre di mawawala ang Lollipop, mga worm candies, gummy bears,at iba pa halos mapuno ko ang basket na bigay ni Sir Hyde, .
Hyde's POV
Umaga pa lamang ay pansin ko ng malungkot si Reign, Nakikinig ito ngunit alam kong d ito maka focus, napansin ko rin ang 2 nyang kaibigan na tila iniiwasan sya hangang sa sumapit ang breaktime ay di sya kasama ng mga ito lumabas, kumain lamang ito ng slice apple at nagbasa ng notes at doon ko napansin na umiiyak na pala ito, ewan ko ba ayoko syang nakikitang umiiyak o malungkot kaya inabutan ko sya ng panyo, nagulat pa sya ng namalayan ako. Inopen nya naman sa akin ang nangyari, wala rin naman syang kasalanan kaya sabi koy wag nya i blame ang sarili nya dahil pareho lang silang mga biktima.
Inaya ko sya after class ang sabi ko may pupuntahan kami, mabuti at napapayag ko sya.
At eto nga mukhang tama ang idea ko na dito sya dalhin dalhin kitang kita ko ang kanyang saya.
Kasalukuyan syang di magkanda mayaw sa mga Candy na gusto nyang ilagay sa basket.
Pinagmamasdan ko lamang sya,
Nagulat ako ng bigla syang tumakbo palapit sa akin.
"Sir Hyde.....say AHHHH....
"AHHHH..." wika ko naman sabay subo nya sa akin ng Gummy bear na free taste, "
"Masarap Sir Hyde no"
Maya maya ay may isinubo pa ito sa akin na isang candy, at saka sya muling bumalik at naglibot.
Naglibot din ako sa shop at bukod sa candy may mga merch din dito, naka kita ako ng cute na pink na headban kaya binili ko ito.
Bahagya pang nagulat si Reign ng isuot ko ito sa kanya.
"Ang Cute mo Reign"wika ko habang inaayos sa buhok nya ang headban.
"Bagay po ba sir..tingin nga po" wika nya saka tumapat sa harap ng salamin.
"Wow ang cute nga po ng headban sir" wika nito na kita ang napakaganda nyang ngiti.
Maya maya ay Pumila na kami sa counter upang bayaran ang mga candies na aming nabili.
Pagkatapos noon ay lumabas na rin kami sa loob ng shop at nag gala gala pa. Dahil pagabi na rin ay kumain na muna kami sa Food bazaar,
Pizza at barbeque ang napili nyang kainin, nag order rin kami ng kape, malamig kasi dito sa lugar lalo at pagabi na,Kaya lumapit ako sa kanya at Ipinatong sa balikat nya ang coat ko.
"Thank you Sir Hyde" nakangiting wika ni Reign.
Bandang 6:30 ay inaya ko na syang umuwi, ayoko kasing gabihin sya,
Dahil naka big bike naman kami bago mag 8pm ay nauwi ko na si Reign,
"Sana reign napasaya kita kahit paano" wika ko rito.
"Opo sir Super nag enjoy po ako, Thank you po pala sa mga candies." saad nito sa akin.
"No problem your always welcome, Basta ba nakikita ko ang pinaka cute na ngiti mo eh" wika ko naman sa kanya saka bahagyang pinisil ang pisngi nya.
Nag papa alaman na Kami ni Reign ng may biglang Umubo sa Gilid namin.
Walang Iba kundi si Major Escobar Na salubong ang kilay at tila naka busangot. Ano kayang problema ng isang ito.?
Evren' Pov
Papasok na sana ako sa loob ng gate dahil nagpaalam na ako kay Sir Hyde ngunit nagulat kami nang may umubo sa gilid namin, Walang iba kundi si Major Escobar, Salubong ang kilay, nakasimangot na naman si m
Major sungit, ano namang problema nito.
Me..Major andyan po pala kayo, Kanina pa ba kayo dyan? Tanong ko rito
"Ako? Oo kanina pa mga 6:30 lang naman simula ng maghintay ako rito, Hindi ko naman kasi alam na nag date pala kayo ng professor mo, kanina pa kasi ako tumatawag at nag me message pero ni isang reply wala kaya dito nalang ako naghintay."
Singhal ni Major ( GALIT YARN?)
"Sorry major lowbat ang phone ko di ko pa po na cha charge" paliwanag ko naman.
"Okay, sabi mo eh, Oh Mr.Alvez.
Pwede ka nang umuwi, nagpaalam ka na diba..Saka just to remind you, Hindi dapat nakikipag date ang isang PROFESSOR na tulad mo sa Estudyanteng tulad ni Evren. dagdag pa nito.
"Teka..teka major, Sino bang nagsabing nag date kami? Pinasyal ko lang sya sa Candy farm at dahil gutom na kumain kami, anong masama don.? Tanong naman ni Sir Hyde.
"Pinaaalalahanan lang kita, Baka makalimot ka!Rebat naman ni Major
"Hindi mo ako kailangan paalalahanan Major Escobar dahil di ako makakalimutin." Saad naman ni Sir hyde na nakangiti pero alam mong naasar na rin.
Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa, kaya nagsalita na ako at pumagitna dahil baka mamaya ay magpang abot pa silang dalawa,dumukot ako ng mga candy sa basket at binigay sa pareho nilang mga Kamay.
"Teka..Sandali nga bat ba kayo nagtatalo?
Oh eto candy..Kainin nyo yan pareho ha. Para mawala naman yang Bitterness nyo sa Isat isa, para magkaron naman po kayo ng SWEETNESS sa katawan mga Ser...
Kung magtatalo parin po kayong Dalawa dyan, Papasok napo ako sa loob, Kakainin ko nalang tong mga candies kesa ma stress ako sa inyong dalawa.
"Im sorry reign, Ahm..sige mauuna na ako..Salamat ulit.
"Sige po sir, Salamat din, ingat po" wika ko naman
At sumibad na nga si Sir hyde lulan ng kanyang Big bike, at naiwan naman kami ni Major sa labas.
Papasok na sana ako ng Gate ng biglang magsalita si Major.
So pano ako BAta? Iiwan mo nalang ako rito matapos kong maghintay ng ilang oras.?
"Oyyy..Major .aba andyan ka pa pala..Kalma po inoopen ko lang po ang gate okay.Sa loob po tayo mag usap, alam ko kasing sesermonan mo rin ako kaya better sa loob na tayo.
Wika ko naman.
Pumasok na kami sa loob ng bahay,
Umakyat muna ako sa Kwarto at nagpalit nang damit, nag suot lamang ako ng maluwang na tshirt at ng Roxy shorts saka ako bumaba, mahaba naman nag damit ko, naabutan ko si major na tinitingnan na naman ang mga pictures, ngunit nang makita ako ay doon nya na rin sinabi ang kanyang pakay, kailangan ko daw pumunta bukas sa presinto para sa nangyari nung isang gabi.
Umoo naman ako.Medyo umayos na syang kausap di tulad kanina nung kasama namin si sir hyde.
"Bakit ang dami dami mong Candy Bata?"
tanong ni major sa akin.
"Nilibre kasi ako ni Sir hyde ng candy major ang dami mo oh, gusto mo pa ba?" wika ko naman.
Tila nag salubong na naman ang kilay nito ng malaman na galing kay Sir Hyde ang mga Candy.
"Puro ka Candy, Masama ang palaging matamis Bata"
"Eh bakit ikaw? Binigyan mo nga ako ng Isang Box na CHUPA CHUPS.
"I....Iba naman kasi yon" wika ni major na tila nautal pa.
"Anong iba major e pareho lang namang matamis yung Bigay nyo.
Yung sayo CHUPA CHUPS yung kay Sir Hyde MILKITA Lollipop.
Pero alam mo major, Masarap din yung Lollipop ni Sir Hyde lasang gatas."
Wika ko na nangingiti, Ngunit pansin ko na tila lalo itong sumimangot.
Kaya bumawi naman ako.
"Pero Syempre mas masarap yung Lollipop mo, Favorite ko yung CHUPA CHUPS na binigay mo eh, simula nung higschool pa lang ako hehe".wika ko naman.
Nawala naman ang simangot nito bagkos parang namula ito at biglang pinagpawisan,Napakuha ito ng Panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang tila butil butil na pawis, Malamig naman sa bahay namin bakit parang init na init tong si Major.
"Ok ka lang ba major bat namumula at pinagpapawisan ka po.tanong ko rito.
"Wala naman, Ahm..Sige bata, Magkita na lang tayo bukas. mauuna na ako okay." Saad nya pa sa akin.
"Okay po" wika ko naman,
Lumakad na sya palabas ngunit nagulat ako ng bumalik sya.
"Saka nga pala BATA...next time wag ka Magsusuot ng Ganyang kaikling Short ha, ( NAGKAKASALA tuloy ako)
Wika nito ngunit di ko masyado naintindihan yung huli nyang sinabi.
"Ano po Major?
"Sabi ko Wag kana magsusuot ng ganyan kaikli sa susunod, lalo na pag may ibang tao, mamaya bumisita dito yung professor mo tapos ganan suot mo, Naku naku..." Wika naman nito.
"Oo na po, mahaba naman damit ko ah "
"Kahit pa," o sya sige na.mauna na ako, i lock mo lahat ah.Bye...ingat.
Wika nito.Kumaway at nag ba bye naman ako sa kanya.
Yohan's POv
Maaga raw nag out Si Bata, kaya tinawagan ko sya ngunit di ko sya ma contact, kaya nag decide ako na puntahan na lamang mamaya sa Bahay nila pag out ko, Ala sais y medya ay nasa labas na nila ako, iniwan ko lamang ang sasakyan sa kabilang kanto, Nilakad ko ang street nila para tingnan kung dumting na ba sya, at isang itim na big bike ang nakita ko bumaba ang driver nito at si Bata ngunit nang mapagtanto ko kung sino ay Tila nakaramdam ako ng Selos na di ko alam, kasama nya lang naman ang professor nya. San kaya galing tong mga to, mag Aalas Otso na 2pm pa daw nag out, ilang oras silang magkasama, Hayyy ..tila nakaramdam ako ng panibugho, lalo na nang makita kong masaya si Evren. Ganon din ang Ngiti nitong Professor na to. San kaya nito dinala si Bata, May Ginawa kaya to kay Bata? Wala naman siguro, Wag syang magkakamali dahil Babasagin ko talaga mukha nya, pero masaya si Bata mukang nag enjoy, baka nag date sila..Hmmm.
Di ako nakapag pigil sa inis kaya umubo ako ng malakas at naramdaman nila ang presensya ko.
Sa Sobrang asar ko ay pinatutsadahan ko ang professor na to, pero Aba..fighter rumerebat sa akin, hanggang sa awatin kami ni Bata at Bigyan kami ng Candy pareho.
Para daw mawala ang Bitterness at maging sweet.
Hmmm.Sweet pala ah Hindi pa naman ako yung Taong Sweet..Nababaduyan ako sa mga lalaking sweet,
pero mukang magiging member ako ng Team Baduy. .Mukang kakainin ko nga ata ang sinasabi ko .Hayyy bahala na nga. Ano bang meron sayo BATA bakit binabaliw mo ako? Wika ko sa aking isip hangang sa dalawin na ako ng antok.