Kinabukasan ay nabasa ko ang mensahe ni Major, Nagpapasama sya sa akin sa Mall upang bumili ng Gift para daw sa kapatid nya, Saturday ngayon at wala kaming pasok, Dito lang naman ako sa bahay pero si Major ay Naka duty pa, Pupunta lamang daw sya Sa kabilang Bayan at Titingnan ang sinasagawang Oplan Sita.
Alas 5 ang usapan namin kaya 4 ay kumilos na ako, Mabilis naman akong nakapag ayos, Naka Dress lamang ako na above the knee, ang buhok ko naman ay nilugay ko saka kinulot ang dulo, Nang matiyak kong ayos na ako ay nag desisyon na akong lumabas, pero laking gulat ko pag labas ko ay Nasa tapat na ng Gate Si major Escobar, Nakasuot pa ito ng Fatigue uniform nila na pants ngunit ang pangtaas nya naman ay itim na tshirt na lamang, Nakasandal sya sa pick Up at nakaharap sa bahay namin.
"Oyy..Major kanina kapa ba dyan? Sorry late ba ako? Tanong ko sa kanya.
"No worries bata maaga kapa nang 5 mins sadyang maaga lang ako ". Wika nito na walang emosyon.
Binuksan nya ang Pinto at inalalayan ako sa passenger seat, saka sya umikot sa driver seat.
Nang maiayos ay minaniobra na nya ito.
Dahil naka dress ako ay upong mahinhin muna, mahirap bumuka bukaka, naka boy leg naman ako aside sa suot kong undies.tahimik lamang kami sa sasakyan hangag sa ako na ang nagsimula ng usapan.
"Major? May naisip kanabang gift sa sister mo? Tanong ko rito.
"Wala pa nga eh, kaya nga ako nagpasama sayo dahil baka may idea ka." Wika naman nito sa akin habang focus parin sa ag dra drive.
"Hmmm ano bang hilig ng kapatid mo major? Tanong ko rito.
"Hmm..Magbake...Oo hilig nya mag bake at magluto saka mahilig din sya sa kape." Saad pa nito..
Hmmm...Napaisip naman ako, alam ko na kung anong i susuggest kong gift tutal mahilig daw mag bake at magluto. tama yun na lamang i su suggest ko mamaya.
Nakarating kami sa isang mall sabi ni major mag la labing anim na taong gulang na daw yung bunso nyang kapatid matanda lang pala ako ng 2 taon, sa bagay mag Di Disinueve na naman ako sa Susunod na buwan.
Dinala ko sya sa appliiances Store.
Medyo nagulat pa sya.
"Bat andito tayo BATa? tanong nya sakin.
"E diba major mahilig sya mag Bake, Ano ba ang ginagamit kapag nag be bake oh Diba kailangan ng OVEN, Kaya OVEN, OVEN ANG IREGALO mo, Tapos...diba mahilig din sya sa kape..kaya samahan mo na ng Coffee Maker Major." Saad ko pa rito.
"Sure ka bata? Matutuwa nyan ang kapatid ko? Di makapaniwalang tanong nito sa akin.
"Yes Major...Sure yan matutuwa nyan ang kapatid mo, Itataya ko yung 1 week allowance ko kapag di sya natuwa." Confident na wika ko pa.
"Hmm..Talaga lang ha, Itataya ang 1 week allowance.? Tanong pa nito.
"Oo major, E ikaw anong itataya mo kapag nagustuhan nya.
"Hmm. Ano nga ba? " tila nag isip si Major, Pero ang tagal nyang mag isip kaya ako na nag Suggest.
"Alam ko na major .. MAGPAKAIN KA..yown tama MAGPAPAKAIN ka pag nagustuhan ng kapatid mo?
"Ako MAGPAPAKAIN? tanong nito sakin habang naka kunot ang noo.
"Oo bakit Ayaw mo ba..Masarap kaya sa pakiramdam kapag NAGPAKAIN ka..maraming bata ang mabubusog."
wika ko pa rito.
"Ah..so you mean sa mga Street Children? tanong ulit ni major.
"Yes major sa mga batang lansangan, ano bang akala mo major? Inosenteng tanong ko rito.
"Ah..Wa...wala sige na orderin na natin ang oven at coffeemaker, Saad ni Majot habang tila pinagpapawisan na naman.
"Major, bat pawisan kana naman malakas naman aircon dito sa mall ah.
"Ahm..pawisin talaga ako Eh..Halika na bata.
Isang All in one Oven at Coffee Maker ang binili naming Gift para sa kapatid nya.
Nang mailagay ito sa likod ng Pick up ay umalis na kami,
Another 30-45mins daw ang byahe papunta sa bahay ng Daddy nya.
Kaya minabuti kong Magbukas muna ng Lollipop.
Sya naman ay nagbukas ng Sound dahil medyo traffic pa.
Kanta ni Enrique Iglesias na HERO kinakanta,
Nagulat ako ng SABAYAN nya ito, Infairness ang GANDA pala ng Boses ni Major, Nakaka inlove, Kaya pagdating sa Chorus ay napatingin ako sa kanya.
Nakafocus parin sya sa Daan kahit kumakanta..
"I can be your hero, baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my Breath away"
Habang kinakanta nya ito ay Nananatili akong nakatingin sa kanya.
Bagay sa Kanya yung Kanta na HERO ilang beses nya na ba akong niligtas? Maraming beses na.
At syempre HERO din sya sa Propesyon nya im sure maraming buhay na rin ang naligtas nya.
Natahimik ako at napatingin sa Bintana, Di ko alam bat Bigla akong nakadama ng lungkot, Napansin naman ata yon ni major.
"Woi Bata, bat tahimik ka dyan ah"
"Wala major...May iniisip lang.
"Kung negativity yan wag mong isipin, Wag kang ma i stress"
Di naman major, Wika ko sabay tingin sa kanya, napatingin sya sakin at nakita nya ang kinakaik kong lollipop.
"Bata...Say Ahhh..." Wika nya sa akin.
"Ahhh" wika ngunit kasabay nito ay ang pag agaw nya sa lollipop sa aking bibig at Sinubo nya ito na ikinagulat ko.
"Hala major, Bat mo Sinubo, May laway ko na yon eh"
"Its owkay..Cowboy naman ako, Saka wala pa to sa training namin before, kaya no worries" wika pa nito habang subo subo parin ang lollipop na nanggaling na sa aking bibig.
"Hey...Enough bata,Wag kana magbukas, Mawawalan ka na ng ganang kumain nyan later."
Malapit na tayo, konting Tiis na lang."
Saad nya
Kaya sinunod ko naman sya after 5 mins ay narating namin ang bahay nag Daddy nya malaki rin ang bahay ng mga ito, sa labas pa lamang ay rinig ko na ang boses ng isang babae.
"Dad..Andito na po Si Kuya may Kasamang Chicks." wika nito.
Hawak ko ang Regalong Coffee maker at Binubuhat naman ni Major ang Oven mula sa Pick up.
At lumabas naman ang Isang medyo may Edad na Ginoo at Ginang, Malamang Daddy nya ito dahil kahawig nya.
"Oh..nariyan na pala kayo"
"Ahm..Magandang Gabi po, wika ko naman nang may pag galang.
"Magandang Gabi rin naman Hija, Halina kayo Tuloy, Red Tulungan mo ang kuya mo magbuhat.
"Kuya, Tulungan na kita, Buti nakapunta kayo" wika ng kapatid ni Major."
"Oo tinapos ko lang duty ko tapos dumaan lang sa mall para dyan sa regalo ni peachy."
"Ang laki naman nito kuya, ano kaya to...Aba, daig ako ah..Dapat sa birthday ko kuya meron din ah. " Wika nito, bahagya namang ginulo ni Major ang buhok nito.
Pagpasok namin ay Iginiya agad ako ng Stepmom ni Major sa table, Bigla ring lumabas ang Kapatid nya na may birthday dala dala nito ang Binake na Cake at Mga brownies.
Hi Kuya...Hello Ate..Buti nakarating kayo," wika nito sa amin.
"Hello din Happy Birthday, Wika ko rito saka ko inabot ang regalo ko mula sa paper bag, nagulat pa si major nang may iabot akong regalo. Haha di nya kasi alam na may dala ako, inistalk ko ang kapatid nya at nalaman ko na mahilig ito sa mga pampaganda kaya Lipstik, blush on at serum ang niregalo ko rito yung branded syempre..hahaha.
Tahimik kaming kumakain, Baked mac ang pinili kong kainin ngunit ang stepmom nya ay ipinaglagay ako ng ulam kaya napakain rin ako ng rice.
Habang kumakain ay nag kwentuhan rin kami.
Mabait naman ang Family ni Major, kahit ang mga kapatid nya, habang nag uusap si major, papa at kapatid nyang si red nag uusap rin kami ni peachy at ng mama nila.
Nakakatuwa naman kasi ok parin ang samahan nila kahit di nakatuluyan ng nanay ni Major ang daddy nito. Buti malawak mag isip si major.
Mahal din sya nga Step mom at dad nya at mga kapatid nya.
After kumain ay Binuksan na ang regalo nagtinginan kami ni Major .
Pagbukas ni Peachy ay kita na ang saya sa Mukha nito.
"Wow kuya ang Ganda naman neto, Thank you ng Marami..hala may Coffee maker pa.salamat kuya" wika ni peachy saka yumakap sa kapatid.
"Welcome Bunso..Basta mag Aral kang mabuti ha.." wika nito.
Ilang minuto lang ay nagpaalam na kami.
Pasado 8:30 na nang umalis kami,
Habang nasa Byahe ay nagkukulitan kami ni Major.
"Pano ba yan Major, panalo ako, So yung usapan natin ha .Magpapakain ka." Wika ko rito..
"Hahaha Copy, set natin yan..Nga pala nag enjoy kaba sa Food?
"Oo naman major, Nabusog nga ako eh, Para tuloy akong may Baby Bump sa dami ng nakain hehe" wika ko.
Nagulat ako ng Hawakan ni Major ang Tyan ko na medyo Busog.
"Aba oo nga No..Bagay pala sayo may Baby Bump" wika nito saka ngumisi.
"Oh bat ka natatawa sa tyan kong busog"
"Wala...may naimagine lang ako" wika nito.
"Ano naman yon?
"Wala..nevermind...hehe"
Nasa ganong moment kami ng biglang tumunog ang phone nya tila emergency ito.
"Yes General, Opo, Ok lang naman po, wala pong problema, Yes Sir, noted sir i submit ko po kaagad tonight via email.Ok General no problem..Bye sir ." Wika nito sa kabilang linya.
Nagulat pa ako ng magsita sya.
Bata..May gagawin kaba after nito?
Tanong nya sa akin.
"Wala naman po major? Bakit po?
"Pwede bang mamaya na kita ihatid, May importante lang akong kailangan tapusin na kailangang i send ko kay General.
"Okay lang naman po major, No worries, wika ko rito.
Tumango naman ito, at after 10 mins ay nakarating kami sa Condo nya.
Pagkapasok ay inalalayan nya kong maupo muna.
"Dito ka muna Bata, Dun lang ako sa kwarto ha, may tatapusin lang ako, Nandoon ang kitchen kung gusto mong magkape or what, then doon naman yung CR tapos dyan naman yung room ko, katok ka lang pag may kailangan ka ha.." wika nito.
"Okay po major, saad ko naman rito. Naglakad lakad ako sa buong bahay ni Major, Medyo naiihi ako kaya ng CR ako, pagpasok ko sa CR nakakita ako na tila box na maliit ng basahin ko kung ano ay Condom pala ito, Akala ko Gatsby, na curious kasi ako dahil Monster yung logo ng basahin ko ay Condom pala ito na nag Glo Glow in the dark, Agad ko itong binitawan, Hala...siguro may babae si major na sinasama dito kaya may naiwan syang ganyan. Wika ko sa isip ko sunod naman ay nagpunta ako sa may Kusina, Napaka organize ni Major sa gamit nakahilera ang mga delata, mga coffee...sugar..milk..Creamer..
At...pumukaw naman sa paningin ko ang makukulay na Box Sa may medyo tagong cabinet. Umiral na naman ang pagka pakialamera ko kaya lumapit ako, Paglapit ko ay Box din ito na may ibat ibang Flavor, Nang basahin ko kung ano ito ay medyo nagulat ako, tulad din ito ng nakita ko sa CR ibang brand naman ng condom at ito ay may mga Flavor, Parang nakakaakit sila tingnan, feeling ko ay para silang mga lollipop, May chocolate, Strwaberry, orange, vanilla,mint,grapes at marami lang iba, Tila natakam naman ako, Pero teka, Bakit ang daming ganto ni Major, Hmm..Siguro ilang babae na nagamitan nya neto.
Pero ang Cute at ang sarap nila tingnan sa Box.
Hmm..Di pa ako nakakakita ng totoong Condom sa personal,
Marami naman itong condom ni Major, di naman nya siguro mapapansin kung magbubukas ako ng Isang piraso, Gusto ko lang makita at maamoy yung actual.
Kaya kinuha ko ang isang Box Chocolate Flavor ang pinili ko,
Binasa ko ito, nakasaad sa box na maganda raw ito gamitin ultrathin,ok din daw ito gamitin para sa mga may sensitive skin, hindi daw ito nakaka allergy, nakasaad din dito na pwede din itong malasaan or madilaan dahil Edible naman daw ito.
Dahan dahan kong Binuksan ang Pakete at dahan dahang inilabas ang Condom, So Ganito pala ang itsura nito, medyo malangis langis at mabango nga amoy Chocolate, Nakakaadik ang amoy.
Hinawak hawakan ko ito saka inamoy ulit parang totoong chocolate kasi nag smell nito.
Nasa ganong eksena ako ng Namalayan ko ang Yabag ni Major Escobar papalapit sa akin.
Sa sobrang takot ko Na mahuli ay Agad kong Sinubo ang Binuksan kong Condom saka ako lumapit sa table nya na may Grapes saka din sinubo ito. Kaya Sa oras na ito Isang condom at grapes ang laman ng bibig ko.
"Bata...hinahanap kita andito ka lang Pala...." Wika nito, naputol lang ang sasabihin nya ng makita nya sa kamay ko ang Pakete ng Condom.
"BATA? WHAT THE HELL? bat hawak mo yan, San mo nakuha to? Ikaw talaga tsk..tsk .
"Doon sa may Cabinet, Na curios lang naman ako kaya Hawak ko," wika ko rito.
Inagaw nya naman sa akin nag pakete ng Condom at Binuksan ito.
"Bata...1 is missing .Nasaan? Wika nya habang hinihimas ang sintido.
"Sorry Major,...kinuha ko po.
"Nasan na nga, Akin na,ibalik mo sakin tama na yang curiousity mo, Di ka dapat nagdadala nyan. Give it back to me" saad ni major na tila pinagpapawisan na naman.
"Eh..Arbor ko na lang major, Wala na po eh.." wika ko.
"Panong wala? Nasan na ba?
Dahil makulit si Major ay napilitan akong Ilabas na ito.
"Tinikman ko Kasi Major...Sorry..."
Wika ko saka Dahan dahang Niluwa ang Chocolate Condom.
"OMG...Holy Shit...Wika ni major saka napasabunot sa sarili nyang ulo.
"Sorry na major, Bat kasi ang dami mong ganan, Siguro marami kang babae no, kaya kahit saang lugar dito may ganyan, Sa CR sa kitchen, pati sa kwarto mo siguro." Saad ko
"Shut Up Bata! Ikaw talaga napaka daldal at napaka mo kahit kelan.
Sa susunod igagapos na kita para nakatigil ka lang sa isang pwesto" wika pa. Nya.
"Sorry na nga Major, na Curious lang eh.Kasalanan mo rin naman tinuro turo mo sakin ang CR at kitchen tapos kaw tong pabaya kung san san lang nakalagay tapos maiinis ka sakin." Wika ko naman rito."
"Hoy..Bata..Nasa Cabinet yon"
"Nasa Cabinet nga, pero Cabinet ng Kitchen? sure ka Major? Sa Kitchen?dito ba kayo nag AANUHAN sa table ng mga babae mo.?
"Noon yon Bata, saka wala ka pang alam sa mga bagay bagay..
Kaya shut up kana lang muna ha.."
"Malalaman ko Rin yan"
"Dami mo talagang alam bata, Halika na nga ihahatid na kita Baka ano pang magawa ko sayo"
"E di gawin mo!" Wika ko
Napatingin naman sya sa akin.
"Di mo alam ang sinasabi ko" wika nya.
"E di Ipaalam mo sakin?
Pagkasabi ko noon ay Napapunas na naman si Major sa muka nya na Butil butil na naman ang pawis.
"Halika na Bata, Baka mawala pa ko sa sarili ko eh may magawa ako sayo, Kaya Tara na habang nakakapag pigil pa ako, Hindi mo alam ang sinasabi mo, baka mapa sabak ka ng wala sa Oras."
Saad nito sa akin, di ko sya gets kaya sumunod na lamang ako sa kanya.
Naihatid nya na ako sa bahay, Ok naman na sya sa akin sa byahe kanina.
"Ingat bata, Goodnight, matulog kana maya maya." Saad nito
"Goodnight din po major, Salamat po"
Wika ko, Masaya akong umakyat ng kwarto, Ibinagsak ko ang aking katawan at bigla akong may naalala, Tama, until now NALALASAHAN ko parin ang Edible condom na sinubo ko kanina, pero infairness masarap sya.