Naging Busy kaming lahat dahil dumating na ang mga Doctor na Volunteer din 2 doctor, 1 dentista at may mga Nurse din.
After mag pa check up ay pina diretso na rin namin sila sa Pila ng Dala naming mga Groceries,
Labis ang kanilang kasiyahan kada isang Pamilya ay may 10 kilong bigas, mga De lata, Kape asukal at gatas para sa mga bata." Simpleng tulong lamang ito ngunit ang saya at pasasalamat nila ay di matawaran.
Grabe ang pagod ngayong araw na ito, pero worth it naman.
Bandang alas tres ay natapos na ang medical mission. Bumaba rin agad ng kabayanan ang mga doctor dahil may medical mission parin sila sa ibang lugar bukas, Samantalang kami naman ay Bukas pa uuwi dahil marami pa kaming aayusin.
Dahil tapos na ang misyon ay makapag papahinga na kami, Nag bon fire kami saka kami umupo ng pabilog. Instead na alak ay Kapeng Barako ang iniinom namin, wala lang tamang kwentuhan.
Dahil nasa kabilang side si Major ay di maiwasang magkatinginan kami.
Matapos ang bonfire ay pumasok na kami sa tent, Hindi na maulan ng gabing iyon kaya ang iba ay sa Open tent nalang natulog, maging sa major ay hindi na muna natulog sa tent namin.
Maayos naman akong nakatulog, kinabukasan ay naka alarm ako ng 5am dahil 5:30 kailangan ay makaalis na kami, pagkagising ko sakto ay gising narin sila Monika nag tootbrush lang ako at nag wash, Hindi na kami naligo, Gising narin ang mga taga roon, Nagpaalam at nagpasalamat kami sa Kanila. Halos maiyak din naman sila sa pag Alis namin.
"Maraming salamat po sa inyong lahat, Mauuna na po kami, Magkita kita po ulit tayo sa susunod" wika ni major.
"Maraming salamat din sa inyo, Mag iingat kayo" saad naman nila, at pagkatapos noon ay nag paalam na kami.
Mga gamit na lamang namin ang aming dala kaya di na kailangang bumalik pa ng isang ulit.
Muli ay kinuha ni major ang bag ko at sya na ang bumuhat nito.
Nakakapagod ang lakarin pababa matapos namin maglakad ng matagal ay nakarating rin kami sa parking.
Nang matiyak na namin na okay na lahat ay umalis na kaming muli pabalik ng maynila after ng ilang oras na byahe ay sa wakas nakarating din.
Bago ako bumaba ay nag paalam na ako at nagpasalamat kay Major.
"Thank you Ulit Major sa paghatid, Ingat ka po" wika ko rito.
"Ikaw rin ingat ka, Salamat rin kagabi Bata" wika nito sa akin.
Napayuko naman ako, dama ko ang
Pamumula ko,
"Ahmm sige po Major, baba napo ako ingat" wika ko rito saka tuluyang bumaba sa pick up,
Bumusina pa sya bago tuluyang umalis.
Wala naman ako ginawa maghapon kundi ang magpahinga 2 araw din kasing puyat at pagod kaya madali ako nakatulog.
Samantala..
Pagkagising ko ay Bumungad sa akin Ang message ni Kuya Hyde nasa airport sya at sinusundo ang pamilya nya 1 week kasi ang mga itong mamamalagi sa apatment ni kuya hyde, Ni remind nya ako na isasama sa kanila at ipakikilala sa magulang nya.
Umoo naman ako rito.
Hangang sa kinabuksan after ng klase ay sinama nga ako ni Kuya hyde
Hindi ko alam bat tila kinakabahan ako.
"Kuya, pwede bang dumaan muna tayo kahit sa Mall Bibili lang ako ng Cake.
"Cake for what? Marami ng pagkain sa bahay." Wik ni kuya hyde.
"Nakakahiya naman pumunta na wala man lang akong dala"
"Ano kaba reign its okay, Saka nag gawa na si mama ng graham cake, Presensya mo lang Ok na.
"Okay hehe sabi mo eh tara na.." pag aaya ko sa kanya.
Ilang minuto lamang ay nakarating kami sa Apartment ni Kuya, Sakto lamang ang laki nito meron itong dalawang kwarto.
"Tuloy ka Reign, Wika ni Kuya hyde kaya pumasok na ako.
"Ma..Mama...andto na po kami" wika ni kuya hyde nasa kusina pa kasi ata ang mama nya, Agad namang lumabas ang sa tingin koy daddy at bunsong kapatid ni kuya..
"Oh, narito na pala kayo, magandang hapon hija.
"Magandang hapon din po sa inyo.
Bati ko sa Papa ni Kuya at kapatid nito.
Maya maya lamang ay lumabas na ang mama ni Kuya hyde. Hindi ko alam bakit parang ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Hi magandang hapon sa iyo Hija"
"Magandang hapon din po"
"Nagulat ako ng bigla akong yakapin nito.
"Salamat hija at nakarating ka, madalas ka ikwento ni hyde sa amin."
Dagdag pa ng mama ni kuya hyde.
"Ganon po ba,puro kakulitan ko po siguro ang knumwento nya hehe"
"Hmm..naku iba iba nak " saad pa nito.
"Ooops...Mamaya na ang kwentuhan, Kumain na muna tayo, baka lumamig pa ang pagkain" sabat ni kuya sa amin kaya ganon nga ang aming ginawa.
At pagkatapos ay saka namin muling itinuloy.
"Ilan taon kana nak?
"18 po tita malapit na pong mag 19," saad ko rito.
"Ganon ba, ka edad mo pala yung anak ko si Mary Faith, Siguro tulad mo rin sya maganda at matalino.
"Ilang taon po sya ng mawalay sya sa inyo?
"Mag iisang taon palang anak, Ganong edad pa lang si Faith ng kunin sya sa akin ng mga walang pusong iyon.
Hindi ko tuloy alam kung kumusta sya, Ok lang ba sya? May nag aasikaso kaya sa kanya? Inaalagaan ba syang mabuti ng kumuha sa kanya? Paano kung minamaltrato sya?" Saad ng mama ni Kuya Hyde habang di na napigilang umiyak, Sana lahat ng mama katulad ni Tita Zaida. Lumapit ako sa kanya at Niyakap ko sya, Niyakap nya rin ako pabalik, Hindi ko maintindihan pero tila kakaiba ang yakap nya parang nakaramdam ako ng kapanatagan.
"Sana po Tita Lahat ng Mama katulad nyo po" wika ko sa kanya.
"Bakit nak? Ang mama mo?
"Madalas pong wala, pag nandyan naman po madalas naman po akong saktan" wika ko na di narin napigilan umiyak, Hindi ko alam pero parang tiwala ako magkwento sa kanya.
Madami oa kaming napag usapan hangang sa sumapit ang alas syete ay nagpasya si kuya hyde na ihatid na ako.
"Uuwi ka na ba nak,? Dito kana lang kaya matulog nak? Doon ka nalang sa kwarto dito na lamang kami sa sala." Saad ni tita Zaida.
"Naku tita, Wag na po mas kailangan nyo po makapag pahinga ng maayos"
"Babalik ka hija ha..Hintayin kita, Ipagluluto kita ng iba ko pang masarap na putahe" wika pa nito sa akin.
"Talaga po? Sige po babalik po ulit ako sa isang araw. Saad ko rito.
Nagyakapan kami bago ako ihatid ni Kuya.
Hindi ko maintindihan bakit parang nalulungkot ako, kumaway ako hangang sa tuluyan na kaming umalis.
Samantala..
ZAIDA'S POV
Nakilala ko na ang Kaibigan na madalas i kwento ni hyde, Hindi ko alam ngunit nang makita ko ang batang iyon ay tila kay gaan ng pakiramdam ko, Kaya di ko napigilang yakapin sya, Kasing edad nya si Faith, Magandang bata rin, bigla ko na naman tuloy naalala ang aking anak, Kaya kinuha kong muli ang larawan nito.
"Anak...mis na mis kana ng Nanay, kung nasan ka man ngayon anak sana bumalik kana sa akin, Sana makita na kita" wika ko saka hinaplos ang nag iisang larawan ni faith bago ito nawala.
---samantala--
"I love you Po mama..Heto po ang mga bunga na nakuha ko.."
"Salamat anak, I love you too,Pero wag kang lalapit sa dulo ng gubat may mga mababangis na hayop daw dyan.
"Saan po mama dito po? Wala naman po mama, Wala pong mabangis na hayop"
Ngunit pag ikot ko ay isang mabangis na Leon ang naka abang sa akin at handa akong sagpangin.
Mama..Mama Tulungan nyo po ako..Mama...!
Wika ko sabay Balikwas sa aking pagkakatulog. Isang panaginip..Isang masamang panaginip, Pero bakit ganon sinong Mama yung tinatawag ko, Hindi ito si Mama matilda.
dahil Malambing ang boses nito, at maalaga tulad ni tita zaida.
Bumangon ako saka uminom ng tubig.
Mabuti na lamang at nakabalik parin ako sa pagtulog.
Kinabukasan ay Napag desisyonan kong Pumunta ng Mall after ng klase, Hindi ko na inaya sila monika dahil meron din silang ibang lakad. Balak ko kasing Bilhan ng Present si Tita Zaida para meron akong remembrance sa kanya bago sila bumalik ng probinsya.
Scarf ang binili ko para sa kanya,bumili rin ako ng maliit na pouch magka terno ang kulay nito, Papalabas na ako ng Shop ng biglang may Bumunggo sa akin, alam kong nasa Tabi na ako, ako ang nabunggo pero tila bat parang sya pa ang nasaktan.
"Aray! Ano ba yan ayaw tumingin sa dinaraanan" wika ng babaeng bumunggo sa akin.
"Mis, nasa tabi ako, ikaw po ang bumunggo sa akin, Wika ko sabay tingin sa babaeng ito, Nagulat ako nang mapagtanto kung sino ito, Walang iba kundi si Lyra, Kasunod nito ay ang MAMA ni Major Escobar.
"What' s Happening here?! tanong ng Mama ni Major sabay taas ng kilay sa akin.
"Nothing Tita, Somebody hits me, but its okay Tita, hindi nya naman po siguro sinasadya" Wika ni Lyra na biglang nagpa awa.
"Ikaw? Hmm..Diba ikaw ang kasama ng anak ko sa resto nung nakaraan?
"O..Opo...ako nga po" wika ko.
Ngunit Pinasadahan ako ng Tingin ng mama ni Major mula Ulo hangang Paa.
"Hija, Inuulit ko lamang, Hindi mga klaseng Babae mo ang Nararapat sa Anak ko, Syempre kung may nais man ako ang Gusto ko yung mga BABAENG may Sinabi, May Binatbat, Yung dapat ikararangal, Hindi Tulad mo, Estudyante ka pa nga lang eh, Wala kapang nararating, tapos kung umasta ka at banggain itong si Lyra na di Hamak na mas Lamang sayo sa kahit ano mang Aspeto,
Oo..andon tayo sa maganda ka rin..pero wala kapa ni katiting sa Narating ni Lyra, Kung sa ngayon ay Nakikipaglaro sayo ang anak ko, Aba wag ka pakasiguro dahil baka umiyak ka sa Dulo, Di ko masisisi ang anak ko kung sa ngayon ikaw ang kanyang natitipuhan, baka kasi kailangan nya ng isang batang batang PARAUSAN alam mo na pag bata Madaling MAUTO.
Nasaktan ako sa Sinabi ng Mama Ni Major...Gusto kong maiyak, Masyado nya naman akong Tinapakan, at hinusgahan, Oo estudyante palang ako pero yung Halos yurakan ang pagkatao ko mali naman yon kaya di ako nakatiis..
"So yun po ba ang Alam nyong Pagkatao AT PAGKAKAKILALA nyo sa Anak nyo? Isa lang ang Ibig sabihan nyan MISIS, Hindi nyo ho NAPALAKI ng Ayos ang Anak nyo Dahil kung sa Simpleng pag Respeto hindi nya magawa Eh BAKA HINDI ho sya NAPALAKI Ng TAMA.
Wika ko rito Sabay Alis...
Kitang kita ko ang galit na galit na mukha nito.
Im sorry Major, pero Kailangan kong Sagutin ang nanay mo, masyadong maraming alam.
Pumunta ako sa CR ng mall at doon di ko napigilang di umiyak, alam kong walang masyadong nag c cr sa part na to kaya dito ko binuhos ang sama ng loob ko hangang sa may kumatok sa pinto.
"Mis, Okay ka lang ba?
"Saad ng babaeng kumatok, Pinunasan ko ang aking luha at akmang lalabas ng Makita kung sino ang babae walang iba kundi si ate Eris, ang asawa ni kuya Xav na Bestfriend ni Major.
"Evren? Bakit ka umiiyak?
"Ate Eris, " wika ko sabay yakap ko rito at di napigilang umiyak, hinaplos naman nito ang likod ko. .
"Hushhh..Tahan na evren, may problema ba?
Tanong ni Ate Eris sa akin, Lumabas kami ng CR at nag kape sa isang shop sa mall na walang ganong tao at doon ko sa kanya knwento lahat.
"Mali si Tita Greta sa sinabi nya, Walang sino man ang dapat nang mamahiya ng tao, Wala syang karapatang maliitin at husgahan ka."
Saad ni ate Eris, ilang minuto pa kami nag kwentuhan ngunit nagpaalam ns rin sya, Baka raw kasi hinahanap na sya ng triplets.
"Pano Evren , mauna na ako,tawag ka lang pag kailangan mo ng kausap, saka pwede kang dumalaw sa bahay.
"Salamat ate Eris, ingat ka, regards kay kuya xav at sa mga bata." Wika ko naman rito.
Habang naglalakad ay dumaan muna ako sa may Park, Nakaupo lamang ako at hinihintay ang paglubog ng araw nang isang bulto ang lumapit sa akin, walang iba kundi si Major.
"Ang lalim naman ata ng Iniisip mo Bata"
Tanong ni Major sa akin, Hindi nya pa siguro alam ang nangyari.
Huminga ako ng Malalim saka nagsalita.
"Im sorry Major, Sinagot ko ang Mama mo, Masyado na kasing Below the belt ang mga sinasabi nya. Wag ka mag alala Sinagot ko naman sya ng may Respeto pero kita kong gigil na gigil yung Mama mo" saad ko rito.
"Bakit? May ginawa ba sayo si Mama? Sinaktan kaba nya?
"Physical Hindi, pero emotional Oo ang dami nyang masasakit na salitang sinabi, Alam ko na mas kakampihan mo sya dahil nanay mo sya pero sobra na kasi" wika ko.
"No...San mo nakuha yan na porke nanay ko kakampihan ko, Hindi ako ganyan Evren, Pag mali mali, kahit nanay ko pa.
"Tinawag nya kasi akong....Isa sa mga PARAUSAN mo, na madali mo lang akong nauuto kasi Bata ako."
Bigla namang naikuyom ni major ang kamay nya,
"Ako na ang humihingi ng despensa sa sinabi ni Mama, Wag mo isipin ang Sinabi nya, Dahil di ka ganong klaseng babae"
Saad ni Major, Tahimik lamang ako at maya mayay nag paalam na sa kanya, Gusto nya akong ihatid ngunit di na ako pumayag.
Sinabi ko rin sa isip ko na mag mula ngayon didistansya na ako kay Major, mas mabuti na siguro yon.
Makalipas ang ilang araw, di ako nagpapakita kay major kapag nakikita ko sya sa headquarters ay nagtatago ako, kapag naman nag memessage sya di ko naman siniseen.
At ngayon naman ay narito ako kina kuya hyde dito ako matutulog pauwi na kasi sila tit Zaida sa isang araw kaya inaya nya ako mag sleep over sa kanila at ibinigay ko rin ang regalo ko sa kanya, tuwang tuwa sya nag abala pa raw ako.
"Tita Zaida, Kung ok lang po sa inyo pwede po bang dito nalang din po kayo matulog" wika ko rito.
" Oo naman hija kung ok lang sayo bakit hindi" saad nito
Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko kay tita zaida, nakahiga na kaming pareho habang nag kwe kwentuhan parin. Hinahaplos nya ang Buhok ko.
"Alam nyo po tita, napaka swerte po ni Faith dahil kayo po ang mama nya, Dalangin ko po na makita nyo na sya, Para di na po kayo nalulungkot.
Saad ko rito nang bigla nalang din tumulo ang luha ko,
Ganon din sya, Nagyakapan kaming dalawa at parehong umiiyak.
"Sana nga anak, sana nga..mis ko na sya..gusto ko syang mayakap, mahagkan, kahit dalaga na sya gusto ko pa rin syang ipag hele at iparamdam sa kanyang nandito lamang ako..
"Tita..Pwede po bang paranas ipag hele.. yung para pong ganito...hindi ko po kasi naranasan na ipag hele ako ni mama.
Hmmm.hmm.hmmm hmmm..hmmm hmm (SA UGOY NG DUYAN)
Sa pag Humm ko ay Sinabayan ako ni Tita, Hangang sya na ang nagtuloy ng kanta, hindi na humming ang ginawa nya kundi kanta na talaga, Ginagawa nya iyon habang hinahaplos ang aking Ulo, patuloy sa pagluha ang aking mata ngunit kapayapaan at kapanatagan ang dala sa akin ng inaawit at ginagawa ni tita.
" I love you Mama, Wika ko saka yumakap sa kanya at nakatulog na.
-ZAIDA-
Kasalukuyan kong hinihele si Evren, nag request kasi ito na i hele ko sya, Kawawa naman ang batang ito, hindi nya daw kasi matandaan na i hele sya ng mama nya. Kaya hinele at inawitan ko sya, Hindi ko alam pero tila nadudurog ang puso ko habang nakikita ko syang lumuluha habang inaawitan ko sya halos singhapin pa sya sa habag ng pag iyak kaya mas lalo ko syang inawitan hinaplos ko ang ulo at likod nya habang kinakantahan ko sya, hangang sa unti unting nawala ang paghikbi nya at pag iyak nya,
"I LOVE YOU MAMA" huling sambit nya sabay yakap sa akin, ng Tingnan ko sya ay tila nakatulog na ito, Nakatulog na sa pag iyak, Pinunasan ko pa ang luha sa kanyang mga mata at niyakap sya. tinitigan kong maigi ang kanyang mukha,
Maamo ito at inosente,
Bakit napakagaan ng loob ko sa batang ito.
Na kwento sa akin ni Hyde ang dinanas nito na biktima ito ng pang aabuso..pang aabuso ng sariling magulang.
Hinalikan ko sya sa noo at niyakap ko rin sya, hangang sa makatulog kaming dalawa na magkayakap, Sa mga oras na Ito, iniisip ko at naramadaman kong kasama ko ang anak ko....Ang anak kong si Mary Faith.