Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si manang soling, Katatapos lamang nito magluto.
"Hi po manang" bati ko rito.
"Oh hija, nariyan kana pala. Kumain kana ready na ito."
"Mamaya nalang po manang busog pa po kasi ako eh nagmeryenda po kasi ako."
Ganon ba? Oh sya sige bumaba kana lamang kapag nagugutom ka ha?
" Opo manang salamat po, Si mom and dad po pala? Tanong ko rito kahit alam ko na naman kung nasaan ang mga ito. As usual si mommy tamang travel lang with amigas while si daddy Tamang Sugal at business lang, yan ang routine ng mga parents ko.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Officer kanina masakit pero totoo na para akong Bata na kulang sa kalinga ng magulang.
Totoo naman kasi eversince ganyan na sila mom and dad. Napahinga na lamang ako ng malalim.
Speaking of Officer, kumusta na kaya sya, nakauwi na kaya sila galing mission? Sana ay ok lang sila, At teka bat ba nag aalala ako sa Mr.Sungit na yon eh 2 oras nya ko pinaglinis kanina..Hmmm. Pero syempre nag aalala lang din binigyan nya naman ako ng meryenda.
Pero infairness Tama nga sila Catriona, Pagsisilbihan nga ang peg ni Officer.
Gwapo ito, Fair complexion, pati ang katawan ay panalo rin kahit naka uniform sya alam kong masarap ang katawang nagtatago sa likod ng uniformeng iyon.
Nagbabad muna ako sa bath tub sa aking kwarto saka sinalpak ang headset, madalas ko ito gawin bago matulog,
After ng 40mins kong pagbababd ay umahon na rin ako at tuluyan nang naligo.
Binuksan ko naman ang Tv habang nagbibihis nang pnatulog hangangsa Flash report ang bibglang sumingit.
"Nagbabagang Balita, Isang warehouse sa taguig ang matagumpay na nasakote ng mga Kapulisan sa Pangunguna ni Police Major Yohan Grae Escobar, Huling huli sa akto ang mga taong involved na nagpagpapalitan at nagbabagsak ng mga nasabing kargamento na nag lalaman ng mga Ilegal na Droga.
Samantala 2 ang patay sa nasabing Grupo ngunit, may isa namang nasugatan sa kapulisan na naisugod narin sa hospital.
Tumutok lamang para sa iba pang update"
Yan ang balita sa TV ibig sabihin success ang Mission nila Yohan.
Hindi ko alam pero tila naka hinga ako nang maluwag.
Kinuha ko ang notes ko at pinasadahan iyon dahil may exam kami bukas, pero naalala ko na naman si Officer yung unang kita ko sa kanya ng Malinaw at harapan,
Okay naman Sya, OFFICER YOHAN,GWAPO,HOT,PAGSISILBIHAN, AALAGAAN, LULUHURAN.Kaso SUPLADO AT UBOD NG SUNGIT.
Hay..naisulat ko nalang tuloy sa notes ko ang mga katangian nya.
After noon ay bumaba n ako at kumain at pagkatapos ay natulog narin agad, Maaga ako tutulog today dahil pagod ako.
Kinabukasan ay maaga akong Gumising, may exam kasi sa 2nd subject nag re review rin naman ako kahit papano.
Ngunit bago ako pumunta sa School ay Dumaan muna ako sa Malapit na coffee Shop rito, maaga pa naman, may isang oras pa ako, dito nalang din muna ako mag rereview.
Umorder ako ng paborito kong caramel macchiato at humanap ng magandang pwesto, sa may bandang dulo ako para walang storbo.
Habang uniinom ng Kape ay Nilabas ko ang LOLLIPOP na paborito ko, Chupachups, ewan ba bat trip na trip ko yan kainin, ang sabi sakin ang tanda ko n raw para sa lollipop, Dapat daw ibang lollipop na ang kinakain ko, Mga Sira ulo, napailing nalang ako kapag naiisip ko yun.
Habang binabasa ang aking notes na ni rereview ay Dumidila dila at sinusubo at nilalaro ko ang lollipop sa aking bibig hindi ko alam pero pakiramdam ko ang may nakatingin sa akin
"Damn!"
rinig kong may nagsabi nito saka ako napatingin sa table na medyo malapit sa unahan ko, Eksaktong nilalaro ko pa sa bibig ko ang lollipop ng magbangga ang aming mga Mata, naka akto tuloy na nakanganga ako habang nakadila sa lollipop.
Nahiya naman ako kayat sinubo ko nalang ang lollipop at saka binalik ang tingin sa notes ko,.
"Hindi ko alam bat ako kinakabahan pakiramdam ko din ay namumula ang aking pisngi. Tumingin akong muli sa notes ko hangang sa napansin kong lumapit sa harap ko ang lalaking tinutukoy ko, walang iba kundi si Officer Yohan Grae.
"Hey Kid, Pwede bang ayusin mo ang pagkain ng Lollipop? Saad nya at inilapit pa ang mukha kita parin ang kagwapuhan nya kahit naka shades sya.
"What? Ako ba kausap mo Officer? Wika ko rito na tila naiirita.
"Malamang ikaw, Wala naman ibang tao sa tabi mo diba? Wika nito in a sarcastic tone.
"So? Anong problema mo sa pagkain ko ng lollipop ha Mr.Officer?
"Sa akin wala, sa ibang tao meron,"
"So? Bakit ako ang mag Aadjust?
"Dahil ......Dahil..
"Dahil ano?
"Dahil may mga taong Nag nanasa sayo kanina pa dahil lang sa way ng pagkain mo ng lollipop, Ano happy kana? Saad nito sa akin.
Napatingin naman ako sa paligid.
"Wala naman ah.."
"Malamang wala na dahil pinalabas ko na, Konting Konti nalang malapit kanang Pag anohan.
"Pag anohan? Nino? MO? tanong ko na naaasar na rin.
"Tsk tsk..Asa Ka bata, Never akong maakit sa mga isip batang katulad mo," saad nito nito sa akin .
"E di wag..ako din the FEELING IS f*****g MUTUAL Mr.Officer di din ako maakit sa mga SUPLADONG gaya mo.
dyan kana nga Maging MATANDANG BINATA ka sana..
Excuse me..Tabi Dadaan ako Mr.Officer!
Wika ko saka dumaan sa harap nya na nahaharangan..
Inis na inis akong Lumabas ng coffee shop at nag diretso na sa loob ng campus
Samantala...
Hayyy...Napakatindi talaga ng Batang pasaway na to sya na pinagmalasakitan sya pa galit. Saad ko sa aking isip Aalis na sana ako ng mapansin ko ang Notebook nya na kanina nyang ni rereview, natawa naman ako nang makita ito.
"Hahhaa BINGO"
Pasaway na..Pabaya pa .Maghanap ka ngayong Bata ka! Hehe" wika ko habang natatawa sa naiisip.
After ko magtake out ng Kape sa Coffee Shop nila Eris ay Dumiretso na ako sa Headquarters, Dala dala ko rin ang Notebook na naiwan ni Batang Pasaway.
Pagkapasok ko palang ay Sinaluduhan na ako ng aking mga Kabaro, Ang iba naman ay Binabati ako dahil Matagumpaybna Operasyon ng mission kahapon, Wala namang malalang nangyari sa grupo namin, ngunit na daplisan si Ramirez ngunit ok naman na ito ngayon.
Inabot ko ang mga kapeng Binili sa mga kabaro ko sa department.
"Kape Muna tayo..Ohhh.." wika ko saka inabot ang kape.
"Salamat po Major.." At congrats din po pala sa mission kahapon," wika ni Mijares sa akin.
"Hindi lang sakin ang Credits non Kundi sating lahat, Dahil kung Wala ang kooperasyon ng bawat isa baka hindi tayo nagtagumpay." Saad ko naman sa kanila.
"Pero Sir, Salamat parin, Kung hindi dahil sayo baka Wala na si Ramirez buti nalang at nailigtas nyo." Wika pa nito.
"Responsibilidad ko na gawin yon, kahit sino pa sa inyo ang nasa ganong kalagayan, kahit naman kayo diba gagawin nyo rin yon."
"Oo naman sir, yan ang sinumpaan nating tungkulin"
Wika pa nila tumango naman ako.
"Oh sya..inumin na natin ang Kape at baka lumamig pa" wika ko at balik naman sila sa kanya kanya nilang mga pwesto.
Nakaupo ako ako habang gumagawa ng report, hindi ko na namalayan ang oras, mag lu lunch na pala, Medyo busog pa naman ako, kaya hindi muna ako sumama kina mijares para mag tanghalian, pinili ko na mag stay muna sa opisina.
Bigla kong naalala ang Notes ni BATANG PASAWAY na nakapatong sa aking table,
Halatang babae ang nag mamay ari nito dahil kulay peach.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at binuklat ko ito.
Sa unang pahina nakalagay ang pangalan nya.
Evren Reign Solares
BSBA Management
St.Margaret Academy
Sunod na page ay makikita mo na ang mga notes nya, may mga naka Higlight na words, at may mga nakabilog rin.
May mga Computation ka rin na makikita, Maganda ang penmanship nya parang di mo iisiping Batang pasaway ang may ari ng kwadernong ito, Nag eenjoy akong buklatin ang notes nya, may boundery ang notes nya ang sununod na nabuklat ko ay emoji ng sad face at naka sulat na
"Why i am sad right now? With sad emoji, sa ibaba naman ay ang emoji nga kinabukasan na Happy. Basta kada date or araw ay inilalagay nya ang feelings nya na nararamdan.
Sumunod na buklat ko,
Ang nabasa ko naman ay ang katagang.
"SANA ALL HAPPY, SANA ALL KOMPLETO"
ititigil ko na sana ang pagbabasa dahil tila nararamdaman ko na ang mg susunod ay pribado na na tila diary. Kaya hininto ko na ang pagbuklat.
Bagkos ay Sinarado ko na ito, pero di ko alam parang may nagtutulak sa akin na basahin ang huling page, wala naman sigurong nakasulat dito na pribado dahil last page at binuklat ko nga ang huling pahina Habang sumimsim ng natira kong kape, pero halos magulat ako at maibuga ang iniinom ko nang makita ang nakasulat sa huling pahina
OFFICER YOHAN,GWAPO,HOT,PAGSISILBIHAN, AALAGAAN, LULUHURAN.Kaso SUPLADO AT UBOD NG SUNGIT
with matching emoji,
Bigla naman ako nakaramdam ng Init ng mabasa ang Nakasulat sa notes nya, Bahagya kong tinangal ang botones ng suot kong uniforme, breaktime pa naman.
Muli ko itong Tiningnan, at bigla ko namang naalala si Batang Pasaway.
Ang maamo at maganda nitong mukha, Ang perpektong hubog ng katawan nito, ang makinis at maputi nitong kutis na akala mo hindi nadadapuan ng lamok, kaya ganon nalang ang inis ko ng makita kong nakaakmang mamanyakin ito ng lalaking nakasayaw nya sa bar, kayat ng akmang hihipuan nya ito ay kamao ko ang nadakma ni Gago.
pero sa Huli ako pa ang Napasama kay Batang Pasaway.
Napailing na natatawa naman ako ng maalala na ang attitude nito na sa maamong Mukha ay Dragon at Malditang babae ang nagtatago.
May naisip ako total lagi nya lang din naman akong inaasar aasarin ko rin sya.
Kumuha ako ng panulat at Sinulatan sa bandang ilalim yung Sinulat nya tungkol sa akin,
"Hmmm..Hindi pala MAAKIT pero PAGSISILBIHAN, AALAGAN AT LULUHURAN hahaha Talaga ba BATA?
saka ko nilagyan ng Emoji na naka dila.
Pagkatapos ko gawin yon ay sinarado ko na itong muli, kumuha ako ng Envelope saka ito inilagay.
Mabilis na natapos ang araw ay nag out na rin ako, dumaan muna ako sa Shop nila Eris at kinausap ko si Danna ang Kahera nya.
"Hi Danna"
"Hi sir yohan, kayo po pala.
"Ahm Danna, madalas ba magkape rito yung Estudyante na nakasabay ko Kahapon yung maputi na Nag lolollipop?
"Ah..yun ba Sir..Opo sir, Hindi man everyday pero mga 3x a week po nagkakape sya rito. bakit po Sir?
"Ahm..makikisuyo sana ako, kung sakaling pumunta, pakiabot mo nalang nito sa kanya, naiwan nya yan kahapon, akala ko mahahabol ko pa sya pero hindi na. Saad ko naman rito.
"Ah sige po sir Yohan ako napo ang bahalang mag Abot.
"Salamat danna, Pano mauna na ako paki kumusta nalang kay Eris at Xav.
"Sige po sir.."
Pagkagaling ko sa shop ay dumiretso na rin ako sa condo ko.
Bye the way Im 33 years old and Im Single, pero wag ka magtataka kung bakit pag Uwi ko sa Condo may Maabutan kang Babae na naghihintay, Well, Di ko naman sila pinapapunta, Sila ang kusang pumupunta Sila ang Willing na paligayahin ako, Alam naman nila na Ayoko ng Commitment.
Lalaki ako at may pangangailangan pero Palay na ang kusang lumalapit sa manok kaya Kahit papano Nakakatuka rin ako,But i do it safely.
I always wear protection everytime na nakikipag Bedmenton ako,
At eto nga kakalabas ko palang sa elevator pero natatanaw ko na si Aubrey ang Babaeng nag aayang makipaglaro sa akin ngayong Gabi.