Sobrang pagod ko ata sa ginawa namin ni Major, dahil hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari basta kanina pag gising ko ay nakapalit na ako ng damit, nabasa ko rin ang notes na iniwan ni Major. Kaya nang magising ako ay inayos ko ang aking sarili, naglinis din ako ng Condo, wala naman kasi akong gagawin rito, kaya kahit sa mga simpleng gawaing bahay ay makatulong ako kay Major. Dahil pasko ay nag VC ako kina kuya hyde., nakipag VC din ako kay Tita Zaida, di ko alam pero namis ko rin sya. Nagpaturo din ako sa kanya magluto dahil nagbabalak ako na magluto sa parating na new year next week. Matagal kaming nagkausap ni Tita, saka kami nag paalaman. Sunod kong vinideo call ay Ang Mga kaibigan ko naman. After ko makipag chikahan sa kanila ay nag palit naman ako ng kurtina, syemp

