Chapter 9 " SET UP"

2437 Words
Walang pasok ngayon kaya sa bahay lamang ako, Hindi ko na muna pinapunta si Nay soling dahil kaya ko naman asikasuhin ang sarili ko. Kumusta na kaya si Major? Okay na kaya sya? Bigla kong naalala ang Calling Card na binigay nya sa akin, nagdadalawang isip ako kung i me message ko ba o Ano, Sinearch ko din sa Soc media ang account nya at lumabas naman, Wala syang ganon post pero may mga Tag sa kanya na mga post Nag Stalk pa ako sa Insta nya, nakita ko na may post Sya na Happy birthday mama, kasama ang kanyang ina. Samantala sa Isang pic naman ay may tag sa Kanya na naka Caption ay "FAMILY IS LOVE reunited with Kuya Yohan," Sa Picture ay May kAsama syang medyo may edad na lalaki na kamuka nya, sa tabi nito ay may ginang at sa tabi naman ni Major at 2 lalaki at Isang babae, Nakalagay din sa Caption ang Escobar Family. Nag stalk pa ako, at nakita ko ang pic nya sa Beach May kasama syang mga lalaki at Babae, at ang sumunod ay picture nya din sa beach na naka Topless sya at naka Board short, Kitang kita ang masarap na pandesal sa kanyang katawan. Di ko namalayan na Na heart ko ang post nyang ito. Ganon na lamang ang kaba ko nang makitang naka online sya .Kasabay ng Pag beep ng notif sa message ko. "Hmmm..Your stalking me BATA." with emoji na naka Think. Nag isip naman ako ng reply sinabi ko na nag appear sa suggest kaya na curious akong i open. Pero hindi ko alam kung naniwala sya dahil sa reply nya na "OKAY" hahaha walanja napakatipid naman ni major. Hindi na ako nagreply baka isipin nya pa na Feel na feel kong makipag chat sa kanya.Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, Nag beep ulit ang notif at lumabas ang Chat nya, "Wala ka sigurong Ginagawa ngayon no kaya May time kang Mag Insta" saad nya pa. "Hindi naman po, na curious lang po ako talaga" reply ko naman sa kanya. "Okay..Sabi mo eh" wika nya. Hindi na rin nao nakatiis kaya nag reply na rin ako "Major, kumusta po pala yung Sugt nyo? Masakit pa rin po ba? "Hindi na masyadong masakit,Konti nalang saad naman nito. "Ah sige po Major, Pagaling po kayo." Reply ko naman rito, hindi na sya nagreply ngunit nag heart sya sa reply ko . Dahil wala parin namang pasok bukas ay inaya kong gumimik si Cat at monika balak ko ay Dinner lang then Chill chill, wala akong balak na party party, may nakita lang akong kainan na masarap around BGC kaya gusto ko lang i Try. Agad ko namang Dinial ang numero ni Cat At monika, Mabuti na lamang at pinayagan sila nila Tita. Ala Singko na pala ng Hapon kaya naligo na ako at Agad na Gumayak. Naglagay lamang ako ng light Make up at nag suot ng Skinny tattered jeans at ng Croptop at saka kinulot ang dulo ng aking buhok. 7pm kasi kami magkikita kita sa BGc 30 mins lang naman ang byahe kaya 6:20 ay umalis na ako at nagpahatid kay kuya Gelo. Nauna akong dumating sa Bar and resto na pupuntahan namin kaya ako na ang omorder,wala pa naman ganong tao kaya iniwan ko muna ang shoulder bag kong dala sa table at dinala lamang ang pouch ko na may lamang pambayad, after ko orderin ay agad akong bumalik sa pwesto namin, at ilang sandali lamang ay dumating na rin si Cat at monika. "Wow ganda naman dito cozzy, Saka may live band din pala na tumutugtog no? "Oo meron pero mga 9pm ata yung band nila. Nagkwekwnetuhan lang kami habang nag hihintay ng order namin hangang sa i serve sa amin ang inumin namin at ang order namin na food. Masaya kaming kumakain at nag kwekwentuhan hangang may mapansin si Monika. "Besh, Bakit kaya tingin ng Tingin rito satin yung lalaki pansin ko yun pagdating pa lang akala ko naman hindi dito nakatingin? "Asan? Gwapo ba? Baka nagagandahan s mga beauty natin."wika naman ni Cat. "Asan besh? "Ayun umalis, nakahalata siguro na nakita natin sya na kanina pa nakatigin satin. Sagot naman ni Monika. Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng kaba, Sana naman walang mangyaring di maganda samik ng mga kaibigan ko. Saad ko sa isip ko lamang. Samantala "Sir, Ok na, safe na safe kong nailagay dun sa target, Ayos mukang mayaman at eto pa may kasama pala 1 babae at isang Bakla. " Saad nito. Good, Siguraduhin nyong successful ah, Tang ina, Lagi nalang pangalan ni Escobar ang maingay, Gusto ko pangalan ko naman. "Sige sir, Walang sabit to, Walang alam yung Babae kanina busy kasi sya umorder kaya di nya napansin ng isingit ko sa bag nya ang DROGA. Saka yung CCtv alam ko sira kaya wala ibedensya hehe" "Good oh sige na, galingan nyo ah, ill be there at 10mins." Wika ng lalaki sa kabilang linya. Samantala Umorder lang kami ng tig iisang wine kumbaga chill lang naman kasi habang nag kwekwentuhan, hindi pa kami nakakakahati ng inom ng biglang lapitan kami ng 4 na armadong lalaki. "Walang kikilos, taas ang kamay! Saad ng mga ito sa amin "Ho? Teka bakit ho? Ano hong atraso namin." Tanong ni monika. "Opo nga Sir, nakain lang po kami, bakit po may pa Taas kamay pa kayo dyan? Wika naman ni Cat. Sir, baka po nagkakamali lang po kayo, wala po kaming atraso kahit na kanino, wika ko naman sa mga pulis na ito, "May nakapag tip sa amin na nagamit kayo ng ipinagbabawal na gamot" "Ho? Saan nyo naman ho nalaman nyan mukang Fakenews, baka isang chismoso lamang ang informant nyo" wika naman ni Cat. "Ok ilabas nyo mga bag nyo at i che check namin" wika naman ng isa. "Okay,E di Go..malinis ang aking konsensya ,Oh ayan check nyo para di kayo puro bintang." Inilapag ni Cat at monika ang mga bag nila at walang nakita ang mga pulis. Sunod kong inabot ang aking bag. Pasipol sipol pa ang isang pulis na kasama nila, Binuksan nya ang zipper sa labas, wala syang nakita, hangang sa buksan ang zipper sa Loob at doon pati ako ay nagulat ng makuhanan nila ng1 sachet na droga at may tabletas pa.Halos manlaki ang mata ko ganon din ang Gulat ng mga kaibigan ko. "Wala pala ha, eh Ano to Ms.beautiful? "Te..teka ho wala ho akong alam dyan! ,hindi ho sa akin yan. "Hehe Tskk.Tsk..ayan na naman tayo pag nahuli biglang tatannggi, Kayo talagang mga kabataan, Salazar isama ang mga yan sa presinto. "Teka sir...Hindi nga ho sakin yan ano ba, bitawan nyo kami,. Sinakay nila kami sa mobil, si cat at monica ay kasama kong dinala sa presinto. Umiiyak kaming tatlo. "Bes, Maniwala kayo Hindi sakin yun, di ko rin alam bakit napunta sa bag ko, pero pangako di ko pag aari yon. "Alam naman namin na di mo kaya gawin yon , ang kaso bat nakuha sa bag mo? Hindi ko alam bes, pero kanina habang na order ako, iniwan ko ang bag ko sa table, di ko napansin kung may lumapit habang na order ako. Iyak ng iyak si monika at cat hangang sa ibaba kami sa Police station. Tinawagan nila ang mga parents nila at nacontact naman nila, Sinubukan kong tawagan si Daddy pero busy ang linya nito nakailang tawag pa ako pero wala talaga. Maya maya ay dumating sila tita Mona at t**s Agnes, Kinausap nila ang mga pulis nagpirmahan din sila. Maya maya ay lumapit sila sa amin Nagulat na lamang ako sa reaction nila. "Cat,Monika halina kayo Uuwi na tayo! Saad nila. "Pero mama, paano po si Evren? "Wala tayong magagawa kay Evren, Halina kayo baka magbago pa isip ng mga pulis at Isama pa ulit kayo. Saka evren pakiusap, Magmula ngayon layuan mo na muna si Cat at Monika, pati sila nadamay sayo. Wika ni tita agnes. "Pero tita wala po akong kasalanan, di ko rin po alam pano nangyari" "Ah basta, Ako na ang nakikiusap, mabuti pang mag kanya kanya na muna kayong tatlo." Wika naman ni tita mona. Niyakap naman ako ni Cat at monika bago sila umuwi, naiwan akong mag isa sa presinto, iyak ako ng iyak, pilit nila akong pinaaamin sa kasalanan na di naman ako ang gumawa. "Aminin mo na kasi miss,para matapos na to" "Hindi po ako aamin dahil wala naman akong alam" matigas na wika ko. Aba matigas ka talaga ano,Sir..ayaw pa umamin oh, Ilang taon ka na ba? Sayang ang ganda mo kung sa kulungan ka lang babagsak. Hahaha, ilan taon kana. "18 ho, "Wow..disiotso, Sir di kana pala makukulong 18 na pala ito, pwede mo nang maging Kabet.hahhaa" Wika pa nito, mga walanghiya parang di mga pulis. Iyak lamang ako ng iyak ng biglang pumasok ang sir na tinutukoy nila tinitigan ako nito mula ulo hangang paa, napansin ko pa ang hinto ng titig nito sa aking Dibdib saka nilabas ang dila." Paka manyakis ng dating. Tulad ng una ay pilit nila akong pinaamin ngunit nag matigas ako, Balak ko sanang humingi ng tulong kay sir hyde akmang kukunin ko ang cp ko ng pati yon ay agawin nila. "May tatawagan lang po ako" "Hindi pwede, wala kang tatawagan, Aamin ka lang" "Ayoko po...Hindi" Wika ko saka ako umiyak na naman, napapatingin ang ibang dumadaan sa amin. Pano na ako, ikukulong na ba ako? Kanino ako hihingi ng tulong. Dasal ako ng dasal na sana may tumulong sa akin, Habang umiiyak ako ay may Dumaang pulis at napatingin sa akin, Laking pasasalamat ko ng makilala ko ang pulis na dumaan walang iba kundi si Sir Del rio ang ka station ni Major kaya agad akong tumakbo palapig dito maging sya ay nagulat din. Sir...sir tulungan niyo po ako, pilit nila akong pinaamin sir .. Pinaamin saan? Sasagot pa lamang ako ng hatakin ako ng isang pulis palayo kay Sir del rio. "Del Rio, narito ka pala, "Oo may hinatid lang akong dokumento kay chief" "Kung ganong tapos na ang lakad mo,pwede ka nang umalis at wag ng makialam sa mga bagay bagay" "Teka...Ano bang Kaso nyan? "Mabigat, DROGa lang naman" "Droga? "Oo nakuhanan ng Isang sachet at ecstacy." Wika ng sinungaling na pulis. "Umiling naman ako at umiyak" "Hindi sir maniwala kayo wala akong alam" wika ko at tuloy sa pag iyak. "Well.. makakaalis kana del rio" Muling tumingin sakin si sir delrio, tinanguan ako saka nag paalam. Samantala.. Major....Major...! Oh.. Del rio? Bakit kung makatawag ka dyan? Major, Si Ms.Ganda nasa Presinto, Nahuli nila Dominguez, Nakuhanan daw ng Droga. Major..kawawa si Ms.Ganda, Ang sabi nya pilit daw syang pinaamin, Tingin ko major di magagawa ni Ms.Ganda yon,Oo medyo isip bata sya at pasaway pero tingin ko di nya gagawin ang mag droga. Tahimik lamang akong Napaisip, Tama si Del Rio, isip bata lang si Evren ngunit di ito gagamit ng droga. Kawawa naman si Bata kung ganon pinipilit paaminin sa kasalanang di nya naman ginawa. "Ihanda amo ang Sasakyan, Pupuntahan natin Si BATA." Agad kami nag tungo sa estasyon kung saan naroroon si Bata, Naabutan ko itong iyak ng Iyak sa harap nito ay may papel at ballpen at maya maya ay binulungan ni Dominguez saka Inakay ayaw sumama ni Bata ngunit pinipilit sya nito. Di ako makapag pigil kaya Sumigaw ako.. "Dominguez! Saan mo sya Dadalhin? Tila nagulat naman ito at di inaasahan ang pagdating ko. "Oh..Me..MAJOR ESCOBAR? MAJOR.....wika naman ni BATA, na biglang tumakbo at yumakap sa akin, Awang awa ako sa itsura nya Pulang pula at mugto na ang mata kaiiyak. "Maniwala po kayo Major, wala akong kasalanan, Di sakin yon" wika ni bata na patuloy parin sa pag iyak. "Wag mong sabihing makikialam ka sa kaso nyan," saad ni dominguez "Well Hindi naman sana, yun ay kung tama ang proseso, kaso hindi eh, Wala sa proseso, at pilit mong paaminin ang bata at pilit papipirmahin. Nag imbestiga ba muna kayo, How about CCTv? Chineck nyo ba? "Well, Sira ang CCtv that time Major kaya hindi makikita, Wika nito na nakangiti pa. "Talaga ba? Sure ka? Eh ano tong Hawak ko? Tila namutla naman si Dominguez sa Sinabi ko. Papunta palang kasi ay Tinawagan ko na ang Resto na pinangyarihan, At buti nalang at nakipag cooperate sila, may kutob rin daw kasi sila na set up lang mabuti na lamang at nayari na ang cctv nila ng tanghali lamang din na iyon kaya malinaw ang kopya na naiwan ang bag ni Bata sa table at isang lalaki ang mabilis na nagsuksok ng droga rito. "Anong sinasabi mo? Sira ang CCtV nila last week pa. "Well dont worry iimbestigahan na nila ang nangyari, Payo ko lang na ang alamin nyo ay kung sino ang lalaking naglagay at kung SINO ang nag utos, Hindi naman ata patas na Pilitin at paaminin nyo ang isang tao na wala naman kalaban laban. "Bat kaba nakikialam, Hindi mo na sakop ito." Masyado kang pabida Escobar! "Hindi ako Nakikialam Dominguez, pinapayuhan lang kita ng dapat mong gawin dahil tila nakalimot kana ata sa sinumpaan nating tungkulin, mukang kinain ka na ng kasakiman mo! At ako pabida? Di ko kailangang magpa bida dominguez, ginagawa ko lang ang trabaho ko ng tama, Sana Ikaw Rin!" Wika ko rito. "Major..Hwag nyo po ako iwan dito, natatakot po ako." Wika ni Bata na umiiyak na naman, "No, hindi ka maiiwan dito, Hintayin mo ako, Kakausapin ko lang si Chief. Tumango naman si Bata at iniwan ko muna, pinasamahan ko naman sya kay Del rio. Nakipag usap ako kay Chief, at napasa narin sa kanya na malinaw na malinaw na na set up lamang si Evren. "Iuuwi Ko na ho si Evren, malinaw ho na ma set up lamang sya, Wag ho kayong mag alala Kung kailangan ho ng kooperasyon nya ako ho mismo ang magdadala sa kanya rito." Saad ko maman. "Sige Escobar, Pasensya na sa abala, kakausapin ko rin ang grupo ni dominguez. "Salamat po chief, Lalakad na po kami, Wika ko saka sumaludo. Binalikam ko Si Bata, bitbit ko ang bag nito at inakay sya palabas ng presinto, Si Del rio naman ay nasa Sasakyan na. Pansin kong giniinaw si Bata naka Croptop lang kasi ito at medyo malamig pa ang gabi. Kaya Hinubad ko ang aking Jacket at Sinuot sa Kanya. "Salamat po Major! Wika ni Bata sa akin. "Bata sa pag kakaalam ko wala pa namang Shortage sa Tela, Kaya next time Tshirt ang isuot mo wag ang ganyan, Gusto kong Dukutin ang mata ni Dominguez kakatitig sayo." Wika ko naman. Tumango naman si Bata at Inalalayan ko na syang Sumakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD