EVREN Nagising ako sa maliit na yakap na yumayakap sa akin, Iminulat ko ang aking mata at doon ko nakita ang mukha ng aking Anak. Yumakap naman ako rito saka ko sya hinalikan. "Good morning baby ko" "Good morning po mommy, Sabi po ng daddy pagod raw po kayo kaya po pinapunta po ako rito " wika ni Yohanna sa akin natawa naman ako sa kanya kaya pinisil ko ang kanyang mamula mulang pisngi "Thank you anak, di naman masyado pagod ang mommy, konti lang kaya pwede parin akong makipaglaro sayo anak ko," Wika ko rito, napansin ko namang nakatingin sya sa tyan ko, at maya maya ay itinaas nito ang damit ko saka hinipo ito at saka bumulong at pumikit. "Papa Jesus, sana po magkalaman na po ng baby ang Tummy ni mommy para meron na po akong kapatid, promise po aalagaan ko rin po sya at lalaruin, A

