Chapter 23 "Ulan"

3010 Words
Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating naman kami. Andon na kami sa barangay na aming pupuntahan, pero kailangan parin naming maglakad dahil nasa dulo pa at matarik na ang daan dahil bundok na ito, mabuti na lamang at nakasandals na pambundok naman ako kaya keri lang. Ang ibang mabibigat na gamit ay Nakasakay sa Pagadgaran , ang iba rik naman ay Sumakay sa Habal pataas. Dahil limitado lamang ay naglakad na muna kami, Si Major na ang Bumitbit ng mga gamit ko, pero may dala rin ako.Malayo rin nga pala ang lakarin mula sa parking, kung malapad siguro ang daan baka pwede ipasok pero dahil makipot lamang sabayan pa ng di pa ganong tuyong daan kaya mahirap isugal na ipasok dahil delikado lalo nat matarik ang daanan. Huminto muna kami,At nagpahinga ng ilang Minuto, Ipinagbukas ako ni Major ng tubig upang inumin. "Inom ka ng tubig bata..Ano kaya pa? "Yes major kaya pa." Saad ko rito. After ng mga 10 to 15 mins pang lakaran ay narating namin ang lugar, pero grabe solid yung pagod dahil makikita mo silang nakangiti at sabik na makakita ng mga taong bagong dating. At ang lugar grabe sarap sa mata. Pagkarating namin ay naupo muna kami at nagpahinga katabi ko sila Cat at monika, sila sheng, Eula at iba pa naming kasama, nagulat ako ng lumapit sa akin Si major at ibalabal sa akin ang suot nyang jacket medyo umaambon kasi ng time na iyon. Napatingin naman si Cat at monica at tila nag bulungan na nakangisi ang mga ito. "Hi major, San po kayo pupunta? Pasimpleng tanong ni Cat. "Babalikan lang namin yung mga ibang gamit na naiwan natin.dito na lang muna kayo, Gagawin narin nila Ramirez ang mga tent na pagpapahingahan at tutulugan nyo. "Okay po Major, Gusto ko po sanang katabi yung mga kabaro nyo..Ayiee" wika ni Cat "Ang harot mo talaga Cat," wika ni Sheng na ka klase namin. "Bakit hindi, ampopogi kaya, Kunwari kapa tingin ka rin naman ng tingin kay Officer Ramirez." Wika nito. "Gago, masama ba tumingin, tingin lang naman" wika ni sheng. "Sa bagay Di naman basta basta nakakawarak ang tingin diba Evren, hehe" wika ni Cat. Sira ulo talaga to lagi nalang akong mention. Nagkatinginan tuloy kami ni major ako na ang ng iwas ng tingin dahil tila namumula ako. "Sige na dito na muna kayo saglit lang kami." Paalam ni Major sabay tingin sa akin. Nang makaalis naman si Major ay na corner naman ako ng mga kaibigan ko. "Woi, Friend ano yung tinginan nyo ni major huh?..Kakaiba yung tinginan nyo para kayong nag uusap sa mata. Wika ni Cat. "Oo nga Vren, Sya nga pala, nakita namin kayo nung nakaraan sinakay ka nya sa Pick up nya." Wika nama ni Eula. "Ah..Wala lang yon nag offer lang sya na ihatid ako kasi mag ko commute dapat ako that time. Wika ko pa. "Eh bakit namumula ang Frenny namin wika ni Monika sabay yakap sa akin. "Huh,,hindi naman .." pagtanggi ko pa. "Ayie...From ENEMY TO LOVERS ata yarn..." Biro pa ni Cat. "Mga Sira, Ay nako dyan na nga kayo tutulong nalang ako mag ayos nf gamit natin" Wika ko saka tumayo. "Sama ako Vren," wika naman ni Sheng. "Woah..kunwari pa Sheng Gusto mo lang sumilay kay Officer Ramirez..Hahaha" pang iinis naman ni Cat. 'Siraulo, ka talaga CARLITO! bawi ni Sheng kaya Nagtawanan kaming lahat. Carlito kasi ang totoong pangalan ni CAT etchosera lang ang Accla at gusto na CATRIONA ang itawag sa kanya. Habang nag aayos ng tent sila sila Officer Ramirez ay Inaayos din namin ang ibang mga gamit. Hangang sa Maayos na ang ibang Tent at ipasok na nag ibang mg personal na gamit namin. Maya maya rin ay Dumating na Sila Major, Ang dami nyang Dala, Pawis na pawis ang suot nyang Tshirt at ang maganda nyang katawan ay humahakab dahil sa basang Basa nyang damit, nang maibaba nya ang dala ay Ininom nya ang Tubig na nasa Bottled water at ang natira ay Ibinuhos sa Ulo. Shit.. Bakit naman ang Hot ni Tandang Major... Iniwas ko lamang ang tingin sa kanya ng May Tumikhin sa Likod ko. "Hi mam Ganda, Ayos na po ang lahat ng Tent, Maari na po muna magpahinga ang mga may gustong magpahinga. "Ah..Ganon po ba? Salamat Officer Del Rio. Pumunta ako sa Unang Tent, ngunit puno na ito kasama din kasi sa loob ang ibang gamit, Sumunod naman ay Sa kabilang Tent, ngunit ganon din, Ang sumunod ay Tent na ng Mga Volunteer na mga Boys At ng mga Kasama naming mga kabaro ni Major. "Luhhh..Pano na naman ako nito, Makikisiksik na lamang ako kona Sheng at Monika. "Kaso masikip na rin. Okay na ang lahat ngunit ako ay Hindi pa. "Hala pano ka Friend Wala kang Hihigaan" wika ni Cat na nang aasar pa. "Buti pa yung GANDA KO safe na safe sa Mga KABARO ni major. Hehee"wika pa nito. "Woah Bruha ka talaga Carlito, Baka Gapangin mo pa sila Officer ah. " Wika naman ni sheng, Lakas talaga mag asaran ng dalawang to. Nagtatawanan at nag aasaran kami ng Dumating si Major. "Oh, Anong problema? "Major, Si Mam Ganda walang mapwestuhan puno na kasi sa mga Tent, tulad ng sa sasakyan kanina kung Sisiksik sya Hindi sya magiging Comfortable wika ni Del Rio. Tahimik lamang kaming lahat... NO PROBLEM SHE CAN USE MY TENT. Saad ni Major, Ang mga Walang hiya naman ay Nagsimula ng mag ingay "Woah..Lakas talaga Sana ol... "Woah...Haba ng Hair Sana Lahat. "Woah..Sana OL PINAPAGAMIT, mga salitang naririnig ko sa mga walanghiya kong kaibigan. Ang mga Kabaro naman ni Major ay Bigla nalang nag sipag ngisi at para bang bigla silang INUBO kahit wala naman silang UBO. Mga lokong to talaga. Trip ata ako pagtripan. Habang nag aayos ay nilapitan ako ni Major. "Akin na ang mga Gamit mo, Ayos na ang tent, Ilalagay ko na sa loob. Wika nito sa akin. "Ahm..Major, Pano ka pala, kakahiya naman sayo Nagdala ka ng Tent mo pero ikaw tong wala. "Ano kaba, Ok lang yon, Anong palagay mo sakin Hahayaan kitang walang matulugan. "Pero Dont Worry if Ever Malaki naman yung TENT ko, Kasya tayong Dalawa sa Loob. Malay mo naman kailanganin mo ako mamayang gabi..." Wika nito sabay kindat sa akin. Bigla naman akong pinamulahan ng muka, Buti na lamang at nakatalikod na sya. Dahil ayos na ang aming mga tutulugan mamay ay nagkayayaan kmi maligo sa falls, meron palang Falls na malapit, Kayat nagkayayan na maligo, Aba ang mga Bruha handang handan may Mga Dalang Swimsuit. Pumunta kami sa sinabi nilang Falls, Malinaw at malamig ang Tubig, tila masarap mag tampisaw. Kasama namin Si Major at ang ibang kabaro nito, samantalang ang iba naman ay Naiwan para magbantay. Nagulat ako ng Nagsilundagan sa Tubig ang mga kasama ko naka Swimsuit pa ang mga Bruha, naligo din ang ibang kabaro ni Major at panay ang tingin sa mga ibag volunteers na nag swi swimming. Si monika naman ay kinukulit ako na magpalit, may Extra 2 pc daw sya na di pa nagagamit. "Sige na..magsuot kana neto dali na. "Ayoko nahihiya ako" wika ko. "Wow..Ano Virgin te..Rumampa ka nga sa Campus diba saka ganda ganda ng katawan mo eh, Wala kang dapat ikahiya." Saad pa nito sa akin. "Hoooy ..Kayong Dalwang Pa Virgin dyan ano na, Tatayo lang ba kayo dyan?" Wika ng Echosera talagang si Cat. "Oo na oo na, dami mo ng sinabi" saad ko rito. "NAGBIHIS ako saka ko muling pinatungan ng Tshirt. Napansin ko pang Tumingin sa Akin Si Major, at Nakataas ang isang kilay, Nakadamit pa ako nyan huh. Nang mag hubad na ng Damit sila monika ay Naghubad na rin ako, Kaya Lahat kami ay Mga Naka Swimsuit. Maroon na Swimsuit ang suot ko. Nakita ko pa ang pag tingin sa akin ni Major lalo na sa bandang Dibdib ko, pati sa tagiliran ko at sa hita ko. Saka nito binaling ang tingin sa mga Kabaro nyang ang ibay nakatingin rin sa amin ni Monika. Halos Humaba ang leeg ng mga ito dahil sa manaka nakang pagsilay sa mga naka suot ng swimsuit Eksaktong pag baba namin sa Tubig ay Sya namang Pagsigaw ni MAJOR. OFFICERS! AHON LAHAT! WALANG MAIIWAN.! sigaw ni Major. "LUHHH..bakit major? Kakaligo lang namin ah..wika naman ni Officer Ramirez "Sinabi kong Ahon Lahat ng Officers" "Nu ba yan ang KJ naman ni Major" minsan na nga lang kami makakita ng magaganda at sexy paaahunin pa agad. Wika ng mga ito na pangiti ngiti. Walang nagawa ang mga Officers kundi sumunod kay major. "Yung Mga Mata Nyo, Kung san san nakatingin! Wika pa nito. "Weh...Hehehe Bakit Ka pinagpapawisan major? Mukang init na init ka ah, mukang ikaw nga ang dapat maligo hehe" wika ni Del rio. "Del Rio, baka gusto mong Dito ka nalang sa gubat na to mag duty." Wika pa nito kaya nagtawanan lahat. Wala namang nagawa ang mga kabaro nya kundi umahon sa tubig at tamang tanaw lang sa malayo. Nang mapagod na kami kalalangoy ay umahon na rin kami. Dahil wala akong dalang tuwalya ay isinuot ko na lamang ulit ang damit ko kanina, Ngunit nagulat ako ng Isang Tuwalya ang bumalot sa katawan ko Kinuhanan pala ako ni major ng Towel,..Towel nya. "Maginaw, Baka Sipunin ka" wika pa nito. "Ehemm..ehemm" wika naman ng mga Walangyang mga ka klase ko at mga kabaro ni Major. Nagbanlaw kami sa ginawang liguan ng mga kabaro, inigiban din nila kami ng Tubig dahik walang Gripo rito ay balon ang kanilang pinagkukuhaan, mabuti na lamang din at medyo malapit kahit papano. Mabilis lamang akong Nagbanlaw dahil nag titipid din sa tubig, Syempre mahirap din umigib ano. after magbanlaw ay nagbihis na rin ako. Nagsuot lamang ako ng puting Tshirt at ng Square pants. Mamaya pa kasing hapon ang simula ng program syempre As usual sa mga bata mabenta ang Stories, Kaya inilabas ko ang books na mga gagamitin ko para sa Kwentong babasahin ko sa kanila. Ganon din ang mga Materials na gagamiti para sa artwork, Nasa ganon akong tagpo ng pumasok si Major sa Tent. "Sorry, Andyan ka pala," Its okay Major inaayos ko lang naman itong mga gagamitin mamaya. "Ah ganon ba, excited ka ba bata? "Oo naman Major, excited na kong turuan sila." Wika ko na nakangiti. "Mahig ka sa bata Ano? " Tanong ni Major. "Hmm..Oo major, alam mo na wala naman kasi akong kapatid, di ko naranasan magkaron nang kalaro, di ko naranasan mag alaga ng mas bata, Kaya Alam mo yung mga kaibigan kong bata sa May Tulay kapag may Time dinadalaw ko kasi, natutuwa kasi ako sa kanila. Wika ko rito. "Hmmm Halata nga na magiliw ka sa bata, Im sure magiging mabuting Ina ka rin balang araw" Wika nito saka bahagyang ginulo ang buhok ko. Magsisimula na ang Program nagdatingan na ang mga bata at pinaupo na namin sila ng maayos nagtayo din kasi kami mg Tent na bubong sa pagdarausan para incase. Na umbon ay di sila mababasa. Nagpakilala muna ako pati ang mga kasama ko Saka ko sinimulan ang pag kwe kwento, Mas lalo akong ginanahan dahil alam kong nakikinig Sila. Nakakasagot din sila kapag tinatanong ko sila. Natapos ko na ang Dalawang Kwento ngunit gusto parin nila. "Ate Evren Isang kwento pa po.." Sabay sabay na wika nila. "Gusto nyo pa? Kahit naka dalawang kwento na tayo? Wika ko sa kanila. "Opo kwento pa po ate evren." "Okay, sige pag bibigyan kayo ni ate, pero last na to ah, Kasi may artwork pa tayo mamaya" wika ko at nagpalakpakan naman sila, Bago ako magsimula ay biglang tumayo ang isang maliit na bata saka kumandong sa akin, na tila ba parang panatag na panatag sya kaya nagtawanan kami pati si Major ay nakikitawa rin. "Hala Evren, Lakas maka close sayo, Baka akala nya nanay ka nya, yari ka di kana nyan lulubayan haha" wika ni Cat kaya naghagalpakan sila. Nagsimula ako at nakita ko pa ang pag titig ni major, nag focus na lamang ako sa pagbabasa dahil tila ma di distruct ako sa mga titig nya. Nang matapos na ang kwento ay nag gawa narin sila ng artwork, Tuwang tuwa ang mga bata sa ipinagawa sa kanila. Matapos ang gawain para sa mga bata ay Pinaupo muli namin sila at pinakain. Sunod namang hinahanda ng ibang volunter ang Libreng palabas. Dahil nga liblib na lugar ito ay simpke lang ang pamumuhay rito wala ring may TV rito pero may ilan naman na may Radyo. Ang iba naman sa Volunteer ay kaupo sa lapag na may saping mga sako at Busy naman sa pag rerepak ng mga ibibigay na Grocery para sa mga taga rito bukas. May darating din ng Mga Doctor bukas para checkupin ang mga gustong magpa checkup. 5:30pm ay nagsimula na dumating ang manonood, Syempre Comedy ang aming piniling ipapanood sa kanila, Napakasaya ng Mga Pamilya na naririto at sabay na nonood, habang nanonood sila ay Binigyan din namin sila ng makakain kaya tila nanonood sila ng Sine. Nakakagaan ng puso ang makitang may napapasaya kang mga tao, Umalis ako saglit sa pwesto ko at lumipat medyo malayo sa kanila,at nagbukas ng lollipop dahil Medyo lumalamig na rin kasi aypumasok muna ako sa tent para kumuha ng Jacket, ngunit pag pasok ko nagulat pa ako nang mapagtantong naroon si major at nagbibihis. "Ay..Pandesal ka..." Wika ko sa pagkabigla. "Asan..Bata..Nasan ang Pandesal? Pang aasar pa ni Major sa akin "Sorry naman major, di ko alam andito ka. Kukunin ko lang yung Jacket ko lumalamig na kasi. "Oo mag jacket ka, Pero kung kulang pa Pwede akong maging Human jacket mo, wika ni major sabay kindat" "Tse..Tumigil ka na nga jan major, Pano kung ayaw ko Bata, Wika nito sabay agaw sa lollipop ko. "Woi..daya akin na yan kanina mo pako inaagawan sa Fries at burger. "Ayaw..Share tayo" "Luhhh.may laway ko na yan ano ba. "I dont care, Nagpalitan nga tayo ng laway nung maghalikan tayo eh" wika pa nito. Lumapit ako sa kanya para agawin ito dahilan para mapakandong ako at Si Gago naman hinapit pa akong lalo kaya habang naka upo sya ay nakakandong ako sa kanya. Hangang sa dahan dahang lumapit ang labi nya sa labi ko, Hinalikan nya ako, Ako naman ay Tila sabik din na maramdaman ang pag Lapat ng kanyang labi hangang sa maramdaman ko na nga ito. Naghalikan kami ng marahan, hangang sa ang marahan ay naging Mapaghanap, naging mapusok, Tila naman ako mauupos sa halik na ginagawa nya sa akin, Di ko maiwasang mapaungol ng mahina buti nalang at Malakas ang volume ng TV kaya di maririnig. Mabilis na naipasok nya ang kamay nya sa tshirt ko buti na lamang at napigilan ko sya 6:30 pm palang kasi ng Gabi at marami pang tao sa paligid. "Lalabas na muna ako major, "Sige Bata, Baka di ko mapigilan ang sarili ko, baka kahit may tao pa baka may magawa ako sayo" wika sa akin ni Major,. Pagksabi noon ay lumabas na ako. "Buti nalang pala at lumabas na ako, Balak pala akong puntahan ni monika, kung hndi ako umalis baka nahuli nya kami ni major na nag ki kiss.. "Anjan ka lang pala kanina kapa namin hinahanap wika ni monika. "Kinuha ko lamang itong jacket ko" saad ko naman kay Monica Pagkarating ko roon ay nakita ko na andon agad si Major, ang bilis ah, nauna pa sakin. "Kayo naman muna ang kumain ni Major, Nakakain na ang iba, mamaya nalang sa huli sila Cat saka yung iba na di pa kumakain." Wika ni Monica. Ikinuha ako ni Major ng Pinggan, Ganon din ng Mangkok, Saka nya ito sinandukan ng Ulam at kanin. Pagbukas palang ng malaking Kaldero ay tila nagutom na agad ako Tinola kasi ang Ulam. "Wow...Ang bango mukang masarap, salamat major wika ko. "Masarap talaga yan, Kumain kana BATa" saad nya sa akin. "Salamat po Major TANDA!" saad ko rito Tiningnan naman ako nito ng masama. "Oh..Bat nagagalit ka, Pag tinatawag mo nga akong Bata di naman ako nagagalit ah." Saad ko rito. "Eh pano Bata ka naman talaga eh." "Hmmm...Yan ka naman eh Bata ako sa paningin mo, "So nagtatampo ka na nyan" wika nito na nagingiti. Ngunit hindi ako umimik, nagpatuloy lamang ako sa pagkain, hangang sa matapos ako kumain ay hindi na ako kumibo. After ko kumain ay pumunta na lamang ako kina Monica at Sheng. Isang oras at kalahati lamang naman ang palabas kaya bandang 8 ay tapos na rin ito, pagka alis nila ay nilikom na rin muna namin nag mga upuan na ginamit saka naman kami ang umupo nag kwentuhan muna kami sandali at chineck king ready na ang lahat bukas, at nang matiyak ito ay Pumasok na rin kami sa mga tent namin para magpahinga. Nagtungo na rin ako sa Tent at nahiga, Malaki rin naman itog Tent ni Major feeling ko kasya ang 3 babae rito. Maya maya lamang ay naramdaman kong pang umaambon hangang sa naging ulan, sa bagay Waterpfroof naman ito. Hangang sa Sumilip ako sa labas, Nasa Tent na ang lahat maliban kay major na nakaupo lamang at tila may iniisip. Naiinis ako sa kanya kanina, pero kanina yon, Nakakaawa naman kung naulan at maginaw tapos dito lang sya sa open tent, Saka mangangalay sya sa upo kaya nilapitan ko sya. "Major, Naulan, She...Share nalang tayo sa tent mo." Wika ko rito pero di ako nakatingin. "Hindi na wag na, Nagtatampo ka sakin kanina eh, Baka napipilitan ka lang" saad pa ni major with matching lungkot face. Kakaasar talaga to sarap kutusan ako na nga unang nag reach out eh. "Hindi na, Pinuntahan na nga kita diba" ako na nga ang nag aaya sayo diba" saad ko na medyo naaasar na naman, may pagka pabebe rin pala tong si Major Tanda. "Sure ka ha di ka napipilitan" wika nito sabay ngiti. "Hindi nga ay naku" wika ko. Nagulat ako ng Bigla itong Tumayo saka ako nito biglang pinasan. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Hangang sa makarating kaming dalawa sa Loob ng Kanyang Tent, Hangang sa tuluyang Bumuhos ang malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD