CHAPTER TWO

510 Words
ZARINA POINT OF VIEW Mas maiksing palda ang naisip kong isuot sa pagpasok sa office. Para mas mapansin ako ni Ivan, secretary niya ko at sisiguraduhin ko na hindi niya maaalis ang tingin niya sa akin. Pagpasok ko pa lang sa kumpanya ay ginamit ko na ang mapang-akit na ngiti ko at sinimulan ng lumakad nang sobrang sexy. Napahinto ako sa tapat ng salamin nang maaninag ang sariling reflection. Best Lily, hindi talaga ako itong nakikita ko sa salamin pero para sa'yo ito. Para sa mga paghihirap at hustisya ng pagkamatay mo. Kahit na hindi ako komportable sa damit na suot ko at sa maraming lalaking tingin nang tingin sa akin ay nagpatuloy pa rin ako sa paglakad. Para sa paghihiganti ay pagtitiisan ko ito. Hinga lang nang malalim, Zarina. Kaya mo 'yan. Inhale... Exhale... Go fighting! Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang president's office. Ramdam ko ang nginig ng kamay ko habang binubuksan ang pinto. Dub.Dub.Dub Nakayuko akong lumakad papasok dahil sa sobrang kaba at napapikit dahil sa sobrang inis, bakit hindi ko ma-control ang sarili ko? Dapat ay aakitin ko siya pero nahihiya ako at sobrang kaba ngayon ng puso ko. Aatras na ba ko? "So you are my new sec..." napahintong sabi niya nang iikot niya ang kanyang bangko papaharap sa akin. "Ikaw ba 'yung bagong secretary ko?" May nginig sa boses niya na nagpaisip sa akin. "Yes, sir," kinakabahan na sagot ko. Nang tumingin ako sa kanya nang diretso ay bigla na lang kaming nagkatitigan. Ang gwapo niya pala talaga. 'Di na ko ngayon magtataka kung bakit gano'n na lang ang pagkagusto sa kanya ni Lily. Sa sobrang intense ng pagkakatitigan namin ay mas lalo tuloy tumibok nang mabilis ang puso ko. 'Yung pakiramdam na parang gusto ng lumabas ng puso ko at lumundag papunta sa kanya. 'Wag mo siyang titigan. Alisin mo na. Zarina! Katawan sumunod ka naman sa akin. Ialis mo na ang tingin mo sa kanya! Ngayon na! "So, you are Ms. Zarina Cruz?" Tumayo siya at umikot nang dahan-dahan sa akin. "Tss, nananadya ba sila?" bulong niya tsaka kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Ano bang mayroon? Panalo na ba ko? Naakit ko na ba siya? Pinanuod ko lang siya na naging busy na sa pakikipag-usap sa tinawagan niya. May kung ano siyang nirereklamo pero hindi ko marinig dahil pabulong kung magsalita siya. Ang tikas niyang tumayo, tama lang ang kulay at maayos manamit. Bihira lang akong makakita ng katulad niya. Para siyang isang model sa isang fashion magasin. Hindi pa ko dati naniniwala kay Lily kapag nagkukwento siya tungkol kay Ivan. Lagi niyang sinasabi na gwapo ito at maganda ang pangangatawan kaya mahigpit siya dito lalo na't maraming babae ang umaaligid. "Bakit nandito ka pa?" baling niyang tanong na ikinaatras ko nang bahagya. "Kasi..." Napaisip ako. "Pwede ka ng umalis at bumalik sa trabaho," utos niya na sinunod ko agad. Muntik pa kong madapa dahil sa sobrang pagkataranta. Mabuti na lang at napahawak ako sa pinto. Kunwari akong nagpa-charming bago ngumiti at yumuko ulit sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD