CHAPTER 2: THE NOVITIATE

1793 Words
MALAKAS na kalembang ng kampana ang nagpagising kay Maiah. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, sinalubong ng dilim na bahagyang napapawi ng mapusyaw na liwanag na tumatagos mula sa maliliit na siwang ng bintana sa tabi ng kanyang higaan. Sandali siyang nanatiling nakahiga at nakinig sa ingay ng kampana. Napaungol siya. Kung maaari ay ayaw pa niya munang mag-umaga at bumangon para samahan si Monther Lucia sa pagdarasal. Ramdam niya ang kirot sa kaniyang sentido. Tahimik ang buong silid. Wala na si Mother Lucia sa higaan nito. Paniguradong nasa altar na ito at nagdarasal. Ganoon lagi ang umaga niya. Nauunang magising ang matandang madre at nag-aalay ng bulaklak at dasal sa simbahan. At siya, nagigising lang dahil sa malakas na tunog ng kampana. Napasabunot siya sa mahabang buhok at pilit hinila ang katawan para bumangon. Mabigat ang katawan niya at tila minamartilyo ang ulo niya. Paano'y nagbasa siya ng pocketbook kagabi. Halos abutan nga siya ng madaling-araw sa pagbabasa dahil talagang tinapos niya ang makapal na libro ni RCM. Patakas niyang in-order iyon sa Shopee sa tulong ng kaibigan niyang si Rani. Iniabot nito iyon kahapon, matapos ang misa. Palihim nga ang pag-abot sa kaniya nito dahil malilintikan silang pareho kapag nahuli ng nanay ni Rina, na isang debotong Katoliko. Nahirapan pa siyang isuksok iyon sa ilalim ng mahaba niyang saya para lang madala sa kanilang kuwarto. At laking pasalamat niya nang maaga-agang natulog si Mother Lucia kagabi. Inaatake kasi ito ng rayuma kaya naman maaga itong natulog matapos magbasa ng ilang pahina ng bibliya. Sa una ay sinaluhan pa naman ito ni Maiah sa pagbabasa, dahil ayaw niyang masita at mapagalitan, kahit kating-kati na siyang buklatin ang biniling libro. Kung si Mother Lucia ay mga Biblia ang binabasa, siya naman ay mga librong may kaugnayan sa romansa at mga makamundong bagay. Tamad siyang tumayo. Lumapat ang kanyang mga paa sa malamig na sahig na marmol. Isinampay niya sa balikat ang kanyang shawl at lumabas sa pasilyo. Kumukutitap ang ilaw ng mga kandila sa dingding, lumilikha ng mahahabang anino na tila gumagalaw sa bawat hakbang niya. Muling tumunog ang kampana. Habang papapalapit siya sa simbahan ay lalong lumalakas. Napanguso siya at tinakpan ang magkabilang tainga gamit ang mga palad. Lalong sumasakit ang ulo niya sa ingay. Mula sa entrada ng simbahan ay nakita niya si Mother Lucia sa harap ng Altar, taimtim itong nananalangin. Tahimik siyang lumapit dito at marahang lumuhod sa tabi para mag-alay rin ng dasal. Nag-sign of the cross siya at akmang pipikit na nang biglang sumigaw ang matandang madre. “ Ay Demonyo!! ” Kapwa sila napatalon sa gulat. Siya, dahil sa pagkagulat sa lakas ng sigaw ng madre. Si Mother Lucia naman ay sa sobrang gulat at takot sa ayos ng katabi. “ Dios na mahabagin! Susmaryosep kang bata ka at papatayin mo ako sa nerbiyos, ” hingal na saad ng matanda habang sapo ang dibdib. “ Bigla ka na lang sumusulpot sa tabi ko na ganiyan ang hitsura mo? ” reklamo nito. “ E, nakapikit ho kayo, paano ninyo ako makikita? ” pagtatanggol niya sa sarili. “ Saka ho nagising lang po ako sa kalembang ng kampana. Minadali ko nang bumaba at di na nakapag-ayos. ” Kahit sino siguro ay matatakot sa hitsura niya sa oras na iyon. Sabog na nga ang di nasuklay na buhok, nakatakip pa sa mukha niya, di man lang hinawi at isinukbit sa likod ng tainga para makita ang kaniyang mukha. At suot pa niya ang mahabang puting pantulog at walang sapin sa paa. Nagmukha tuloy siyang white lady sa harap ng Altar. Nasapo na lamang ni Mother Lucia ang noo. Hindi naman siya nagkulang ng pangaral kay Maiah mula maliit ito. Pero sadyang may pagkasutil ang dalaga. “ Ano na naman ba ang ginawa mo kagabi at halatang kulang ka sa tulog? “ Bagkus naninita hindi nanan maitago ang concern sa tinig ng matanda. “ Siyempre Bibliya ho. “ Siniguro niyang hindi tunog defensive ang sagot niya. Tinitigan siya ng matiim ni Mother Lucia, wari ay pinapakiramdaman nito kung nagsasabi siya ng totoo. “ Nagsasabi po ako ng totoo, Mother. Nasa loob po ako ng simbahan, nahiya naman ho akong magsinungaling. Tinuruan kaya ninyo ako mula ng maliit ako sa tamang asal, lalo kapag nasa loob ng simbahan at sa harap mg Altar.“ Hinawakan pa niya ang kamay ng matandang madre para mapunas ang pagdududa nito kaniya. “ Saka ho, malapit na akong manumpa bilang madre tulad ninyo. Anim na buwan na lang ho. Sisirain ko ba ang aking nasimulan. At higit sa lahat nangako po ako sa inyong magiging mabuti akong alagad ng Dios. “ Lalong lumalim ang gatla sa noo ng Madre. Iyon nga ang malaking bumabagabag sa loob nito. Malapit na itong maging ganap na Madre pero batid nitong hindi pa handa si Maiah. Hindi lingid sa kaalaman nito kung anong pinaggagawa ng dalaga kapag hindi siya nakaharap. At kahit saang anggulo nito tingnan ang dalaga, hindi nito makitaan ng katapatan sa susumpaang tungkulin si Maiah. Bagay na ikinababahala ng Madre. “ Malapit na pero hindi ka pa buo, Maiah. “ Napipilan ang dalaga sa tinuran ng Madre. Napakagat-labi siya at napayuko. Hindi naman talaga niya maikakaila na hindi pa siya handa. Ang totoo ay naguguluhan siya at nagdalawang-isip. “ Hindi ako magagalit kung hindi ka pa handa, Maiah. Inaalala ko lamang ay ikaw. Ayaw kong gumawa ka ng desisyon na hindi mo kayang panindigan at iyong pagsisihan sa huli, anak. Mas nanaisin kong sundin mo kung ano ang gusto ng puso at dikta ng isip mo. “ “ Akala mo ba ay hindi ko alam ang pagbabasa mo ng mga adult komiks at mga Adult books? At tingin mo ba ay bingi ako at hindi ko alam kung ano ang mga pinapanood mo sa selpon? “ Nagulat ang dalaga sa nilahad ng Madre. Pero dahil sa may kalakasan ang pagkakasabi nito ay naalarma siyang may ibang makakatinig noon. Hindi tuloy niya alam kung paano niya tatakpan ang bibig ni Mother Lucia. “ Oh ngayon mahihiya ka? “ Umiling ito. “ Sorry ho. Tao lang. Na-curios lang po. “ Sumilay ang magkabilang dimples ng dalaga sa pisngi nang alanganing ngumiti. When Maiah smiles, it isn’t just a simple smile—it feels like a quiet expression of emotion, a gentle tenderness that slowly reveals itself rather than being shown outright. Her smile begins subtly, almost shy at first. The corners of her lips lift with a kind of natural grace, as though she’s holding back a secret she’s not quite ready to share. There’s a delicacy to it—never loud, never exaggerated—just enough to draw you in and make you wonder what she’s thinking. Her eyes are where the real story lives. When she smiles, they soften and brighten, like sunlight catching on still water. There’s warmth there, but also a trace of distance, as if she belongs partly to a world of her own. It’s the kind of gaze who has known longing, who carries quiet strength beneath her gentleness. Tinitigan ito nang mabuti ng Madre. Pagkuwa'y bumuntong-hininga. May pakiramdam siyang hindi nababagay si Maiah sa kumbento. Oo at mabuti itong alagad at mabuting bata. Pero hindi sapat iyon para gayahin siya nito ng landas na tinahak. Ramdam niyang mas nababagay ang dalaga sa buhay sa labas ng kumbento. Hindi sa minamaliit niya ang tibay ng pananalig ni Maiah sa Dios, pero ramdam niyang hindi pa buo ang loob nito sa pagma-madre. She is definitely not ready to take her final vow. Siguro nga'y naimpluwensyahan lamang ng kinagisnan at kinalakhan niyang kapaligiran ang desisyon ni Maiah na maging katulad ng nagpalaki sa kaniya. “There’s still time for you to change your mind, Maiah. There’s so much more for you to discover outside the convent, my child. I know your decision to become a nun isn’t whole. You can’t hide the things troubling your heart from me just by smiling, hija.” Napaiwas ng tingin ang dalaga. Nakaramdam siya ng hiya at guilt sa matandang madre. Bigla siyang nanliit dahil sa isiping mabibigo niya ang matanda. “ M-mother... Pasensya na po, ” hingi niya ng tawad. Pakiramdam niya ay naging suwail siyang anak sa harap nito. Ngumiti ang matanda at marahan siyang tinapik sa balikat. “ Pinalaki kita hindi para maging sunod-sunuran sa yapak ko o ng ibang tao, Maiah. “I raised you to live your own life and make choices that come freely from your heart.” “ Napakabuti po ninyo sa akin, Mother. Ayaw ko po kayong biguin. ” Maiah's heart aches with guilt. Ayaw niyang ma-disappoit ang matanda sa kniya. Nanumpa siya sa kumbentong ito na magiging mabuting alagad ng Panginoon at magsisilbi siya Rito hambuhay. “ Hindi lang sa pagmamadre maipapakitang isa kang mabuting alagad ng Dios, hija. Isa kang mabuting anak, at nakikita iyan ng Maykapal. Alam kong mauunawaan ka niya. You can still serve the Lord, whether you become a novitiate or not.” Napangiti siya sa tinuran ng matanda. Animo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. “ Nagtatalo po ang aking kalooban, Mother. May mga bagay na gusto kong makita at malaman tungkol sa pagkatao ko. Pakiramdam ko hindi ako buo. May mga katungan sa puso't isip ko na gusto kong mabigayan ng kasagutan. ” Pinilit niyang patatagin ang tinig kahit may bigat sa dibdib siyang nararamdaman. She feels incomplete, as if something is missing from who she is—something that affects her decision to become a nun. “You still have six months to clear your mind, Maiah. You still have time to find yourself—to make yourself whole and to seek answers to the questions and worries that trouble you.” Ngumiti ang matanda at tiningnan na puno encouragement si Maiah. “ Maraming salamat ho. Lagi po ninyo akong inuunawa, Mother. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. ” Naluluha niyang sambit at yumakap sa butihing madre. “All I’ve ever wanted is for you to be true to yourself, Maiah.” Tuluyang naluha si Maiah. Kung mayroon man siyang gustong hilingin sa Dios, iyon ay ang kalusugan ni Mother Lucia. Gusto niyang manatili itong malusog at humaba pa ang buhay, nang sa ganoon ay makikita pa nito ang pagtahak niya sa pipiliin niyang buhay. “ From the very first moment I saw you, I knew—you didn’t belong here. Your place is somewhere else… somewhere brighter, somewhere meant for you, my child.” Tila nawala ang iniindang karamdaman ng matandang madre sa mga sandaling iyon. Masaya ito para sa batang kaniyang itinuring na anak. Hangad ng butihing Madre ang matagpuan ng dalaga ang tamang landas, hindi man ang pagsisilbi sa Dios kaniyang piliin. Batid nitong may magandang kinabukasang naghihintay para kay Maiah. At ipagdarasal nito iyon sa bawat araw na lilipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD