Simula
“Sige na, Betty! Samahan mo na ako!” Yesha’s hands clung tightly onto mine, her pouty lips forming a perfect plea.
Napairap ako sa hangin, sabay iling ng ulo. Ang kulit talaga ng babaeng ito. I sighed, then looked at her again while she continued to act cute in front of me.
“Yesha, kailangan ko nang umuwi. Lagot ako kay papa kung makita niyang wala ako sa bahay pag-uwi niya,” I reasoned out.
She pouted even more, this time hugging my arm tightly and resting her head on my shoulder. Tuluyan kaming tumigil sa paglalakad.
“Papaalam na lang kita kay Tito. Papayagan ka naman no’n basta ipapaalam kita at iuuwi bago ang curfew mo,” she said in her sweetest tone while gently stroking my arm.
Mahina akong natawa saka nakagat ang labi. She tilted her head to meet my gaze, her soft eyes pleading.
“May assignment tayo…” I tried another excuse, hoping she'd let me go.
She wanted me to accompany her to watch Levi’s game—her boyfriend. Kahit itanggi pa niya ngayon, alam kong sila na ng lalaki.
“Boyfriend mo na ‘yon, ‘no?” I asked, raising an eyebrow.
“Yes, he is,” she admitted without hesitation. “Kakasagot ko lang sa kaniya last week.”
Ngumisi ako. “Kaya pala…”
“Mahigit limang buwan din siyang nanligaw sa akin! This is the first time I’ll see him on stage. I already bought two tickets last week para makapanood tayo—sobrang hirap maka-secure ng tickets lalo na sa first row.”
Levi is one of the most popular pro players today. Nagkakilala sila dahil sa pagiging close ng pamilya. Simula noong una niyang makita si Levi, hindi na siya tumigil kakakwento tungkol dito. At kahit 17 years old pa lang kami, ramdam ko ang pagmamahal niya sa binata—at halata namang mahal din siya ni Levi.
“Kalaban nila Horizon,” dagdag pa niya.
Napairap ako sa kaniya pero hindi ko mapigilang matukso sa alok niya. Mapapanood ko si Kairi nang live—isang bagay na matagal ko nang gustong gawin.
She smiled sweetly at me, sensing my hesitation. “Sama ka na? Sayang naman iyong ticket… saka ayaw mo bang mapanood si Kairi? Alam kong nami-miss mo siya…”
Huminga ako nang malalim saka tumingin sa relo ko. Alas-tres na ng hapon; mainit pero may oras pa kami.
“Ano pa ba nga…” I finally gave in.
“Yay!” she squealed in delight and hugged me tightly before planting a quick kiss on my cheek.
“Yesha!” I exclaimed, glaring at her.
She giggled and grabbed her phone from her pocket. "Let’s book a Grab para hindi tayo ma-late. Pero text ko muna si Tito,” she said, already busy tapping on her screen.
I shook my head. “Ako na lang magsasabi.”
“Magsasabi pa rin ako,” she replied stubbornly, not missing a beat.
I sighed in surrender and pulled out my phone from my uniform pocket. Quickly, I typed a message to my dad:
Pudra:
"Pa, samahan ko po muna si Yesha manood ng laro ng boyfriend niya. She’ll make sure I’m home before 10:00 pm. Don’t worry!"
Satisfied, I slipped my phone back into my pocket and glanced at Yesha, who was now booking our ride with precision. Moments later, her phone buzzed, and her expression softened as she answered the call. I didn’t need to guess—it was Levi.
“We’re on our way, babe. Waiting na lang kami sa Grab,” she said sweetly, her voice dripping with affection.
Yesha is a very sweet girl. Kikay, clingy, sweet at kalog. Ever since naging magkaibigan kami noong grade 6, gan'yan na talaga siya. At siya lang ang kaibigan kong babae hanggang ngayon. But that’s okay because she’s genuine—just like Kairi.
She tilted her head toward me with raised brows. “Uy, proud best friend ka na naman sa akin,” she teased with a grin.
I rolled my eyes. “Ang clingy mo talaga. Buti hindi naiinis sa’yo si Levi.”
She laughed heartily. “Mataas ang pasensya no’n sa akin. Parang ikaw.”
“Kaunti na lang…”
But truthfully, I didn’t mind her clinginess. It made my high school life less lonely for me. Smiling softly, I let her link her arm with mine again as we waited for our ride.
“I know you, Betty,” she said gently. “Magalit na sa akin ang lahat ng tao, pero ikaw hindi.”
I chuckled at her dramatics. “Ang landi mo.”
“Mahal kita eh,” she replied cheekily.
Rolling my eyes again, I crossed my arms and smirked. “Landi mo nga kay Levi!”
“Well, malamang boyfriend ko ‘yon! Huwag ka nang magselos,” she teased back with a laugh.
Pagdating namin sa Green Sun Hotel kung saan gaganapin ang laro, halos mapuno na ang venue ng mga fans. Ang daming tao—lahat naka-jersey ng kani-kanilang team: yellow and black para sa Phantom Phoenix at dark blue para sa Horizon. Kami? Naka-uniform pa rin! Napailing na lang ako habang sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
“Yesha, nakakahiya! Naka-uniform pa tayo!” reklamo ko.
“Okay lang ‘yan! Tapos na naman klase natin,” she replied confidently.
Halos lahat dito ay maayos ang suot. Napalabi na lang ako saka sinuklay ang buhok gamit ang darili nang tumunog ang cellphone ko.
I got two texts from Papa and Kairi. Inuna ko munang pinindot ang message ni Papa.
Pudra:
Okay, ‘nak. Basta umuwi ka ng maaga. Magpahatid ka sa kaniya pauwi. Huwag kang uuwi mag-isa sa gabi.
I smiled while reading his text. Papa has always been like this ever since. He's strict to us but he knows his limitations. Tatlo kaming babae na magkakapatid kaya maiintindihan ko bakit siya ganito.
Nag-reply lang ako sa kaniya ng ‘okay’ bago ko pinansin ang message naman ni Kairi.
Hababa:
Manonood ka laro namin? Mag-sstart na.
Me:
Yep. Live. Yesha bought two tickets for Phantom Phoenix.
I put a sad emoji in the last sentence.
Hababa:
Sige lang. Gan'yan ka naman palagi. Napaka-unsupportive mo kahit kailan.
Natawa ako sabay iling.
Me:
Sikat ka naman na, Mr. King of the Jungler. Shut it!
Hababa:
Sama ka mamaya after game. May papakilala lang ako sa’yo.
Nagsalubong ang kilay ko sa text niya.
Me:
Kahit huwag na. Alam ko namang girlfriend mo ‘yan.
That's just my guess and I smirked when he immediately replied.
Hababa:
Oo, eh. Pero meron pa. Basta sama ka. Una na me.
Napailing na lang ako sa sinabi niya saka tinago ang cellphone sa bulsa. Sakto naman na pumasok na kami sa loob ng arena. Yesha hold my hand and we're both sat down sa unang row ng mga audience. From this, kitang-kitang ko ang stage kung saan maglalaro ang mga manlalaro ng Vortex Pro League.
It's a mobile game na may limang manlalaro. Para itong Dota, League of Legends at Mobile Legends. Nalaman ko lang ‘to dahil kay Kairi, he's the jungler of his team. Ang goal niya sa team ang pinakamahalaga sa laro at sikat siya sa ganito.
Kairi earned his spot in the pro scene last 2 years ago. Galing siyang Phantom Phoenix at doon din siya nagsimula noong 14 years old pa lang siya.
And this is the first time na makakapanood ako ng laro niya. Palagi akong nanonood noon pero sa mga live streaming sa f*******: or YouTube nga lang. Of course, I have to support my friend pero wala akong kasama kung gusto kong manood sa mismong arena. And Papa won't let me watch na ako lang mag-isa. Kailangan may kasama ako palagi kung lalabas dahil delikado na sa mundo ngayon.
Kaya hindi ko mapigilang pumalakpak ng magsimula na at pinakilala ang team nila Kairi. Isang pagsiko galing kay Yesha ang nakuha ko dahil sa ginawa. Napatingin ako sa kaniya na nakasimangot.
“Gaga ka! Doon tayo sa ibon na umaapoy!” Sigaw niya dahil nag-ingay ang mga fans.
“Kaibigan ko ‘yan!"
Inirapan ko lang siya bago tumingin ulit sa stage.
As the emcee introduced Horizon, the anticipation in the air grew thicker. Then, it was Phantom Phoenix's turn to shine.
"And here comes the world champion! A two-time VPL PH champion and Sibol 2022 gold medalist! Give it up for Phantom Phoenix!" the emcee exclaimed.
The crowd erupted into cheers as the team emerged from the back, walking confidently toward the stage.
Yesha's stream. "Whoo! Levii!" Her eyes sparkled with excitement.
Levi, initially looked serious, couldn't help but smile when he spotted Yesha's seat. He raised his brows playfully, and Yesha waved back, her face aglow. I couldn't help but smile at their adorable exchange.
I clapped my hand while the emcee started to introduce the members now. I smiled when I saw Kairi goes to his seat pati na rin ang ibang members.
“Pogi pogi so much, my Levi!"
The game started na sobrang ganda ng laban. Parehas magaling ang dalawang team at halos bantay lang ang laro. Parehas hindi nagpapatalo kahit na kakasimula pa lang naman ng VPL PH. Every year ang competition na ‘to at kung sino ang manalo ay maglalaban naman for world champion. Magiging kalaban nila ang ibang team ng VPL sa ibang bansa.
And Kairi has one world champion when he was part of Phantom Phoenix. Doon siya sumikat pati na rin ang team nila. Kaya ngayon ramdam ko na gustong-gusto niyang manalo para sa team nila.
“Isa na lang! Isa na lang!" Malakas na sigaw ng Embers, fandom ng Phantom Phoenix dahil sila ang nanalo ng game 1.
It's a best of 3. Kung sino ang manalo ng dalawang game ay matik panalo na.
"2-0 na yan!” Malakas na sigaw ni Yesha.
Kanina pa siya sumisigaw para suportahan ang boyfriend niya habang ako naman ay hindi nawala ang tingin sa stage. I can't help but feel sad when Horizon loses. Kaibigan ko si Kairi at gusto kong manalo sila.
In game 1, Levi is the game MVP. He has the highest kill and assist without death. Levi is truly a good player.
“That's my man!" Yesha said again while she gave him a thumbs up.
Natawa ako dahil kanina pa sila nagpapalitan ng tingin at kahit na maingay at marami tao, palagi kong nakikita si Levi na sumisilip sa pwesto namin. That put a beam smile on my lips seeing them happy.
“Ang harot niyo…” tanging nasabi ko lang habang naghihintay kami para sa game 2.
Lumingon siya sa akin na halos mapunit na ang labi sa kakangiti. She brushes her hair using her fingers. Umayos din siya ng upo.
“Gano’n talaga ang love, Betty. Mararanasan mo rin ‘yan."
Natawa ako. “Hmm… sa college nga lang," tumatango na sagot ko.
Hunalaklak siya. “Pag-legal age ka na pwede ka nang magpaligaw. Narinig kong sinabi ‘yon ni Tito."
I chuckled. “Kung may manliligaw…"
Isa sa mga rules ni Papa ang huwag muna magka-boyfriend ng teenager ako. He said I have a long life ahead of me. Huwag akong magmadali dahil darating ang taong para sa akin. And besides, I’m still seventeen years old. I’m young and for now, studies ang priority ko.
And I believe him because I am scared to trust other people, too.
Pinalo niya ang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo.
“Maraming nagkakagusto sa’yo sa school. Wala ka lang talagang balak!” She brutally said.
"Anong gusto? Magsasabi lang sa chat? Ano ako? Pang-messenger lang?”
She's right, though. Simula ng mag-senior high school kami, mas rumami ang nagkakagusto sa akin. I’m not trying to boast, but I have pale white skin and a slim figure which makes me stand out as taller compared to other girls at school.
People often say I resemble a younger version of Elle Fanning due to my round eyes and soft features, which give me a youthful and girlish "cute" look.
Humalakhak siya. Umiling lang ako at mabuti na lang nag-start na rin ang game 2. Same with game 1, mainit ang laro pero nanalo ang Phantom Phoenix. The whole venue was screaming, including Yesha. Dagundong ang buong arena sa pagkapanalo ng Phantom Phoenix.
“So, who's the final MVP?" the emcee hybe the audience.
“Chessman! Chessman!" Malakas na sigaw ng mga audience.
“Grabe. Ang lakas ng sigaw. Sino nga?" Ulit pa nito.
“Andres akin ka na lang!" Sigaw ng katabi ko.
Napahalukipkip ako nang makita sa big screen na ‘yong Chessman nga ang final MVP. He's the team captain of Phantom Phoenix. Mas lalong lumakas ang sigawan at nakita ko na parang nahiya siya sa suporta ng mga fans.
“Let's talk about the last minute kanina, Chessman. Paano mo nakayang i-defend ang tore niyo na ikaw lang? It's 5 vs 1 but still you did it. Ano bang secret?” Tanong ng emcee.
He shyly laughed while holding the mic. "Ah, ano… chamba lang…" nahihiya na sinabi niya.
The fans scream again. Kahit iyong emcee ay natawa. Even Yesha while I was quiet the whole time smiled, too.
I saw how he played. He's good. He's the team captain and jungler of his team.
“So, ito na nga. Maraming nagtatanong nito since ang daming nagsisigawan dito…” dagdag pa ng emcee. “You captured the hearts of Embers. May naglalaman na ba ng puso mo ngayon?”
And the fans scream again. Halos mabingi ako sa sigawan lalo na sa katabi ko na kanina pa sumisigaw ng, "Ako na lang jowain mo!”
Tumawa lang siya. "Wala pa. Sana soon.”
"I volunteer! Please lang, akin ka na lang!” The girl beside me screams at the top of her lungs again.
At mukha narinig ‘yon ni Chessman dahil napatingin siya sa gawi ko. That was only a one second when our eyes met before he looked away.
“Tangina! Nagkatitigan kami!" And the girl screamed again.