PROLOGUE

1583 Words
Lae “We have a tie for rank one for our first grading period!” Anunsyo ni Ma’am Wilma sa klase namin.   Nangunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi niya. She’s currently announcing the top 10 achievers for the first grading period. I expected that I will be the top one dahil bakit hindi? I topped all the periodical exams, almost perfected every quiz in all our subjects and aced every graded recitation.   I am in my 3rd year in high school now. Since I started studying, ako ang laging top one. I even graduated valedictorian when I was in elementary. At hanggang ngayon, hindi pa ako nakakatikim ng pagbaba ng rangko, o kaya ay may makatapat man lamang!   “Our new top one for 1st grading is none other than Lae Margarette Asuncion and Christian Anthony Ponferrada!”   Naghiyawan ang ibang mga kaklase ko sa narinig na balita. Ang iba ay pumalakpak pa. Ang mga katabi ko naman ay nagsimula na akong asarin.   “Oh, Lae? May ka-tie ka na ngayon! Record breaking ito!” Sabi ni Aby habang tumatawa.   Sunud-sunod na ang asarang natanggap ko sa grupo nila Joshua at Marco. Maging sila Monica ay tinutukso na rin ako.   “Hindi ko akalaing matatapatan ka ni Christian, Lae. Ang galing!” Marco said followed by their laughs.   Palabas kami ngayon ng classroom para pumunta sa canteen at mag-recess. Nanguna akong maglakad sa kanila dahil hindi ko gusto ang panunukso nila sa akin.   Tiningnan ko ng matalim si Marco pero imbes na matinag siya ay lalo lamang siyang natawa. Tila nasisiyahan sa mga reaksyon ko sa kanilang panunukso.   Well, ako man ay hindi ko matanggap ang naging resulta ngayong grading period. Pero ano pa nga ba? Wala na rin naman akong magagawa para mabago iyon. Tatanggapin ko na lang at magmu-move on. Mas gagalingan ko na lang sa susunod na markahan.   Pero ewan ko, nasasaling ang ego ko.   “Deserve naman ni Christian ‘yon. Perfect scores siya sa Geometry at Trigonometry exam. Mataas din naman ang grades niya sa ibang subjects natin tulad ni Lae. So hindi nakakapagtaka ‘yon.” Monica said.   Hindi pa rin ako kumikibo at tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Tama nga sila, though I perfected our Chemistry and English subjects, and almost perfect scores for the rest of our subjects, hind inga kataka-takang mataas nga ang makuha niyang marka ngayon.   O naging relax lang ako dahil lagi kong ine-expect na ako na ang magiging top one? Masyado akong naging kumportable sa kakayahan ko kaya ganoon lang ang nakuha kong marka ngayon?   “Okay lang, babawi na lang ako sa susunod.” Sabi ko habang sinisimulan ng balatan ang supot ng cheese cake ko.   “Talaga? Okay lang ‘yon sayo?” sabi naman ni Paul Luis.   Lumabi ako sa kanya bago ko isinubo ang pagkain. Sumimsim din ako ng juice na binili ko. Natawa na naman sila. I can’t find humor with what happened earlier kaya hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa sa nangyari.   Or was it because they find it funny that someone equaled me? The most competitive Lae Margarette Asuncion?   Of course, it was not okay for me. Pakiramdam ko, para akong inagawan. Like someone took what’s mine at kung hahayaan ko lamang iyon na mangyari, maaaring hindi na iyon maibalik sa akin.   I don’t belittle Christian. He’s intelligent, too, but somewhat mysterious. Hindi masyadong palaimik at bilang lang ang mga kaibigang sinasamahan niya. His friends also belong to top 10. At dahil madalas tahimik, kung may mga group activity at choose your own groupmates ang instruction, sila-sila rin ang magkasama.   Unlike me, I have a large circle of friends. Natural sa akin ang pagiging palakaibigan. Ayokong may nakakasamaan ako ng loob. I want everything smooth and flowy. Kahit mga lower years ay nakakausap ko. Minsan ay nagbabatian kami kapag nadadaanan ko sila sa corridor. At sa mga seniors naman, may mangilan-ngilan din akong nakakasalamuha dahil parte ako ng Student Body Organization.   Ngumuso si Joshua mula sa mesang hindi nalalayo sa amin.   “Ayun si Christian, oh.” Aniya. “Christian!” sigaw niya at saka itinaas ang kamay para kumaway sa kanya para lumapit sa table namin.   Sinundan ko ang tingin niyang iyon. Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko sa mesa. Nakita ko ang mabilisang pagdaan ng tingin niya sa akin bago inilipat ang tingin sa kanyang mga kasama. Inilapag niya ang tray na hawak niya at may sinabi sa mga ito. When I saw him nod at them, my breath hitched when he’s crossing our distance towards us.   Ba’t siya pupunta rito? The last time I remember, he doesn’t want to mingle with loud people like us.   Umamba ng fist bump si Paul Luis sa kanya. Alangan man ay sinagot niya rin iyon. Tipid siyang ngumiti sa mga kasama ko pero nang magtama ang tingin naming dalawa ay naglaho rin iyon.   Tumaas ang isang kilay ko. Ano’ng problema nito?   “Tol, congrats! Ang galing mo naman!” bati ni Paul Luis sa kanya.   “Salamat, tol.” Sagot niya.   Hinayaan ko silang mag-usap habang inabala ko ang aking sarili sa pagkain. Bahala sila diyan. Mauubos ang oras nila sa kwentuhan pero ‘di pa nila nauubos ang pagkain nila.   Paubos ko na ang kinakain ng tapikin ako ni Monica sa kanang balikat ko.   “Uy Lae! May sinasabi si Christian sayo!” nakangiting sabi niya.   My forehead creased when I looked at her. Ininguso niya ang taong nakatayo sa kanang bahagi ng likod ko. I followed the direction that she pointed out and saw Christian standing behind me.   “Congratulations, Lae.” Tipid niyang sabi. Tipid na ngiti ang iginawad niya sa akin.   I smiled at him widely, though I knew that disappointment is very evident in my expression.   “Sa’yo rin.” Tanging nasagot ko sa kanya. Agad kong binawi ang tingin ko at inubos ang natitirang juice sa baso ko.   Tumango lamang siya bago tuluyang magpaalam sa grupo namin at bumalik sa mga kasamahan niya. Monica and Aby started another conversation while Joshua and Marco talked about something about the latest release of Manga that’s trending in the Internet now.   “Ba’t sinungitan mo ‘yon?” tanong ni Paul Luis sa akin.   Nangunot ang noo ko. “Sino’ng sinungitan ko?”   “Si Christian. Binati ka lang nong tao eh.” Aniya.   “Hindi ko siya sinungitan!” tanggi ko sa kanya.   Binati ko nga rin siya eh. Kaya nasaan dun ang pagsusungit ko?   That thought bothered me na kahit sa lunch break namin ay hindi ko maialis sa isip ko. Kahit sa panghapong klase namin, it never leaves in my mind.   Madalas ko siyang sulyapan sa kinauupuan niya. Dahil alphabetically arranged ang seat plan namin, kailangan ko pang pumihit at lumingon sa likod para makita lamang siya. Letter A ang umpisa ng apelyido ko at letter P naman sa kanya kaya maliban sa likod siya naka-pwesto ay malayu-layo rin iyon sa arm chair ko.   “Bakit ka lingon ng lingon sa likod?” puna ni Aby sa akin.   My eyes widened when she asked me. I was not ready for that because I didn’t think she’ll notice it.   “U-uh…” nauutal kong sabi.   “Baka mapagalitan ka ni Sir Dave, lingon ka ng lingon. Sabihin pang hindi ka attentive diyan.”   Tumikhim ako bago ko muling inayos ang upo ko. I tried my best to concentrate on my teacher while explaining our lessons but I was too preoccupied with what happened earlier in the canteen.   What if kalimutan ko na lang ‘yung nangyari? Just forget about it and move on?   Pero hindi, ayokong may nakakasamaan ako ng loob. Hindi ako matatahimik sa ganoon.   Muli ko siyang sinulyapan nang magkaroon ako ng pagkakataon matapos naming kopyahin ang nakasulat sa pisara. Pero parang gusto kong magsisi sa ginawa dahil paglapat ng tingin ko sa kanya ay nakatingin din pala siya sa akin!   It took me a couple of seconds before I realized that we’re already staring at each other. Nanlalaki ang mga mata kong binawi ang tingin sa kanya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko habang unti-unting gumagapang ang hiyang nararamdaman sa buong katawan ko.   Ano ba naman kasi ‘to! Ba’t ba kasi ako tingin ng tingin sa kanya!   I took a deep breath and made a plan inside my head.   Aabangan ko na lang siya sa para kausapin. Pero ayokong may makakita sa amin. Gusto ko ay kaming dalawa lang. Lilinawin kong hindi ko siya sinungitan kanina sa canteen. At babatiin ko na lang siya ulit ng ‘congratulations’.   Kaya nang matapos ang panghuling subject at nagdeklara na ng dismissal ang teacher namin, mabilis kong kinuha ang mga gamit ko para mauna nang lumabas.   “Oh, saan ka pupunta?” Takang tanong ni Aby sa akin.   Isinukbit ko na ang bag ko at binitbit na rin ang ibang libro ko.   “Mauuna na ako, Aby. May gagawin lang ako.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na lumabas sa silid na iyon. Nilampasan ko rin ang mga kaklase kong nauna nang naglalakad sa amin. Tanging ngiti lamang ang isinusukli ko sa mga kapwa ko estudyanteng bumabati sa akin habang dumadaan ako sa corridor at palabas na sa campus.   Alam ko kung saan siya madalas sumakay. Kapag nakalabas na silang magkakaibigan sa gate ay nagka-kanya kanya na sila pauwi. Doon ko na lamang siya hihintayin kung saan madalas naka-park ang sinasakyan niyang tricycle pauwi sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD