CHAPTER 19

1949 Words
Lae     “Lae…” tawag niya sa akin.   Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga yakap ko, hindi ko na alam kung paano ako bibitaw. Hindi naman niya tinanggal ang kamay niya sa akin. Nanatili rin iyong nakayakap sa akin.   Bigla na lang akong natauhan sa ginawa ko. Hindi pa ako humihiwalay sa kanya. Suddenly, my mind went blank. Hindi ko alam kung paano ngayon kakalas sa yakap ko sa kanya at kung paano ko siya ngayon haharapin! I felt how embarrassed I am now!   Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya kung anu-ano na ang naiisip kong gawin para mahupa lamang iyon.   Dahil na rin siguro sa taranta ko, itinulak ko siya at agad umiwas ng tingin sa kanya. He seems unguarded kaya nang maitulak ko, hindi agad siya nakabwelo at napaatras ng ilang hakbang mula sa akin. Sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman ko. Handa na akong umalis at tumakbo na palayo pero mabilis akong nahawakan ni Christian sa palapulsuhan ko para pigilan ang pag-alis ko.   “Saan ka pupunta?” he asked in concerned voice.   “B-Balik na ako sa classroom.” Nauutal na sagot ko. Hindi ko siya hinarap dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya sa akin.   I am still lamenting and reprimanding myself for being a slave of my emotion these past few days. Ngayon ko lang hindi nakanayan! Hindi ko nakontrol ang nararamdaman ko kaya heto ako ngayon, bahagyang nagsisisi dahil hinayaan ko ang emosyon kong pagharian ang utak ko!   “Mag-usap muna tayo.” Kalmado niyang sinabi pero umiling ako.   Ayoko na. I want to get out of this situation. Aatras na ako sa usapan namin ni Monica. Bahala na siya kung ano’ng gusto niyang isipin pero hindi ko na itutuloy ‘yong gusto niyang mangyari.   Malulunod lang ako sa sarili kong pangako.   I breathed deeper to get a grip of myself.   “Ano ba kasing sasabihin mo?!” pagalit na sinabi ko at malakas na binawi ang kamay ko.   Nabitawan niya rin iyon pero maagap siya. Sa siko ko naman siya nakahawak ngayon at pilit na pinapaharap ako.   “May problema ka ba? Ilang araw ka nang tahimik. Hindi ka naman ganyan.”   Umiling ako. Nanghihina. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang saloobin ko? Kahit nga ako, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kung ano’ng mga salita ang dapat kong gamitin. Kung paano ko sasabihin sa kanya nang klaro.   Paano? Aamin ako? Ayoko nga! I would rather keep it to myself and let it go. Bata pa ako. This feeling might change in the long run.   Crush crush lang ito! Puppy love kung puppy love but I don’t want to recognize it!   Narinig ko ang disgust sa pagbuga niya ng malalim na bunting-hininga at marahan akong hinila palapit sa kanya. Nagpaubaya ako. Kung kanina, gusto ko ng umalis, ngayon, hindi ko na alam kung ano pa ang gusto kong mangyari.   “May gusto ka bang sabihin sa akin?”   Ingat na ingat niya akong kinakausap. Mahina rin ang boses niya. Para nga iyong bulong o…lambing? Nalalambingan ako sa boses niya. I felt giddy. My stomach churned like something’s rumbling inside while my heart beats faster.   Biglang pumasok sa isip ko ang gustong ipasabi ni Monica. Sabagay, huli na ito. Hindi na ako tatanggap ng panibagong pakiusap sa kanya at titigil na rin ako tungkol sa usapan namin.   “Pinapasabi ni Monica, pumunta ka raw sa bahay nila Paul sa birthday niya.” mahinang sabi ko.   “Niyaya ako ni Paul. Hindi ko kinumpirma ang pagpunta ko.” maagap niyang sagot sa akin.   Nag-angat ako ng tingin sa kanya.   “Bakit? Nandoon si Monica. Magkakaroon kayo ng chance para magsama.”   Nangunot ang noo niya. “Kaya ba niya pinapasabi sa’yong pumunta ako roon?”   Tumango ako. Ayoko nang magsalita dahil parang kinakapos ako sa paghinga dahil sa matinding pagtahip ng puso ko habang tinitingnan siya.   “Hindi ako pupunta.” He said with finality.   Kibit-balikat ko siyang sinagot at akmang aalis na pero pinigilan niya ako ulit.   “Ano?” tamad kong tanong sa kanya.   “May gusto sa’yo si Trun?”   Lumabi ako. “Ewan. Hindi ko alam.”   “Narinig ko sila sa canteen kanina, pinag-uusapan ka. Liligawan ka raw niya.”   I scoffed. “Hindi ako interesado. Wala sa isip ko ang rela-relasyon. Ang bata bata ko pa para diyan!”   Totoo naman ‘yon. I maybe crushing or liking someone but I don’t think I would see myself entering in a relationship. Nangako ako kay Papa. Aral muna bago ang pakikipag-boyfriend.   “G-Gano’n din naman ako.” Sagot niya.   “Talaga? Eh ba’t mo pa tinatanggap ang paglakad ko kay Monica sa’yo?” I backfired!   Ano ‘to? Naglolokohan ba kami? Monica asked me to ger her closer to him. Siya naman, hinayaan lang ako. Tapos ngayon, maririnig ko sa kanyang wala rin pala siyang balak na ligawan ang kaibigan ko?   Am I wasting my time here?   Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Mukhang natanto niya ang ibig kong sabihin. He looked at me again, tinatantiya kung ano’ng susunod na gagawin ko.   “Bakit ka pa nakikinig sa akin sa tuwing kinu-kwentuhan kita tungkol sa kanya? Bakit ka pa nagtatanong sa akin tungkol sa kanya? You were asking me about her whereabouts tapos…” hindi ko na itinuloy dahil alam ko namang nakukuha na niya ang ipinupunto ko.   I received no response. Guilt registered on his face. He bit his lower lip and looked away.   “Niloloko mo ba ako? Pinagtitripan mo ako?!” I blurted out.   Mabilis niyang ibinalik sa akin ang kanyang mga tingin at ilang ulit na umiling. “Hindi, Lae!”   “Eh ano? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit mo pa ako hinahayaang kausapin ka pa tungkol sa kanya tapos wala ka palang balak kay Monica!” tumaas ng bahagya ang boses ko dahil sa sari-saring naiisip.   Binawi ko ang braso kong kanina pa niya hawak at pinagkrus iyon sa katawan ko. Inis na ako sa takbo ng usapan namin. Hindi naman niya ako sinasagot ng maayos. O mas tamang sabihing hindi niya ako sinasagot!   “Kasi…ano…”   “Kase?” inis kong tanong sa kanya. I demanded an answer from him. Imposibleng wala siyang dahilan.   Napalunok siya. Hindi ulit makapagsalita. Medyo nagsisi tuloy ako dahil pakiramdam ko, intimidated siya sa paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya kaya hindi niya ako masagot. Baka nag-alinlangan na.   “Please, Lae, huwag mataas ang boses mo. Pwede tayong mag-usap nang hindi tayo nagsisigawan.” Kalmado niyang sinabi sa akin.   Natauhan tuloy ako sa sinabi niyang ‘yon. Heto na naman ako. Nagpapadaig sa nararamdaman. Hindi talaga ako nakakapag-isip ng tuwid sa tuwing nag-ooverflow ang emosyon ko. Ito siguro ang dapat kong pag-aralan na kontrolin para hindi ako nakakagawa ng mga bagay na hindi agad-agad napagiisipan.   Wala kaming imik ni Christian matapos niyang sabihin iyon. Gustung-gusto kong alamin ang sagot sa huli kong tanong sa kanya. Pero kinain ng katahimikan ang pagitan namin. Awkward na tuloy kung ang isa sa amin, magsasalita pa.   Pero nagulat ako nang tumikhim siya at magsalita.   Nanatili kaming nakatayo roon. He’s facing me while I’m standing sideways from him. Iniiwasan ko pa rin na magtama ang mga namin pero siya, harap-harapan niya akong pinagmamasdan. Pinanatili ko ang mood kong medyo inis na kahit ang totoo, para na akong nalulusaw sa huling mga sinabi niya. Idagdag pa na hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Alam ko dahil I can see him in my peripheral vision.   “Lae…’yong tungkol sa tanong mo---”   “Ano’ng sagot mo? O may isasagot ka ba?” mahina na ang boses ko pero may himig pa rin iyon ng iritasyon.   Hindi pa rin siya nagsasalita. Naiinis na talaga ako. Kapag hindi pa siya nagsalita, lalayasan ko na siya dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusap naming dalawa!   I shifted and faced him. Nakahalukipkip pa rin ako habang magkasalubong ang mga kilay ko. Pinapakita ko talaga sa kanyang hindi na ako natutuwa dahil sobrang labo niyang kausap. Bumalatay ang alinlangan sa kanyang mukha. Mas lalo yata siyang walang isasagot sa akin ngayon.   “Ano na---”   “Sa’yo ako may gusto, Lae. Hindi kay Monica, o kay, Carlyn, o kahit kanino man. Ikaw lang ang gusto ko.”   Bumagsak ang panga ko sa narinig. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. I was expecting an answer from him na talagang ikaiinis ko o ikakagalit ko. Pero ang sabihin niyang may gusto siya sa akin… hindi agad iyon maproseso ng utak ko.   Pero gustung-gusto kong marinig ulit ang mga sinabi niya. Parang musika iyon sa aking pandinig. At ang mga salitang binitawan niya ay tila liriko na paulit-ulit umalingawngaw sa isip ko.   “Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Dahil baka nagkamali lang ako ng narinig.   Humakbang siya ng isang beses at hinawakan ang mga daliri ko sa kaliwang kamay ko.   “Ikaw ang gusto ko.” bulong niya.   Malinaw kong narinig iyon. This time, lalo iyong naging klaro sa akin.   May gusto siya sa akin…   Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto.   May gusto rin siya sa akin!   Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na mangiti sa naiisip. Pinanatili ko pa ring blangko ang ekspresyon ng mukha ko pero sa kaloob-looban ko, para na akong sasabog sa sobrang tuwa dahil all these time, pareho pala kami ng nararamdaman.   So, we’re mutuals!   Eh ano ngayon? Ano ngayon kung may gusto siya sa akin at may gusto rin ako sa kanya? Ano na?   “Say something, Lae…” kinakabahan na sabi niya sa akin.   Kinakabahan siya, alam ko. malamig ang kanyang mga palad. Nararamdaman ko ang mahinang panginginig ng mga daliri niya dahil hawak niya pa rin iyon hanggang ngayon. O ako ba nanginginig dahil sa nerbyos?   “Hindi mo ba nahahalata? Sa mga kilos ko? Sa pagtrato ko sa’yo?” dagdag niya.   I grimaced and looked at him ridiculously. “M-Malay ko ba s-sa’yo. Hindi naman ako assumera.” Nagpa-panic na sagot ko sa kanya.   Kahit ano’ng pilit kong ituwid ang pagsasalita ko, nautal pa rin ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Dala siguro ito ng matinding kaba na nararamdaman ko ngayon.   Ngumisi siya at pinisil ang kamay ko. Pinilit ko ang sarili kong hindi magpaapekto sa hawak niya sa akin pero hindi pa rin napigilan ang aking sarili. Nagtatalo na ang isip at puso ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong intindihin.   Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya hinayaan ‘yon. Nakanguso akong napatingin sa kanya. Nakangiti na siya ngayon. Parang ang saya-saya niya. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.   “Sana, pareho tayo.” Aniya.   Nangunot ang noo ko. Ano’ng tinutukoy niyang pareho? Kung ang tinutukoy niya ay ‘yong nararamdaman niya, pwes…   Tumikhim ako. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga salitang bibitawan ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.   “Huwag mo nang hilingin na sana, pareho tayo dahil…ganoon din naman ako sa’yo.” Halos mapugto ang hininga ko para masabi ko iyon ng diretso sa kanya.   Hinuli ko ang tingin niya. Siya naman ngayon ang mukhang gulat na gulat sa mga sinasabi ko.   Ngumiti ako dahil sa wakas, nasabi ko rin. Ang hirap magkimkim. Ang bigat sa pakiramdam. Kaya nang sabihin ko na iyon sa kanya, para akong nakahinga ng maluwag.   “So…we’re mutuals.” Anas niya. He pursed his lips as he tries to cover his wide smile. But the glittering of his eyes cannot hide his reaction on what I said.   Tumango ako.   “We’re mutuals.” Inulit ko ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD