Lae
Dumating ang araw ng Biyernes. Hindi ako mapakali sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ang araw ng pagbibigayan ng regalo para sa Monito at Monita. Ito na rin ang huling araw nito. Ititigil na rin kasi namin dahil Christmas Party na rin namin next week.
Nakipagpalit ako ng taong reregaluhan kay Monica dahil gusto niyang siya ang magregalo sa taong ako dapat ang magbibigay ng regalo. Okay lang. Iyon naman talaga ang plano ‘di ba? Ang maipaglapit silang dalawa.
Iyon lang ang role ko. After this stupid mission, I’ll back off.
Nasa loob ng bag ko ngayon ang maliit na supot na papel na may lamang cheesecake. Ibibigay ko iyon kay Gil. Hindi na ako masyadong nag-abala pa sa ibibigay ko sa kanya dahil aaminin ko, medyo nawalan na ako ng ganang magbigay ng regalo.
Pero dala ko rin ang regalo ko para kay Christian. After all, ako naman ang original na nakabunot sa kanya. Bibigyan ko rin siya ng regalo. Tutal, huling handugan naman na ng regalo ito bago ang exchange gift sa mismong araw ng Christmas Party, ibibigay ko sa kanya ang isang plush pillow na may nakasulat na ‘calm’ at ang isang plush octopus na kulay blue.
I know that his favorite color is blue. Nabanggit niya na sa akin iyon minsan, noong inaalam ko ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya para may ma-report ako kay Monica.
Pero hindi ko pwedeng ibigay iyon ngayong umaga. Magtataka ang mga classmate ko panigurado. Lalo na ang kaibigan ko. It will only create confusion on her.
Saka na lang kapag may pagkakataon.
“Class, ibigay niyo na ang mga regalo ninyo sa mga nabunot niyo!” nakangiting sabi ni Ma’am Wilma.
Biglang nag-ingay ng bahagya sa loob ng classroom. Okay lang naman iyon sa adviser namin. It’s expected, everyone is excited kung sino ang magreregalo at kung ano ang ireregalo sa bawat isa. I even saw Aby squealing in giddiness. Nabunot niya kasi ang crush niya kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon.
Inilabas ko ang regalo ko na nakalagay sa paper bag na kulay brown. I sighed. Unti-unti akong nakakaramdam ng kaba at hiya na rin. Alam kasi ni Christian na ako ang nakabunot sa kanya. Ano kayang mararamdaman niya kung sakaling…hindi pala talaga siya ang bibigyan ko.
I heavily exhaled my nervousness. Bahala na.
Tumayo ako at humarap sa likod. Ibibigay ko na lang ng mabilis para hindi na awkward itong nararamdaman ko.
Tinungo ko ang upuan kung nasaan si Gil. I sighed. Naroon pa rin siya sa kinauupuan niya. Sa upuan kung saan…katabi niya rin si Christian. All the while, our gazes locked as I approached their seat. I can almost see a ghost of smile in his lips. Mas lalo akong kinabahan at nanlumo. Bakas kasi sa mukha niya ang expectation na siya ang pupuntahan ko habang papalapit ako sa kinauupuan nila.
I smiled awkwardly when I got closer to them.
“H-Hi boys!” nauutal kong sabi.
Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Gil and Edmund were smiling widely at me. Nakita ko pa ang patagong pagsiko ni Gil sa tagiliran ni Christian. Nang magtama ang tingin naming dalawa, I just nodded and smiled a bit.
May ibinulong pa siya sa kanya na hindi ko na rin binigyan pa ng pansin.
Humakbang pa ako ng isang beses para makalapit sa kanila. Humigpit ng kaunti ang hawak ko sa paper bag. Malamang, nalukot na ang unang bahagi no’n.
I can see Christian shifted on his seat. My heart dropped the moment I caught him staring at me intently.
Iniwas ko na ang tingin kay Christian. I felt awkward already. Bahagya akong ngumiti kay Gil bago ko inilapag ang paperbag sa arm chair niya.
“For you.” Mahina kong sabi saka nangiti rin sa kanya.
Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. His brow shot up and lips parted. Tiningnan niya pa sandali ang katabi niya bago ibinalik ang mga mata sa akin. Hindi makapaniwala na siya ang binibigyan ko ngayon ng regalo.
“Sa akin? Sigurado ka ba?” paniniguro niya.
I can really feel the awkwardness in the air. Pero pinilit kong pinalis iyon sa mga ngiti ko.
I can’t stand the air between us anymore. I don’t want to be rude by leaving there immediately but I want this to be over.
“Oo kaya!” nakangiti pa ring sabi ko. Mula sa bulsa ng skirt ko, dinukot ko ang papel na nabunot ni Monica at inabot iyon sa kanya. Nakasulat doon ang full name niya.
Inabot niya iyon sa akin at binasa. Nang makumpirma niyang pangalan niya nga iyon, muli niyang nilingon ang katabi.
“Akala ko kasi…” he trailed off.
I chuckled a bit, showing to them that everything is fine and not affected to their awkward stares to each other.
Inabot naman ni Edmund ang paper bag nang nakangiti. “Lae, ano---”
Bago pa mabuksan ni Edmund ang paper bag, agad iyong kinuha ni Gil para iiwas sa kanya.
“Huwag mong pakelaman ‘yan, Ed!” saway niya rito.
Kinamot ko sandali ang batok ko. Balak ko na magpaalam para bumalik sa upuan ko.
“Sige, babalik na ako ro’n.” paalam ko.
Gil only nodded and smiled for me, too.
“Sige, Lae. Thank you, ah?”
I nodded, too. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang mga kasama niya para makaalis na agad ako ro’n.
Kahit maingay sa room, narinig kong nagsalita si Gil pagtalikod ko. hindi ko na kailangang alamin kung sino iyon dahil malakas ang kuto kong si Christian iyon.
“Tol, akala ko ba…” dinig ko. I just cut myself from eavesdropping because I don’t want to know what he said to him.
Kasabay nang paglayo ko sa kinauupuan nila ay narinig ko ang boses ni Monica. Siya na ngayon ang kausap nila. I didn’t pay much attention anymore so that I could tame myself from the awkwardness and nervousness I’m feeling now.
The noise is crowding the room but all I can hear is my heart wildly thumping. Christian’s stares never leave me. I even saw a glimpse of hope in his face the moment I moved closer to them. Tila hinihintay niya na sa kanya ko iaabot ang hawak ko.
Hindi ko man nasabi sa kanya ng direktang siya ang nabunot ko noon, iminuwestra ko ang papel kung saan nakasulat ang pangalan niya. He already knows it. Matalino siyang tao. I know he got what I gestured before.
Siyempre, kung sa akin din nangyari ‘yon, baka umasa rin ako.
Pero…iyon din kaya ang naramdaman niya?
Disappointment crawled slowly in my head. I couldn’t pass this day without us talking.
Kakausapin ko siya mamaya. Hindi ko kayang umabot pa ng ilang araw itong nararamdaman ko.
Everyone settled on our seats now after a while pero wala pa akong natatanggap na regalo. Mga buraot! Sino’ng nakabunot sa akin?
Inilinga-linga ko ang paningin sa paligid. May ilang kaklase akong hindi pumasok ngayong araw. Siguradong isa sa kanila ang nakabunot sa pangalan ko.
Pero sandali lang naman ding bumalot ang isiping iyon. Binalewala ko na rin kalaunan kung sino ang nakabunot sa akin. Hindi ko na ininteres pa kung makakatanggap pa ako ng regalo o hindi na. Masyado nang okupado ang isip ko para roon.
Kahit nagle-lecture na ang teacher namin sa harapan, hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang nangyari. It ran through my mind until lunch break. Mas nanaig ang kagustuhan kong makausap siya ng kaming dalawa lang.
I took out my phone from my pocket and texted him. Hindi na ako nagdalawang isip pa. I need to settle my mind para matahimik na rin ako.
Ako:
May gagawin ka ba mamaya?
Sandali akong naghintay ng reply niya pero walang dumating. It’s understandable. Lunch break ngayon. Baka kasalukuyan pa siyang kumakain.
Dahil tapos na rin naman akong kumain, at mahaba pa ang oras para maghintay sa panghapon na klase, I stayed in one of the quietest places in the campus, sa botanical garden. May butterfly farm din kasi rito, kasalukuyang dine-develop ng mga seniors. Might as well check it. Siguradong maganda iyon.
Sayang nga lang at wala sila Paul Luis para sana may makasama ako rito. We could just jam here, or chit chat. Kwentuhan lang hanggang sa pumatak ang ala una ng hapon.
Bitbit ang bag ko, sinilip ko ang entrance ng butterfly garden. Kaso nanlumo ako dahil naka-lock iyon. Sayang. Kitang-kita ko kasi mula sa kinatatayuan ko ang mga nagsisiliparang butterfly sa loob. Net lang kasi ang nagsisilbing dingding ng garden na ito para hindi makawala ang mga paru-paro at ang mga poste ay yari sa steel tubular.
Dumiretso ako sa parte ng garden kung saan may benches. Sakto, walang tao. Pwede akong magmuni-muni rito ng mapayapa. Or makinig ng music habang naghihintay.
Ito ang parte kung saan tago pero maganda ang pagkakaayos ng lugar. Maraming mayayabong na mga bulaklak. Magandang spot ito sa pictorial. Kaya madalas, kapag may mga activities sa school, dito rin ang nagiging tambayan ng mga estudyante, maliban sa mga student nooks na nasa ilalim ng puno ng acacia.
Inilabas ko ang cellphone ko para makapag-browse sa f*******:. Hindi pa ako nagtatagal sa lugar na ‘to, narinig ko ang ilang mahihinang yabag ng tao. Thinking that it’s just some of the students roaming around the campus, hindi na ako lumingon pa.
The bench where I sat can accommodate up to three persons. Kaya kahit mahiga ako, kakasya ako panigurado. Kaya lang kasi, naka-skirt ako eh. Okay sana kung naka-PE uniform o naka pants para hindi ako makataan.
I felt someone sat on the same bench. Hindi ako lumingon. I was engrossed browsing memes in my timeline when I heard the person speak beside me.
“Akala ko, ikaw ang magreregalo sa akin sa Kris Kringle.” Aniya.
Natigilan ako sa pagba-browse. Normally, agad akong napapalingon kapag may nakakatabi ako. Pero ngayon, bigla akong hindi makakilos dahil sa gulat.
I bit my lip. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lamang na magsalita siya ulit.
I heard his soft chuckles. My close my eyes and tried to calm my feelings.
“Umasa ako. Pero okay lang. Nagkamali siguro ako ng pagkakaintindi sa iminuwestra mo sa akin noong nakaraan.” Dagdag niya.
I sighed. Hindi ko na kayang hindi siya harapin ngayon.
I looked at him, only to find out that he’s already looking at me intently. Nangiti siya nang magtama ang mga mata namin. I couldn’t do anything but to reciprocate his smile.
May inabot siya sa aking isang hindi kalakihang paper bag. Nakangiti niya iyong inilapag sa espasyo naming dalawa.
“I’m sorry. I couldn’t give that to you earlier. Alam ko ring hindi mo magugustuhang tumanggap ka ng regalo mula sa akin dahil sa kanya kaya ngayon ko lang naisipang ibigay.” He explained.
Sinipat ko ang paperbag na inilapag niya roon. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar iyon sa akin. parang nakita ko na dati.
Ah, tama. ‘yong shop na nakita namin sa mall. ‘yong pinagbilhan ko rin ng plush pillow at plush octopus.
Inusog niya iyon sa direksyon ko nang hindi ko pa iyon ginagalaw. Nag-angat ako ng tingin sa kanya para makita ko ang kanyang itsura. He’s biting his lips. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso at agad na nag-iwas ng tingin ng sinubukan kong huliin ang kanyang mga mata.
“Ako ang nakabunot sa’yo, Lae.” Aniya at saka ngumiti sa akin ng tipid.