CHAPTER 3

1444 Words
Lae Ang sabi sa nabasa ko, kapag nahuli mo raw ang tao na nakatingin sa’yo sa unang pagkakataon, pwedeng accidental lang iyon. Kung sa pangalawang beses, intentional na. Eh ilang beses ko na bang nahuli si Christian sa mga pasulyap-sulyap niya sa akin? Maraming beses na! Katulad kanina, isa-isa na kaming tinawag ni Ma’am Loida para sa graded recitation namin sa Chemistry. We were called in alphabetically order. Tapos na akong mag-recite. Nakabisa ko ang lahat ng mga elements kaya perfect ang score ko. “Ang galing ni Lae...” narinig kong bulong ng kung sino matapos kong mag-recite sa harap. I smirked inwardly and felt proud for myself. “Abangan mo si Christian, perfect din ‘yan sigurado.” I pursed my lips and ignored them. “Ponferrada, Christian” tawag sa kanya ni Ma’am Loida. Hindi ko siya sinulyapan ngunit alam kong mga yabag niya ang naririnig kong papalapit sa harapan. I busied myself just so I won’t be tempted to check on him and see if he’s looking at me. Binasa kong muli ang table of elements habang naririnig siyang nagre-recite sa harap. Sinusundan ko ang bawat bigkas niya ng mga elemento. Nakakabilib din dahil habang sinasabi niya iyon ay walang time lapses. Ibig sabihin, talagang kabisado niya hanggang sa susunod na mga elemento. Sinubukan kong sumulyap sa harap para makita siya. Hindi ko rin alam kung bakit gustung-gusto ko ang ideyang tinitingnan niya ako. Tiningnan ko siya pero diretso lamang ang mga mata niya sa likod ng classroom. Nakaramdam ako ng kaunting dismaya dahil inakala kong nakatingin siya ulit sa akin. Is he crushing on me? Ngumisi ako habang iniisip iyon. Kung totoo nga, ibig sabihin, maganda ako? Lalong lumapad ang ngisi ko. Malakas na tapik sa braso ang pumukaw sa atensyon ko. “Huy! Para kang timang!” Bulong ni Paul Luis sa akin. I glared at him but he only smiled annoyingly. “Ano’ng iniisip mo, ha? Nag-iimagine ka ah...” tudyo niya sa’kin. I grimaced and looked away. “La kang pake.” Sagot ko. I unintentionally looked at Christian again. Pagsulyap ko sa kanya ay siyang tingin rin niya sa akin. I gulped. Ako ang unang bumawi ng tingin. Hindi ko maiwasang tubuan ng matinding hiya dahil nahuli niya akong tumitingin sa kanya. Wala pa akong nalalaman na nagkakagusto sa akin. Tingin ko kasi’y hindi naman ako kagandahan. Typical lang ang itsura ko’t simple lang din akong manamit. I have crushes, too. Itong senior na athlete sa basketball. O kaya ‘yong college na athlete din ng volleyball. I admit, I get attracted to boys who are athletic, matatangkad at magaganda ang katawan. Pero hanggang paghanga lang ako dahil maliban sa hindi naman talaga ako interesado sa malalim na ugnayan, hindi rin naman ako papansinin ng mga iyon. Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor papunta sa room namin. I was texting Monica to bring my notes in Statistics that she borrowed the other day. Nasulyapan ko na ang grupo nila Christian na makatambay sa gilid. Si Edmund at Gil ay nagku-kwentuhan habang nakikinig lang sa gilid ang kasama nila. Habang papalapit ako ay narinig ko ang bulong ni Gil kay Christian. Tinapik niya pa ito para makuha pa ang atensyon niya. “Chris! Ayan na, palapit na!” Sabi ni Gil sa kanya. I bowed my head and kept texting but my mind is going crazy already! Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano’ng uunahin kong pagtuunan ng pansin. Kung magbi-busy-busy-han sa pagte-text, titingnan sila, o patay- malisya na lamang ako at didiretso na lamang sa paglalakad. Inaabangan ba nila ako? They are looking at my direction! Inaabangan nga nila ako! Pero isa lang ang sigurado ko, sobra-sobrang kilig ang nararamdaman ko ngayon. Ipinagpatuloy ko ang pagte-text kahit na hindi na nagre-reply si Monica sa akin. Basta nagta-type lang ako ng kung anu-ano para magmukhang okupado ako sa ginagawa. Grabe ang kaba ko habang dumadaan na ako sa harap nila. Pakiramdam ko, inabangan talaga nila ako para makita lang. Gandang-ganda ako sa sarili ko kaya feel na feel ko ang maglakad ng marahan sa harap nila. “Ang ganda talaga ni Carlyn, ‘no?” Narinig kong bulong ni Gil. Carlyn? Iyong 2nd year na achiever? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Gil. Teka, asan ba kasi si Carlyn? Akala ko ba ako ang inaabangan nila dahil nakatingin sila sa direksyon ko. Nag-angat ako ng tingin sa harap at nakita ko ngang si Carlyn ang unang dumaan kanina. Ilang metro lang ang layo ko mula sa kanya. “Pormahan mo na, Christian.” Buyo ni Edmund sa kanya. Narinig ko ang mahinang halakhak niya. “Bata pa.” Tanging sagot niya rito. I felt irritated when I heard his answer. Pakiramdam ko, nag-init ang ulo ko sa narinig. Pero dahil na rin sa kagustuhan kong mapalapit kay Christian ay may naisip agad akong paraan. Nilingon ko ang grupo nila. Nagtama ulit ang mga mata namin. Umayos lang siya sa pagkakatayo pero hindi naputol ang titigan namin. Tinanaw ko rin ang papalayong si Carlyn. Kung hindi ko pa siya hahabulin, baka hindi ko makuha ang gusto kong mangyari. “Carlyn!” Malakas na tawag ko sa kanya. Nahinto siya sa paglalakad at luminga-linga para hanapin kung sino ang tumawagbsa kanya. I ran towards her. Nakangiti niya akong sinalubong kahit na kita ko sa kanyang mukha ang matinding pagkalito. “Hi Ate Lae!” Nakangiting bati niya sa akin. I have to think my alibi now. It should be flawless and realistic. “Di ba makakasama kita sa inter-school essay writing and poster-making contest next week?” Tanong ko. Sana di ako pumalpak. Marahan siyang tumango. “Oo yata, Ate. Bakit?” Balik-tanong niya sa akin. I bit my lip. “Kukunin ko ang number mo. Okay lang ba?” Diretsahang tanong ko sa kanya. “Oh sige po!” She gladly complied. Matapos niyang isulat ang numero niya sa 1/4 sheet of paper ay nagpasalamat ako’t tinalikuran na siya. Blangkong tingin lang ang ipinukol ni Christian sa akin. Hawak ko ang kapirasong papel kung saan sinulat ni Carlyn ang numero niya. “Uy, Lae? Ano ‘yan?” Excited na tanong ni Edmund sa akin. I rolled my eyes and handed the piece of paper to Christian. I smirked sarcastically and raise a brow. Dismayado man akong sinampal ng katotohanan na hindi naman pala ako ang gusto niya, wala naman akong magagawa. May iba siyang gusto kaya itong ginawa ko ay pambawi na lang sa kanya. Dahan-dahan niyang inabot ang maliit na papel. “You’re welcome.” I said with a hint of sarcasm. “Wow! Number ni Carlyn ‘yan ah? Chris! I-text mo na!” Sabi ni Gil. Umalis na ako sa harapan nila habang pinaguusapan pa rin kung paanong diskarte ang gagawin nila. Pero nang makalayo na ako’t halos marating ko na ang classroom na wala pang katau-tao ay may humila sa kamay ko. “Ba’t mo ginawa ‘yon?” Malamig na tanong niya sa akin. Nangunot ang noo ko. Bakit pa siya nagtatanong? Hindi ba siya masaya sa ginawa ko? He can text her all he wants! No sweat na siya ro’n dahil ako na ang gumawa ng tulay! “Eh ‘di ba gusto mo siya?” Balik-tanong ko. He gulped. Sinasabi ko na nga ba. “Bakit mo kinuha ang number niya?” “Because you like her!” Ipinilig niya ang kanyang ulo. Amusement is very evident on his playful stares. “I didn’t say that.” Napansin kong hawak niya pa rin ang kamay ko. Binawi ko iyon sa kanya ng walang kahirap-hirap. “But you are!” He crossed his arms and stared at me like a hawk-eye. Hindi ko kinakaya ang bawat titig niya sa akin. Pakiramdam ko, natutunaw ako. Pero dahil ayokong maisip niyang ganoon ang nararamdaman ko, nakipagsukatan din ako ng titig sa kanya. “Hindi ko hiningi sa’yong gawin mo ‘yon.” He said blandly. I snapped. Lumapit ako sa kanya’t tiningala ko siya. “Pero ‘pag hiningi mo sa iba, okay lang? Sa akin hindi?” Tanong ko. Hindi nakatakas sa boses ko ang tila pagtatampo dahil sa sinabi niya. His lips parted a bit. Tila gulat na gulat sa inasta ko. That’s when I realized how embarassing it is big time! I bit my lips. Kailangan ko ‘tong lusutan. Baka isipin niyang...gusto ko siya. I smiled half-heartedly. I saw how his reaction faded from my last actuation. “Kung ayaw mo siyang i-text, eh ‘di huwag.” Supladang sabi ko bago ako pumasok sa loob ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD