"HUH? WHAT'S this?" Pinulot ni Cee ang itim na papel sa sahig. Masusi niya iyong sinuri habang naglalakad papunta sa mesa niya dito sa Love Club. Hugis parisukat ang itim na papel. Simpleng letrang DC lamang ang nakalagay doon. Tinignan niya ang kabilang bahagi ng papel. "Cereal dela Cruz, Room S610, six o'clock in the evening. Be there on time if you want to join the upcoming graduation ceremony," basa niya sa nakasulat. Kaagad na napakunot ang noo ni Cee. "Anong pakulo 'to? 'Kaasar, ah!" Bumukas ang pinto ng Love Club. She was expecting to see one of the girls but someone else entered the room. Napakunot ang noo ni Cee nang si Acer ang nakita niya. "Where's Ava?" tanong nito. "Uh, somewhere?" "Tch." Akmang lalabas na ang lalaki nang bigla itong napatingin sa hawak niyang papel.

