"Mmm! Mmmm!" Pilit na kumakawala ni Antheia mula sa kung sino mang tao na tumakip sa bibig niya. Hindi siya makakilos. Hindi siya makapalag dahil hawak ng taong ito ng mahigpit ang kanyang dalawang kamay. "Mmm!" Gusto niyang sumigaw ngunit ayaw lumabas ng boses niya at talagang naipit na. Hanggang sa tila naamoy niya ang isang pamilyar na amoy. Ang pabangong iyon, alam na alam niya ang amoy na iyon. "My sweet sugar baby," bulong ng nilalang na iyon kasabay ng pagdampi nito ng halik sa kanyang leeg. "Oh, God!" Gumapang ang tila milyong bultahe ng kuryente sa kanyang buong katawan ng maramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang leeg. Kakaibang kiliti. Kakaibang sarap at talaga namang nakakapang-init ng katawan. "Atticus?!" Saad niya sa kanyang isipan. Tama ang hinala

