Chapter 3

4890 Words
CELESTINE Renovation?! Hindi makapaniwala na sabi ko sa isip ko sa sinabi ni Clyde. Gusto niya na ipa-renovate ang resort at ako ang kukunin sa pamamahala sa magiging renovation na mangyayari. Ano bang pumasok sa isipan ng lalaki na 'to at naisip pa niya na ipa-renovate ang lugar, samantalang ang ganda-ganda naman? Palibhasa ay maraming pera kaya kung ano-ano ang napag-iisip na gawin sa buhay. "Sorry, sir Clyde. Pero hindi ko matatanggap ang offer mo. Ang pagiging wedding planner lang ang trabaho ko, at hindi ang magplano ng renovation ng resort n'yo," sagot ko sa kanya sa alok na panibagong trabaho sa akin. Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. Nagsalubong ang mga kilay niya at nagtaas- baba ang dibdib niya saka muling nagsalita sa akin. "Kung wala kayong balak na tapusin ang kontrata na pinirmahan n'yo sa akin ay idedemanda ko na lang ang company n'yo," malamig na wika nito sa akin. Gulat akong napatingin sa kanya. Kontrata? Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong pinirmahan na kontrata sa kanya dahil ni hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos about sa wedding nila ng nobya niya. Kaya paanong magkakakontrata? "Excuse me? What did you just say? A contract?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. May inilapag siya na papel sa ibabaw ng table. "Hindi pa ba sa 'yo na di-discuss ng kaibigan mo 'to?" Tanong niya. Kaagad kong binasa ang nakasaad sa kontrata na sinasabi nito. Halos panawan ako ng hininga nang makita ko roon ang signature ni Chesca sa ibaba ng kontrata. Napalunok na lang ako kasabay nang panghihina ng mga tuhod ko. "I...I didn't know this..." usal ko sa pagkamangha sa ginawa ng kaibigan ko. Hindi ba nito binasa ang nakasaad sa kontrana na aabutin ng three months pagtatrabaho namin kay Clyde, at hanggang matapos ang renovation saka palang ipaplano ang wedding nila? Natampal ko ang noo ng palad ko. Biglang sumakit at ulo sa nalaman ko. Nasanay na ako na si Chesca ang pumipirma ng contract kung kinakailangan ang immediately signature ko. At tiwala naman ako sa kanya dahil never pang nagkaroon ng aberya pagdating sa pirma-pirma ng kontrata. But this one is very different. She shouldn't signed the contract dahil wala naman kaming idea pareho sa renovation ng isang lugar. Simpleng change background lang ang alam namin. "I'm sorry, Celestine, but I have to file a case against you if you don't follow what's written in the contract," he sounded serious. Natameme ako sa narinig ko. Grabe ang lupit naman niya! demanda, talaga? Tinapunan ko siya nang tingin. "Okay, we will do our best para magawa namin ang trabaho namin sir," sagot ko sa kanya. Dahil wala na din naman akong magagawa pa kung hindi ang pagbutihin na lang ang trabaho kaysa i-demanda pa niya ako at masira ako sa mga tao. Hindi lang talaga ako makapaniwala na wala siyang puso. "Good, you made a good decision, Tin," nakangiti na sabi niya. Hindi ko alam kung may saltik ba siya or ewan, kanina lang halos gusto na niya ako lunukin ng buo nang sabihin ko na hindi ko magagawa ang nakasaad sa contract. Then , ngayon para siyang nanalo sa lotto kung ngumiti sa harap ko. Sa dami ng magaling na wedding services, minsan napapaisip ako kung bakit ako ang naisipan na kunin ng lalaki na ito. Para ano? Para ipamukha sa akin na mapera siya? Na nakukuha niya ang lahat ng gusto niya dahil may pera siya? At ako ano? Wala akong kakayahan na i-turn down ang offer niya dahil kailangan ko ng pera niya? Gusto kong mainis talaga sa kanya, pero magiging positive na lang ako. Three months won't take to long, bukas makalawa hindi ko mapapansin na tapos na ang tatlong buwan na pagtatrabaho ko sa kanya. The best thing I do, is to motivate myself that after three months kikita ako ng malaking halaga sa kontrata ko sa kanya. Tutal wala na din naman akong magagawa pa dahil Chesca was already signed the contract. "Kung wala ka ng iba pang sasabihin, can I excuse myself for awhile?" Sabi ko ng walang umimik sa aming dalawa. Isang simpleng tango lang ng ulo ang sinagot niya sa akin. "Thank's," mahinang sabi ko, bago ko siya tuluyang tinalikuran. Alam ko na habang naglalakad ako ay pinapanood niya ang papalayong paglalakad ko buwat sa gawi niya, kaya mas binilisan ko ng lakad upang mawala na akong tuluyan sa paningin niya. Nang makarating ako sa silid ni Chesca ay kaagad kong pinihit ang seradura ng pinto pa-bukas. "Why did you sign the contract without my permission? I mean, why did you never mention the contract?" Gulat na napatingin sa akin si Chesca sa pag-hi-hysterical ko sa kanya. "Sss... kakatulog lang ni baby," wika niya sa akin. Na konsensya naman ako sa pag-hi-hysterical ko, natutulog pala ang anak ko. Maingat ako na umupo sa isang parte sa gilid ng kama. Siya naman ay inayos ang unan ng anak ko, saka bumaling ng tingin sa akin. "Kaninong contract ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya sa sinabi ko kanina. "Bakit hindi mo sa akin sinabi na may pinirmahan ka na contract kay sir Clyde?" sagot ko sa kanya. Napakunot-noo siya. "Ha? Eh ang sabi ni sir Clyde sa akin napag-usapan n'yo na daw ang tungkol sa kontrata, and he told me that you agreed the contract, hindi mo nga lang daw na-pirmahan that time kasi hindi n'ya dala 'yung contract," paliwanag niya sa akin. Namilog ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Chesca. Wala akong natatandaan na may napag-usapan kami ni sir Clyde tungkol sa kontrata, he never mention it not even once on me. Kaya paano niya nasabi kay Chesca na nag-agree ako sa term ng contract? "Bakit friend? May problema ba sa contract?" Mabilis akong umiling sa kanya. "Wala naman," tipid na sagot ko. "Kailan mo pala pinirmahan 'yong contract?" kapagkuwan ay pag-iinterogate ko sa kanya. "Kaninang umaga lang din," "Ka-kanina? As in kaninang umaga lang?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Tumango siya. "Oo," "Ah, okay, salamat, kaninang umaga lang pala—" Naputol ang pag-uusap namin ni Chesca nang makarinig kami ng katok sa pinto, lumakad ako at binuksan iyon. "Celestine, hija, may pinadeliver si Clyde na crib ng baby mo, ipapaderetso ka na sana sa loob ng kwarto n'yong mag-ina, kaso wala kayo roon," wika ni Aling Gina sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "P-po? N-nagpadeliver po ng crib si sir Clyde para sa baby ko?" manghang tanong ko kay Aling Gina. Hindi na ako nagawang sagutin pa ni Aling Gina dahil sabay kaming napatingin sa boses ng isang lalaki na nagsalita. "Saan ko po ilalagay 'to Ma'am?" tanong nito habang buhat-buhat ang malaking box ng crib. Nakita ko na hinihingal pa ang delivery man dahil inakyat pa nito ang bitbit na crib papunta sa kwarto namin dito sa itaas. Kaagad ko na itinuro ang silid na tinutuluyan naming mag-ina. "Salamat po kuya," nakangiti na pasasalamat ko sa kanya. "Wait lang po kukuha lang ako ng pera para mabigyan ko po kayo ng tip," sabi ko na tumakbo ako sa loob ng kwarto at hinagilap ang bag ko para kunin ang wallet sa loob niyon. "Naku, miss, huwag na po kayong mag-abala pa dahil malaki na po ang binigay na tip ng mister n'yo sa akin," wika ng delivery man. Napatigil ako sa paghahalungkat ng bag ko, saka bumaling ng tingin sa lalaki. "Hindi ko pa s'ya asawa, kuya," nahihiyang sagot ko. "Ay, pasensya na po Ma'am, ang sabi po kasi ni seller, ang misis ni buyer ang magre-receive ng order. Pasensya na po talaga ma'am," napapa-kamot sa ulo na anang delivery man sa akin. "Okay lang po 'yun kuya," nakangiti na sagot ko. May inabot siya sa akin na papel at pinirman ko ang received order, hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ito kaagad. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Bakit niya ako ipinakilalang asawa niya sa in-orderan niya ng crib. Hindi ko muna ginalaw ang crib. Lumabas ako ng kwarto at hinagilap ko si Clyde. Nakita ko siya na nakatayo at may kausap sa phone. Hinintay ko muna na matapos ang pakikipag-usap niya saka ko siya kakausapin. "I call you back later," narinig ko na wika niya sa kung sino man kausap niya sa kabilang linya. "Is there a problem with the delivery?" Tanong niya kaagad sa akin naparang alam na niya na darating ako doon sa gawi niya. Mariing tinitigan ko siya, then I composed a words. "Bakit mo binilan ng crib ang baby ko?" Tanong ko. "Three months kang magtatrabaho dito sa resort 'di ba? Kailangan ng crib ng baby mo for her safety," kibit balikat na sagot niya. "Pero hindi mo na sana ginawa 'yon dahil kaya ko naman bilan ang anak ko, sir Clyde," giit na sagot ko sa kanya. "My baby has a crib sa bahay ko, kaya hindi ko matatanggap ang crib na pina-deliver mo," wika ko pa sa kanya baka kasi kinakaawaan niya ang baby ko kaya naisipan niya na bilan ito ng crib. Muling umasim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Umigting ang panga niya at halatang nagpipigil ng galit sa akin? Dahil tinanggihan ko ang binili niya na crib sa anak ko. "That crib is not for you, that's for Celine, so no big deal," matigas na wika niya sa akin. "Hindi maganda na tumatanggi ka sa gift para sa anak mo," Tumingin siya sa akin, at nakipag sukatan pa ito sa mga mata ko. I saw a hint of anger in his eyes. At hindi ko 'yun iniwasan dahil galit na rin ako sa kanya. Hindi ko kailangan ng awa niya sa baby ko. "Bakit cash ba ang gusto mong ibigay ko sa baby mo? Don't worry next time I'll make it a cash," mapanuya na sabi niya na para bang wala siyang pakialam kung nakakasakit na siya sa damdamin ng iba. My heart pound terrible. Sobra talaga siya kung mang-insulto ng tao! Hindi nga ako nagkamali, mukhang pera ang tingin niya sa akin. My eyes starting to burn. Nararamdaman ko na ilang minuto na lang ay mangingilid na ang mga luha ko. I swallow hard and detained the tears to fall down. Hindi na niya magagawa sa akin ang panghahamak na ginawa niya ng gabi na bayaran niya ang dignidad ko. I will not let him, including my daughter be humiliated by his filthy mouth. "Ang sakit mo naman magsalita... Gusto ko lang isauli ang crib na binigay mo sa baby ko, grabe ka na kung manghusga ng tao. Hindi lahat sir Clyde, nabibili ng pera mo! Sige kung ayaw mo na isuli ko ang crib na binigay mo sa baby ko, ibawas mo na lang sa iba-bayad mo sa akin," galit na sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Tumigil sako sa paghakbang dahil may nakalimutan pa akong sabihin. Pumihit ako paharap sa kanya. "At 'wag na 'wag mong kalimutan na isama pati na ang pinambili mo ng feeding bottle ang gatas ng anak ko sa iba-bayad mo sa akin. Ayoko kasing magkaroon ng utang na loob sa 'yo. At pakisabi na rin kay Aling Gina na huwag na niyang problemahin pa ang pagkain namin ng kaibigan ko, para wala na akong babayaran pa utang na loob sa 'yo," mariing wika ko saka muling pumihit patalikod sa kanya at masama ang loob na lumakad palayo sa kanya. ----- Nang makalayo ako sa kanya ay tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Tama lang talaga na hindi niya malaman na siya ang ama ng anak ko, dahil hahamakin lang niya ang baby ko. I HATE YOU, CLYDE! I HATE YOU! Pagpasok ko sa loob ng kwarto naming mag-ina ay kaagad akong dumeretso sa loob ng banyo saka naghilamos ng mukha. Ayoko naman makita ni Chesca ang namumula kong mga mata. Simula sa araw na ito ay hindi ko na siya hahayaan na lapitan pa ang anak ko. Hindi na... Nang matantiya ko na ayos na ang mga mata ko. Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa kwarto ni Chesca. Pagdating ko doon ay gising na ang baby ko, piniga ko ang daliri ko upang pigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Hindi ko talaga mapigilan hindi masaktan para sa baby ko…Wala pa nga siyang muwang ay hinahamak na siya ng ama niya dahil sa akin. Huminga ako ng malalim at pinasaya ko ang sarili ko. Hindi dapat maapektuhan ang trabaho ko sa pinag dadaanan ko. Ayokong magpa-burden na naman sa kaibigan ko. "Gising na pala ang baby ko!" Nakangiti na wika ko saka lumapit sa kama kung saan nilalaro ni Chesca ang anak ko. "May problema ba?" Napunit ang ngiti sa labi ko sa tanong ni Chesca sa akin. Pero mas ginalingan ko ang pagtatago sa sakit ng nararamdaman ko. Ngumiti ako sa harap niya. "Ha? Problema? Wa-wala... Bakit mo naman nasabi na may problema?" Sagot ko sa kanya. Binuhat ko ang baby ko. "Ang sarap ng tulog ng baby ko, ah!" malambing na sabi ko sa anak ko at hinalik-halikan ito sa pisngi. "Sabi kasi ni Aling Gina mukhang nagtatalo raw kayo ni sir Clyde, dahil sa crib na binili niya para sa anak mo," wika ni Chesca. Napatigil ako sa paghalik sa anak ko. "Ha? Hindi naman sa ganun, ahm... sinabihan ko lang siya na hindi niya kailangan na gawin ang bagay na 'yon para sa baby ko. Saka ayoko na isipin niya na sinasamantala ko ang kabaitan niya 'di ba?" pagsisinungaling ko sa kanya. "Eh, bakit parang namumula 'yang mga mata mo? Halatang umiyak ka, eh?" Malutong ako na humalakhak. "Ano ka ba, syempre na-mi-miss ko 'yung kapatid ko," muling pagsisinungaling ko sa kanya. Tumango-tango siya sa sinabi ko. Lihim akong napangiti dahil naniwala naman siya sa kasinungalingan ko. "Ah, 'yun lang naman pala, akala ko kung ano na," sabi niya at tumayo sa kama saka pumasok sa loob ng banyo. "S'ya nga pala Chesca, sa labas tayo kakain ng dinner ngayon gabi ah!" medyo malakas na wika ko upang marinig niya sa loob ng banyo. Binuksan niya ang pinto ng banyo saka nagsalita. "Ano? Bakit sabi ba ni sir Clyde?" Sagot niya habang naka-upo sa toilet bowl. I guess she's peeing there. "Hindi, gusto ko lang sa labas na tayo kumain at makapag-grocery na rin ng mga pangangailangan natin, 'di ba nga medyo magtatagal tayo dito," another lies comes from my mouth. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya ang naging pag-uusap namin kanina ni Clyde. Dahil excited din naman siya na lumabas sa resort na iyon. Mabilis kaming nagbihis upang hindi kami gabihin sa daan. Buhat ko ang baby ko at lumapit ako kay kuya driver para pakiusapan siya na ipag-drive kami sa pinakamalapit na grocery or mall. Basta any place na maari kaming makapamili ni Chesca. Siguro naman kung makikilagay kami ng stock sa fridge kay Aling Gina ay ayos lang. "Naku, pasensya na po Ma'am pero kailangan n'yo po munang mag paalam kay Sir Clyde na aalis po tayo, baka po kasi pagalitan ako ni Sir," napapa-kamot sa ulo na wika sa amin ni kuya driver. "Sige na, friend ikaw na ang magpaalam kay Sir Clyde, para makaalis na tayo," wika ni Chesca sa akin. Napalunok ako. Kanina lang ay halos magtalo na kami kaya pakiramdam ko ay hindi ko pa siya kayang harapin. Pero hindi maari na iwasan ko siya ng matagal na panahon dahil may kailangan akong tapusin na trabaho sa kanya. Tama. Kailangan ko na lakasan ang loob ko. Binigay ko sa kanya ang anak ko. Saka ako lumakad palayo sa mga ito. Habang naglalakad ako ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Inisip ko na lang ang panunuya niya sa akin kanina para lumakas ang loob ko. Mas mabuti na ito kaysa naman mabaon ako ng utang na loob sa kanya. At ayoko na isipin niya na umaasa ako sa pera niya. Pagpasok ko sa loob ay dumeretso ako sa kusina upang tanungin si Aling Gina kung nasaan si Clyde. Napaigtad ako nang abutan ko silang dalawa na nag-uusap doon. Hindi ko man alam ang kung ano ang pinag-uusapan nila ay ramdam ko na seryoso ito. Marahil ay sinabi na ni Clyde kay Aling Gina ang sinabi ko sa kanya kanina. "Oh, hija, aalis na ba kayo?" Nakangiting tanong ni Aling Gina sa akin. Napatigil naman ang pag-inom ni Clyde ng tubig sa baso na hawak nito saka tumingin sa akin. Lumapit ako palapit pa sa mga ito. "Opo sana Aling Gina," sagot ko rito, saka tumingin kay Clyde. "Ipapaalam ko lang po sana kay Sir Clyde na kung pwede ipag-drive kami sandali ni kuya driver papunta sa grocery," sabi ko. Umigting ang panga ni Clyde sa narinig nito. Halata na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Dinala niya ang baso sa bibig niya at inisang lagok ang laman na tubig niyon. "Sige na po, Yah, iwan n'yo na po kaming dalawa," magalang na utos ni Clyde kay Aling Gina. Tumango si Aling Gina sa kanya at umalis na ito sa kusina. Tinapunan ako ng masama tingin ni Clyde, then scanned me from head to toe. Sa paraan ng paninitig niya sa akin ay tila gusto kong matunaw sa kaba. That looks scared me a lot, at nakakapanghina ng tuhod. Para siyang tigre na gusto akong sakmalin anytime at lunukin ng buo sa paraan ng titig niya sa katawan ko. "Ipapaalam ko sana 'yun driver mo na ipag-drive kami ng kaibigan ko papunta sa grocery," lakas loob na sabi ko sa kanya, kahit alam kong narinig na niya kanina ang pakay ko, kung bakit gusto ko siyang makausap. Nakita ko na nagtaas-baba ang dibdib niya, at pagkatapos ay lumakad palapit sa akin. Napasinghap ako nang halos isang dipa na lang ang layo niya mula sa kinatatayuan ko. "At ano naman ang gagawin n'yo sa grocery ng kaibigan mo?" Tanong niya habang mariing nakatitig sa mga mata ko, pababa sa leeg at dibdib ko na kita ng bahagya ang hiwa ng cleavage sa suot kong v-neck dress style. Naaasiwa na nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya at pumaling sa ibang direksyon. "Mamimili lang sana kami," tipid na sagot ko, at umatras ng dalawang hakbang. "To buy for what?" Muling tanong niya saka humakbang palapit sa akin. "Stock namin ng kaibigan ko," sagot ko sa kanya ng hindi bumabaling ng tingin sa gawi niya. "Stock? What for? Hindi na-u-ubusan ng laman ang fridge, and stock ang food storage ko dito sa resort. Kaya no need for you to buy some. I have plenty of cash to buy more. So it's better to keep your money in your pocket," wika nito. Pakiramdam ko ay minamaliit na naman niya ako. Hindi naman niya kailangan na i-voice out pa na marami siyang pera. Ofcourse alam ko naman 'yon 'no! At hindi ako nakikipag paligsahan sa paramihan ng pera sa kanya dahil alam kong hindi ako mananalo. Pero gusto ko pa rin na itayo ang dignidad ko. At gusto kong ipamukha sa kanya na kaya kong bumili ng pagkain na kakainin ko sa pera na pinagpaguran ko. "Salamat na lang Sir Clyde, pero mamimili pa rin kami ng kaibigan ko, you know mahirap 'yun mabaon ng utang na loob sa ibang tao," matigas na wika ko. Namilog ang mga mata ko at napaigtad ako sa gulat nang hampasin niya ang table gamit ang palad niya. "Ako ang batas sa lugar na 'to, Celestine. Kaya pag sinabi ko na hindi kayo aalis, hindi kayo aalis! Just let me know kung ano pa ang kailangan n'yo at ipabibili ko sa driver ko," mariing sabi niya sa akin kasabay ng marahas na pagtulak sa akin. Napasandal ako sa sementadong pader ng kusina. Tila umaapoy sa galit ang mga mata na tinitigan niya ako. "Hanggat nagtatrabaho ka sa akin, susundin mo 'ko! At lahat ng gusto ko, Celestine. I'm your boss, kaya ako ang masusunod!" Mariing wika niya sa akin at hinawakan ang braso ko ng madiin. Sabay kaming gulat na napatingin nang marinig namin ang boses ni Chesca. "Nag-aaway ba kayo?" Tanong niya sa amin. Sunod-sunod akong napalunok. Si Clyde naman ay derederetsong umalis ng walang paalam. Gusto kong himasin ang sumakit na braso ko dahil sa diin ng hawak ni Clyde doon kanina, pero hindi ko magawa dahil nakatunghay sa akin ang mga mata ng kaibigan ko. Bago pa siya mag-isip ng kung ano ay nagsalita na akong kaagad. "Bakit naman kami mag-a-away?" Balik na tanong ko sa kanya. Sa sobrang kaba ko dahil hindi ko alam kung mapapaniwala ko pa ba si Chesca sa pagsisinungaling ko ay kinuha ko ang baso na nasa ibabaw ng lamesa at nilagyan iyon ng malamig na tubig mula sa fridge. Matapos kung saidin ang tubig na isinalin ko sa baso ay saka palang nag-sink-in sa akin na iyon nga pala ang baso na ginamit ni Clyde kanina! Napalunok ako ng ma-amoy ko ang manly scent na naiwan sa baso. Bumalik sa isip ko na bagong paligo ito nang abutan ko sila sa kusina ni Aling Gina na nag-uusap. "Pawis na pawis, huh?" Tudyo na sabi sa akin ni Chesca. Naputol ang pag-iisip ko at tumingin sa nakangisi niya na mukha sa akin. sa ngiti niya na iyon ay alam ko ang tumatakbo sa isip niya. "Ano bang ginawa sa 'yo ni Sir Clyde at ganiyan ang itsura mo?" Pliya na tanong niya. "Alam mo kung hindi ko lang alam na may Danica na si Sir Clyde, at malapit na silang ikasala, iisipin ko na may relasyon kayong dalawa," dagdag na sabi pa nito. Literal akong nasamid sa narinig ko. Napa-ubo ako ng sunod-sunod. Tinapik-tapik ko ang dibdib at sa pangalawang pagkakataon ay ginamit ko ang baso ni Clyde. Mabilis kong binuksan ang fridge at nilagyan ng malamig na tubig ang baso saka ako uminom ng tubig.. "Ano ka ba naman Chesca? Kung ano-ano ang sinasabi mo, baka mamaya niyan may makarinig sa 'yo!" Sita ko sa kanya ng maging maayos na ang lalamunan ko. Isang pilyang ngisi ang binigay niya sa akin. "Bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo 'no. Look, sabi ni Sir Clyde kaninang umaga. Huwag na daw kita gisingin muna dahil alam daw n'ya na puyat ka sa pag-aalaga kay baby, plus kaya inabutan mo s'ya na karga si Celine kasi gusto n'ya na maka-kain ka ng breakfast ng maayos," Hinarap niya ako saka mariing tinitigan sa mga mata ko. "Aminin mo nga sa akin, mag-ex ba kayo ni Sir Clyde?" Walang preno na tanong niya. Kumakabog ang dibdib ko sa mapangahas na wika niya sa akin. "Ha-ha? S-sira ka-ka ba? Hindi kami mag-ex ni Sir Clyde 'no," nayakakanda bulol-bulol na sagot ko. Pagak akong humalakhak. "Saka tingin mo naman papatulan ako no'n? Milya-milya ang layo ng beauty ni Miss Danica kumpara sa akin 'no!" Dagdag na sabi ko saka kinuha sa kanya ang baby ko. "Mm... Para kasing may unfinished business pa kayong dalawa ni Sir Clyde, eh." Nakanguso na sabi niya. "Haist! Basta, ewan. I feel something talaga when you are guys around to each other. Iba eh. Hindi ko lang ma explain, but I know you both knew what I mean.." Muli ay humahalakhak ako upang mapag takpan ang pagiging guilty ko sa pahayag niya. Gosh. Kahit siya ay may napapansin na rin sa mga kilos namin ni Clyde. We shouldn't act like this... Hindi normal ito. Kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan na 'wag na niyang pakialaman ang buhay naming mag-ina dahil kliyente ko lang siya. I should talk to him later after dinner, hindi na dapat pang ipagpabukas ko ang issue na ito. Like what I've said. Kakausapin ko si Clyde tonight. I asked Aling Gina where he is, and she told me that he's inside his room. Wala naman daw 'yon ginagawa kung hindi ang magkulong sa kwarto or di kaya naman ay mag pahangin sa labas after ng hapunan. Well, syempre wala naman ibang magagawa dito sa resort kung hindi ang magpahangin lang at humilata sa kama habang nanonood ng t.v. Kanina lang ay ang lakas ng loob ko na gusto ko siyang kausapin. Pero kung kailan malapit na ako sa kwarto niya ay bigla namang dinaga ang dibdib ko. Napatigil ako sa paglalakad. Itutuloy ko ba talaga 'to? Tanong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Okay, itutuloy ko na. Para once and for all ay alam niya na hindi na tama ang pakikialam niya sa buhay ko. Nang makaratating ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya ay nakabukas ito ng bahagya. Kumakabog ang dibdib ko na kumatok ako at tinawag ko siya. "Sir Clyde..." Tawag ko kasabay ng pagkatok sa pinto niya. Dahil nakakailang tawag at katok na ako sa pinto niya ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dahan-dahan ko na itinulak pabukas ang pinto. Sunod-sunod akong napalunok at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa loob ng kwarto niya. Napakunot ang noo ko kung bakit may mga gamit ng bata sa loob ng kwarto niya. At ang iba sa mga iyon ay naka-box pa. Masama man maging pakialamera pero hindi ko mapigilan ang mga paa ko. Nilapitan ko ang mga iyon at tinignan. I just scanned those baby stuff in his room. Siguro naghahanda na rin siya para sa baby nila ni Miss Danica. Kumirot ang puso ko sa pumasok na iyon sa isip ko. Bigla akong naawa sa baby ko. I was thinking kung malaman kaya niya na anak niya ang baby ko ay bibilan din niya ng mga magagarang kagamitan na tulad nito ang baby ko? Nasa ganun akong pagmumuni-muni ng bigla akong mapa-igtad nang marinig ko ang boses ni Clyde buhat sa likod ko. Napapikit ako at kinagat ko ang ibabang labi ko. Haist! Celestine, ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo at pumasok ka sa kwarto niya ng walang pahintulot! Baka mamaya isipin pa niya na may balak kang masama sa loob ng kwarto niya. Tila naka-glue ang mga paa ko at hindi ko magawang pumihit paharap sa kanya. Muli ay napalunok ko nang marinig ko ang yabag ng mga paa niya na lumakad siya palapit sa akin. Hanggang sa halos panawan ako ng aking paghinga ng nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko saka siya nagsalita buhat sa likod ko. "What a surprise to see you here, Celestine..." He said softly. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nalilito ako kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. I was about to compose a words to speak up. But I froze when his lip landed on my head. Inamoy niya ang buhok ko ng paulit-ulit na para bang isang bulaklak na gustong-gusto niya ng amoy niyon. Maya-maya ay pumaroon ang labi niya sa tainga ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang muli siyang nagsalita. "I miss you, Tine..." Nanginig ang tuhod ko sa tila nang-aakit niya na tinig. Sinisigaw ng isip ko na ikilos ko ang katawan ko upang lumabas na ako sa kwarto niya. Pero ang mga paa ko ay tila naparalisa dahil wala akong lakas upang sundin ang sigaw ng isip ko. Tine. Kumilos ka! Galit ka 'di ba? Anong ginagawa mo? Bakit nakatunganga ka pa d'yan?! Akma ko na sanang ikikilos ang katawan ko pero hindi ko iyun nagawa. Pinihit niya ako paharap sa kanya saka pinagpantay ang mga mukha namin, then he kissed me! Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat sa ginawa niya na iyon. I kept my lips closed. Pero mapangahas ang labi niya sa aking labi. Kinagat niya ang ibabang labi ko dahilan upang ma-panganga ako. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon. He claimed my lips wholly. Kinulong pa niya ang mukha ko ng mga palad niya saka ako hinalikan ng mapusok. Halos higupin niya ang labi ko sa tindi ng paghalik niya. Hindi ko ipagkakaila na na miss ko ang labi niya na una at huling lalaki na umangkin sa labi ko. Pero hindi ito tama. May Danica siya at malapit na silang ikasal. Ano ba 'tong ginagawa niya sa akin. Nararamdaman ko na unti-unti na rin akong nalalasing sa halik na pinaparanas niya sa labi ko. Pero nilabanan ko iyon. Alam mo ang tama at mali, Celestine. Inipon ko ang lahat na natiirang katinuan ko sa sistema ko at tinulak ko siyang palayo sa akin. Gulat siyang napatitig sa akin sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo palabas sa silid niya ng walang ni kahit na isang salita ang namutawi sa bibig ko. Pagkarating ko sa silid na tinutuluyan ko ay humihingal akong napasandal sa likod ng pinto. Mabuti na lang at nasa kwarto ni Chesca ang baby ko, kung hindi ay baka nakita ako ng kaibigan ko na ganito ako. Hindi ka pwedeng ma-apektuhan sa halik niya, Celestine. Hindi pwede! Mabilis kong hinagilap ang phone ko saka ko ini-dial ang numero ni Adriel. "Sinasagot na kita, Adriel. Simula sa gabi na 'to ay boyfriend na kita!" Bungad ko kaagad kay Adriel nang sagutin niya ang tawag ko mula sa kabilang linya. Batid ko ang kasiyahan niya sa ginawa ko. Matagal na din niya akong nililigawan kaya siguro ito na ang paraan ng tadhana para sagutin ko siya at ibaling ko sa kanya ang nararamdaman kong pagtingin para kay Clyde. Iyan ang tama, Celestine. Magmahal ka ng lalaking alam mong minamahal ka at higit sa lahat ay may respeto sa iyo…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD