Chapter 3

1776 Words
Chapter 3 Pagpakapasok ko sa loob ay mabilis na tumayo si Papa at kinuhanan ako ng tuwalya. Abot abot ang nakuha kong sermon sa kanya. "Lagi kasing magdadala ng payong. Mahirap magkasakit ngayon. Alam niyo namang kahit anong gawin ko, hindi ko mapapantayan ang pagbabantay ng Mama niyo sa inyo kapag nagkakasakit kayo." Patuloy na pagsasalita ni Papa habang tinitimplahan ako ng mainit na gatas. Hayan na naman siya. Laging binababa ang sarili kapag si Mama na. Hindi naman kami nagkukumpara ni Ate. Malalaki na kami kaya kung magkasakit man kami, alam na namin ang gagawin. Totoo naman. Mas mukha pang magkakasakit si Papa pag masama ang pakiramdam namin ni Ate. He didn't know what to do but he still took care of us. He never left. Oras oras tsine-tsek ang lagay namin. He made us delicious sopas, which is my favorite. He never sung lullabies for us, but he gave us the best cuddles. Tiningnan ko si Papa na ngayon ay nilalabhan ang basa kong damit. Inilapag ko ang tasa sa center table. Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. "Love you 'Pa, sayo lang kami." Malambing kong bulong. "Bakit sino ba ang may sabi na ipapamigay ko kayo? Para kay Eugene lang sila Eualie at Eula." Salita naman nito. Natawa ako. "Eh, pano kapag nag asawa na si Ate? Di mo ibibigay sa asawa niya?" Hindi nakasagot agad si Papa. "Next question nak, hirap sagutin niyan. Atsaka huwag muna... heartbroken pa ate mo. Malayo pang mag asawa 'yon." Natawa ako. "Pero kung sakali, ipapamigay mo ba?" Tumikhim ako. "...kami." Hinango ni Papa ang damit ko at kumuha ng batya. Doon nito inilagay pagkatapos ay tinutukan ng tubig galing sa gripo. "Kung makahanap kayo ng lalaking hindi katulad ko...sige, papayag ako." Sagot nito at kinuha ang maliit na stool. Umupo doon at inumpisahang banlawan ang mga damit ko. Kinuha ko na rin ang isa pang stool at umupo na rin, katapat niya. "Bakit naman hindi katulad mo Papa. Ano iyon? Hindi kami hahanap ng lalaking mabait?" "Grabe naman yung mabait anak. Mabait ba ako? Ang ibig kong sabihin...kapag nakahanap kayo ng lalaking marunong mag alaga ng pamilya. Kasi kung kagaya ko, baka mahirapan din kayo ng ate mo. Parang si Mama mo sa akin." Sa sinagot na iyon ni Papa ay natahimik ako. Ito naman ay mabilis na inilagay sa dryer ang mga damit ko pagkatapos banlawan. Napailing dahil dapat dalawang banlaw ang gagawin kaya lang si Papa, nakalimutan na naman. Siguro ay hindi naman gaanong mabula kaya ang akala niya puwede na kahit isang banlaw. Ni, hindi nga nilagyan ng fabric conditioner bago ilagay sa dryer. Tumayo ako. Umalis ako sa may labahan at binalikan ang gatas na nilagay ko sa center table. Umupo ako at binuksan ang T.V. Sa loob ng dalawang taon....nasanay na kaming si Papa ang kasama namin. Hindi na namin hinahanap si Mama. Sabagay...paano mo nga naman hahanapin kung pinili na nitong sa ibang bahay na tumira at ibang pamilya na ang piliing asikasuhin. Sa dalawang taon...doon ko lang nakilala si Papa. Dati akala ko kakilala lang siya ni Mama na laging nagiiskype tuwing sabado at linggo sa amin. Akala ko Papa lang ang itatawag sa kanya pero hindi naman namin kaano ano. I grew up without him. Sa lahat ng pictures ko simula pagkabata...pictures namin ni Ate kapag pasko, bagong taon, birthdays naming dalawa o kahit family day....hindi siya kasama. Sa school. Nawi-weirduhan ako sa mga kaklase kong may tatay na pumupunta. Para sa akin si Mama ang taga attend ng lahat. Walang lalaki, walang haligi ng tahanan. But two years ago...everything changed. Yung umagang sermon ni Mama napalitan ng jazz music ni Papa, yung luto na masarap napalitan ng sakto lang. In two years with Papa. We bacame Papa's girls. "Pa!" Sigaw ko mula sa sala hanggang sa labahan. "Yes anak?" Hindi ako nagsalita...pumunta ako kay Papa. Pagkarating ko kung nasaan siya ay doon ko nakitang nahihirapan itong magsampay ng mga damit. Lumapit ako at kinuha na mula sa kanya ang mga damit ko. Ako na ang nagsampay. "Sabi ko naman sayo, Pa...ako na lang ang labandera e." Pareho kaming natawa. Tumatawa ito habang tumatango. Pinakatitigan siya. "Pa...alam mo? Hahanap ako ng katulad mo kapag gusto ko ng mag asawa..." Tumigil ito sa pagtawa at naging seryoso ang mukha. Ibinalik nito ang batya sa pagkakataob sa ibabaw ng washing machine. "Eh, di hindi kita ibibigay. Kung masasaktan ka lang din naman, e di dito ka na lang sa bahay at maging labandera ko habang buhay." "Hahanap ako ng lalaking katulad mo...yung hindi nang iiwan..." Sa sinabi kong iyon, natahimik si Papa. He just kissed my forehead and gave me his best hug. In two years with Papa.... I realize hindi lang pagmamahal ang pundasyon para manatiling buo ang isang pamilya. Napagtanto ko...mananatiling buo ang pamilya kapag walang umaalis at nang iiwan. "Eualie! Naks naman, manonood ka?" Pagkarating ko dito sa basketball gym ng EWU ay hinarang na agad ako ni Christian. Tumango ako habang nilalagay ko ang I. D ko sa bag. Wala na kaming pasok at bukas baka magstart na ako sa OJT. Pupunta sana ulit ako sa Circuit kaya lang ay nagchat naman itong bestfriend ko na kung puwede maging cheerleader daw ba ako sa praktis niya. Bano talaga kahit kailan. Nang makapasok na kami sa Gym ay agad nitong ibinigay sa akin ang isang banner. Tumaas ang kilay ko. "Ano 'to?" Tumaas din ang kilay nito. "Baka notebook. Di ako sure. Ano ba yan Eualie?" Sarkasmo nitong tanong. Inirapan ko siya. Inis kong inilagay sa ibabaw ng mga benches yung banner niya. "Ayokong i-cheer ka. Sayang sigaw ko." "Ay wow. Gusto ata may talent fee." Ngumisi ako. "Puwede din." Namewang ito. "Sige naman o, grabe! mag-best friend tayo tapos gaganyanin mo ko? Wala man lang ka supo-suporta." "Libreng sakay mula sa bahay hanggang sa Geoffori Firm." Alok ko. Nagkamot ito ng ulo. "Oo na sige! sige!" Napa 'yes' ako sa ere dahil makakalibre ako ng sakay. Kinuha ko na ang banner. "Bakit kasi kailangan may pa ganito pa? Eh praktis lang naman 'to." Kinuha nito ang bola at nagdribble. "Pampagana lang. Mas marami kasing nanonood ng soccer kaysa sa basketball. Hindi lang naman 'yon yung sports na meron dito sa University noh." Tumaas ang kilay ko. "Selos ka na niyan?" Umiling ito sabay ismid ng ibabang labi. Shinoot nito ang bola. "Bakit naman ako magseselos? Mas pogi naman ako sa Greg na 'yun." "Aysuuss naiinsecure si best friend oh! Lika dito." Inutusan ko itong lumapit sa akin. Sumunod naman ito. "Mas malapit. May ibubulong ako." Tinawid nito ang isang hanay ng mga upuan para makalapit sa akin. Hinawakan ni Christian ang bewang ko habang ako naman ay inilapit ang labi sa tenga niya para makabulong. "Alam mo ba nakita ko yung Claire...yung nililigawan mo kasama si Greg doon sa may restroom. Nagmi-make out." Humiwalay ako kay Christian para makita ko ang reaksyon niya. Ngunit ang inaasahan ko sanang reaksyon nito ay hindi ko nakita. Bagkus ay tumaas lang ang kilay nito at mukhang tangang nakatingin sa akin. "So?" Inosente nitong react. "Hindi ka nagseselos? Nililigawan mo 'yon diba?" Sabi ko. Tila naintindihan na nito ang ibig kong sabihin. Maya maya ay tumawa ito ng malakas. "You think? Naaapektuhan ako? No! Eualie. I only court her because of a bet.." "Bet?" Ulit ko. Tumango ito. "Yes, bet. Pustahan.." Naningkit ang mga mata ko. "Pustahan pala ha..." Sinuntok ko ang balikat nito. "Aww!" Dinuro ko siya. "Hoy Christian Miguel! Isusumbong kita sa ate mong nasa Dubai. Anong nakain mo at fukboi ka na? Hoy! Hindi porket mas malaki ka sa akin at mukhang mas matanda, hindi na kita kayang suntukin ha! Gago ka! Bakit marunong ka ng manloko ng babae?" Sunod sunod na pagsasalita ko sa kanya. "Oy! Kung may L.Q kayong magjowa. Wag kayo dito sa Gym. Gutierrez! Ilabas mo yang girlfriend mo." Kumunot ang noo ko. Ano daw? Mag jowa? "Yuck!" "Yuck!" Sabay naming sigaw. "Coach sorry pero hindi kami nag aaway. Hindi ko rin 'to jowa. Yuck lang ha!" Pinalo ko ang braso nito. Tumawa naman ito. "Ganon ba? O sha! Praktis na." Tinalon ulit ni Christian ang mga benches para makatawid papuntang court. Tumingin ito sa akin. "Pinagsisihan ko naman na. Di ko na uulitin." Ani nito. "Dapat lang." "Hindi na talaga.. takot ko lang sayo no? Sige na praktis na kami. Icheer mo na ko diyan." Matapos ang praktis ay nagpaalam na ako. Hindi ako maihahatid ni Christian dahil wala itong dalang kotse ngayon. Ang sabi niya ay sasabay siyang mag commute pero hindi ko na siya mahihintay pa. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil balak kong pumunta sa Circuit para mag bike ulit. Halos kalahati na ang nauubos ko sa mineral water na binili ko sa canteen ng bigla itong natapon sa lupa. Paano ba naman kasi ay may tumamang bola malapit ss dibdib ko. "What the--" "Oops! Sorry Miss. Puwede bang pakihagis ng bola?" Mabilis na salita ng mga soccer players na dumungaw sa labas ng soccer field kung nasaan ako. Kahit naiinis dahil natapon sa t-shirt ko yung tubig ay hindi na lamang ako umimik. Pinulot ko ang bola at naglakad sa direksyon ng mga soccer players para iabot ang bola. "Miss, puwede mong ihagis para mas mabilis. You can use your chest to throw the ball here." Salita ng isa. Ha? Narinig ko silang nagtawanan. Nang magets ko kung bakit ay itinapon ko iyon ng mas malayo sa kanila. Bastos! Nag umpisa akong maglakad palayo sa lugar. Mas inayos ko ang maluwag kong t-shirt. Mga bastos! "Hey!" "Hey!" Patuloy ako sa paglalakad. Pinipilit kong punasan gamit ng panyo ko ang nabasa kong damit. "Hey!" Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng biglang may humawak sa braso ko. Handa na sana akong sigawan kung sino iyon ng makita kong si Greg iyon. "Ikaw?" Nanatili itong nakahawak sa braso ko. "What are you doing back there?" Turo nito sa soccer field. Pasimple kong inalis ang braso ko sa kanya. Napansin ko ring naka uniformpang soccer ito. "Paki mo?" Salita ko. Nagsimula na akong maglakad ulit. "Ano ba?!" Malakas na sigaw ko ulit ng hawakan nito ulit ang braso ko. Humarap ito sa akin pagkatapos bumaba ang tingin nito sa may dibdib ko. Mabilis kong tinakpan iyon. "Bastos!" But he didn't react. Naghubad ito ng t-shirt sa harapan ko...hindi! Naghubad ito sa gitna ng field ng buong EWU! "H-hoy! Anong ginagawa mo?" Natataranta na ako. Nang tuluyan na itong nahubad ang damit ay inihagis nito iyon sa akin para matakpan ang basa kong dibdib. "Next time, don't wear button down shirt. Those f*****g men fantasizing your breast."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD