Chapter 1

2179 Words
Chapter 1 Guess you didn't cheat But you're still traitor to me... Inis kong inalis ang unan na nakatakip sa aking mukha kasabay ng mabilis na pagbangon sa kama. Masama ang tingin na ibinigay ko sa ate ko na ngayon ay nakaharap sa salamin, umiiyak, nagkakalat ang mascara sa ilalim ng dalawang mata habang may isang champagne glass na may lamang red wine na ninakaw pa niya sa lalagyan ng alak ni Papa - ngayon ngayon lang. She was singing. Yes...singing, while crying, while drinking. I rolled my eyes for I don't know how many times since her and that arrogant Greg broke up. Siguro mag iisang linggo na rin. Isang linggo ko na rin naririnig ang album ni Olivia Rodrigo sa buong kuwarto niya. Ayoko man, pero wala akong nagawa ng may mga lyrics doon na halos kabisado ko na. Minsan na-LSS pa ko. Hanggang sa EWU ay parang bell na paulit-ulit nagre-replay ang mga kanta niya sa utak ko. And I hated it! Super! "Ate...please, hindi ka pa rin maka move on?" Pagod ay tanong ko sa kanya. Madrama itong lumingon sa akin. "Hindi ko alam kung makaka-move on pa 'ko." Muli, ay humagulgol na naman ito ng iyak. Humihikbi pa ay mas lalong pinalakasan ang kanta na tumutugtog ngayon sa Bluetooth speaker nito. "I loved him. God, I loved him...I thought....I thought he was too! Tapos makikita ko siya sa bar may hinahalikan ng iba?" Mariin akong pumikit. "Hindi naman naging kayo ate--" "He flirted back! Sign na 'yon na he is interested to me!" Tinuro pa nito ang sarili. "Hindi din naman guarantee na kapag--" "Shushh! Tumahimik ka Denise." Pagpapahinto nito sa sinasabi ko. "Please have some respect sa taong nasasaktan. Before I kick you out in my room." "You know you can't kick me out," I said. She looked again to me. Inirapan ako. Walang nagawa ay bumalik ulit ako sa pagkakahiga. And I again, my crazy ate, begin to sing again like their relationship lasted a year. Mas mahaba pa nga pagmo-move on niya kaysa nung naging sila nung Greg na yon. You betrayed me And I know that you'll never feel sorry For the way I hurt, yeah You'd talk to her When we were together Loved you at your worst But that didn't matter... Malakas na tumatawa sa harapan ko si Elaine - ang bestfriend ko. Habang kinukwento ko sa kanya ang moving on process ni ate. Inirapan ko siya, kung makatawa akala mo hindi din pinaiyak nung Greg. "Mas grabe pa pala sa akin ang ate mo, sis!" Salita nito pagkatapos ay tumawa ulit. Ako naman ay tinutusok tusok ko ang ensaymada na nasa styrofoam. Inorder ko na 'to pagkadating ko pa lang ng EWU, kaninang umaga. "Ako....iniyakan ko lang ng isang gabi--" "--dalawa. Etchusera ka." Pagtatama ko. "Oy! Isa lang! Grabe 'to!" "Di magkaka-jowa forever?" Natigil ito at nag-isip ng mabuti. "Kailangan ba counted pa yung gabi sa bar? Curious lang naman ako kung sino ang bago?" "Counted 'yon kasi pagka-uwi mo, humagulgol ka ng iyak. Naalala mo? Tumawag ka pa sa isang radio station ng mismong gabing 'yon para lang manghingi ng advice sa isang DJ?" Ako. Kinain nito ang spaghetti, cause I made her speechless. "Grabe ang matandain mo neh? Wish ko, sana, maging makakalimutin ka." "Ano ba kasing nakita niyo diyan sa Greg na 'yan? I mean...yes...he is handsome pero marami rin namang mas guwapo sa kanya no? Besides, he is so arrogant, playboy, body shamer, and many many more.." Kunwaring natulala sa akin si Elaine. "Ay, gigil na gigil, Mars?" Hindi ako nagbigay ng komento at kinain na lang ang pagkain ko. Habang ito ay sumipsip ng biniling milktea. Maya maya ay iniba nito ang usapan naming dalawa. "Start ka na para sa OJT?" Tanong niya sa akin. Mabilis akong tumango. "Oo naman. Gusto ko sana sa Geoffori Engineering Firm." Lumaki ang mga mata nito. "Sa kuya ni Greg?" Kumunot ang noo ko. "Hindi mo alam?" Si Elaine ulit. Kumagat ako ng ensaymada. "Hindi naman kasi ako stalker." Tinuro niya ako gamit ang disposable fork na gamit gamit niya "Alam mo ang judger mo na ha! FYI po, kahit hindi ako mag-stalk alam ko at alam ng lahat na kapatid ni Greg yung may-ari ng sikat na Engineering firm na 'yon no!" Pinagpatuloy nito ang pagsasalita. Umayos pa ito ng upo na para bang ready na itong mag explain ng isang mathematical problem. "Engr. Gregory Geoffori, one of the best engineer here in the Philippines. Lahat ng gawa niya at ng team niya sobrang magaganda at de-kalidad. Mapa-mall man 'yan, national roads o commercial establishments. At! may mga international din siyang projects na nafe-feature sa mga international news at magazines. Nakaka-proud kasi lahat ng iyon, bunga ng sariling sikap niya siya at siya talaga ang nagsimula. And what I mean "Simula."....he started, from zero talaga." Elaine even made a quotation signs with her both hands to emphasize the word, 'Simula.' "Ganoon sila pinalaki ng mga magulang nila. For them to be able to become success? They have to start from the lowest. Alam mo ba yung Geor? yung sikat na clothing line sa Paris? Na, nito lang na taon nag-launch ng isang store dito sa Pilipinas?" Tumango ako dahil napanood ko 'yon sa T.V at nakikita rin sa mga feeds ko sa IG o kaya sa f*******:. Girls went gaga for this clothing line, at kahit may pagka-mahal ay bumibili pa rin. Ang ate ko nga, nag iipon na para makabili ng isang boyfriend jeans doon. "Pagmamay-ari siya ni Georgina Geoffori. Panganay na anak, ate ni Engr. Gregory at Greg. Base sa mga interviews niya...just like her brother, nagsimula rin siya sa pinakasimula. Hindi gumamit ng kahit na anong kapangyarihan sa negosyo ang tatay nila para tulungan siya. She went to one of the best fashion school in Paris because she passed for the scholarship! At ang sabi pa niya, habang nag aaral siya ay pinagwi-waitress siya ng mommy niya sa isa sa mga coffee shops na pagmamay-ari rin mismo ng mommy niya para naman sa allowance niya." Wow, infairness, Elaine impressed me with her resources huh? Na-impress din ako sa buhay ng mga Geoffori. Na kahit ang yaman yaman na ng mga magulang nila hindi nila iyon ginamit para mapadali ang buhay ng mga anak. Wow. "So, ano naman ang kay Greg?" Tanong ko naman. Pinagtaasan ako ng kilay ni Elaine kasabay ng pagbigay sa akin ng kakaibang ngiti. "Someone's getting interested here." Sabi pa nito. I rolled my eyes. "Malay mo? Siya pala ang suwail sa pamilya nila. Halata naman, e." pabulong kong sabi sa huling tatlong salita. Umiling ito sa akin na parang hindi makapaniwala. Kumuha ito ng tissue paper. Kunwari ay may sinulat ito doon gamit ang dulo ng kutsara. "Things... I...hate about my bestfriend....sobrang...judgemental!" "Ang O.A naman nito....judgemental agad?" "Oo! Super!" Niyakap ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. "Well, darling, I'm here to change that impression of yours." She said. Tumaas ang kilay ko na para bang kahit anong gawin niyang pag-hype sa ex niya ay hindi pa rin ako makukumbinsido. Let see. Umayos ulit ito ng upo. "First, Greg or Greovanni Geoffori, isn't a black sheep of the family but....he's the bad boy and best soccer player of EWU--" tila may puso pa atang lumabas sa mga mata nito habang sinasabi iyon. Tumayo ako. "You know what? I'm gonna go. Kasi for sure? Wala kang sasabihin na pangit diyan sa ex mo. Ex mo e!" Akma na akong aalis ng pigilan niya ako. "Ito naman! Hindi mabiro. Sige na sige na...aayusin ko na." Umupo na ako at pilit na nakinig sa kanya. "Saan na ba akong part? Oh! Yun na nga, bukod sa hobby niyang soccer... Greg loves big bikes. Ducati, Yamaha, Kawasaki...name it! I heard, isa siya sa mga stockholder ng isang malaking shipping vessel company na nagshi-ship ng mga international big motorcycles dito sa Pilipinas. Imagine? At the age of 20? Isa siya sa mga may-ari ng Docro Ship Corp? Grabe! At ito pa, usap-usapan daw na siya ang papalit sa tatay niya na hahalili bilang CEO ng kompanya nila. Bukod kasi na business ang expertise ni Greg, hindi naman din mamanage ng kuya niya at ate niya ang kompanya dahil may kanya kanya silang negosyo din." "Plus! Laman siya lagi ng mga motor racing events dito sa Metro and outside the Metro. He always win, Denise." Proud na proud pang sabi nito. Kumibot ang labi ko at tumaas ang kilay. In all fairness naman kaya pala ubod ng yabang....kasi may ipagmamayabang naman pala. "Kaya hindi na kataka-taka kung sino sinong babae ang nabobola niya no? Laging laman ng bars, scandals and everything." Tumayo na ako. "...still an asshole." Nagsalita ulit ako and this time ay sinukbit ko na ang aking shoulder bag. "I gotta go bestie. May pasok ako ng 9 am. Kita na lang tayo mamaya. Bye!" Mabilis nitong sinimot ang spaghetti. "Hintayin mo na ko sabay na tayo!" "Sige, bilisan mo na!" Tumango ito habang umiinom ng tubig. "Lika na!" Ito na ang nag aya. At iyon na nga...sabay kaming naglakad papunta sa aming kanya kanyang klase. I waved her for goodbye. She blew me a kiss. Hindi naman din talaga masyadong seryoso ang pasok ko ngayon. Mas naka-focus ang mga graduating student sa kani-kanilang internships at OJTs. Alas tres na ng hapon gusto ko pa sanang tumambay sa botanical kaya lang ay gusto ko naman nang umuwi dahil may bagong episode ang movie series na matagal ko ng inaabangan. And once na magstarts na ang OJT ko ay baka hindi ko na rin masubaybayan iyon. Kaya hangga't may time pa ako, ay papanoorin ko na. "I had so much fun last night, babe." Nahinto ako sa pagsusuklay ng makarinig ako ng boses sa isang cubicle dito sa may ladies restroom. Walang ingay kong ibinalik sa loob ng aking bag ang suklay at walang ingay din naglakad para hanapin kung saan sa mga pintuan nanggagaling ang mga boses. From first cubicle, I walked to the second one hanggang sa nakaabot ako sa pangatlo - ang panghuling cubicle dito sa kanan ko. Sayad naman ang dulo ng pintuan sa sahig kaya hindi kita ang dalawa kong paa. "I kinda miss....you last night. Can we do it here Greg?" Halata ang malanding paglalambing ng babae kay Greg. Wala akong narinig na sagot mula kay Greg. Napasinghap ako ng makarinig ako ng kakaibang halinghing sa loob ng cubicle. The f**k? Don't tell me? They're...Oh my god! "Ay!--" hindi ko napigilang sigaw. Mabuti ay kaagad kong natakpan ang aking bibig gamit ang kamay ko. Paanong hindi ako magugulat? Biglang kumalabog ang pintuan kasabay ng mga halinghing nilang dalawa. Sa sobrang taranta ay wala ng pumapasok sa isip ko kung ano ang dapat gawin lalo na at narinig ko ang pag click ng lock sa mismong pinto kung nasaan si Greg. At kung minamalas malas ka nga naman....bago pa ako makatakbo ay nabuksan na nila ang pintuan. Nakita ko ang babae ay halata ang gulat hanggang sa nakaramdam na ito ng hiya. Si Greg naman ay hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha. Gulo ang damit, buhok at kalat ang lipstick ng babae. Pinakatitigan ko siya. Hindi ba...ito si Claire? Yung dapat magma-madre? Nag sign up pa nga ito sa pagkakaalala ko nung may bumisita ditong mga madre last week. She is known for being prim and silent type of a girl. Ang alam ko, niligawan siya ni Christian....yung isa kong bestfriend na nagba-basketball, kaya lang ay binasted. And now? Nakayuko ito at nagmamadaling naglinis ng mukha sa lababo. I even moved a little away para makagalaw ito ng maayos. I looked at Greg. He is looking at my direction, still had stain of lipstick on the side of his lips. Bigla itong ngumisi.. Napaatras ako ng magsimula itong maglakad sa direksyon ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napatigil si Claire sa ginagawa at tumingin sa direksyon namin ni Greg. Huminto ito ilang layo lang sa akin. "You could've knocked us." Malalim ang boses ay salita nito Para akong nabingi. "W-what?" He smirked again. "Puwede ka namang kumatok, if you want to join us." Pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya at nung nag sink-in ay mabilis ko siyang itinulak ng malakas. "Ang kapal mo! Anong tingin mo sa akin?!" Nanggagalaiti kong sigaw ko sa kanya. Mukhang hindi naman ito natinag sa sigaw ko. He even held my arm and moved me close to him. "I know that's what you want. Kaya kitang pagbigyan...hindi ako mahirap pakiusapa--" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil umigkas na ang kamay ko papunta sa bastos niyang bibig. "Bastos ka na nga...napakayabang mo pa!" Gigil na gigil kong sigaw sa kanya. Hinawi ko ang kamay nito na nakahawak sa braso ko. Mabilis akong lumabas ng restroom. Ngunit bago pa ako makaalis ng tuluyan ay narinig kong biglang umiyak yung Claire. "Why are you flirting with her? girlfriend mo ko!" "I don't have a girlfriend and I don't remember asking you to be one." Simple nitong sagot. Narinig ko ang lakas ng sampal nung babae kay Greg. "Walanghiya ka!" "We're done, Cassandra." Ngunit ay sagot lamang sa kanya ni Greg. Mas lalong umiyak ang babae. "My name is not Cassandra!" Pagkatapos niyon ay mabilis na lumabas ang babae habang at umiiyak. Umalis na rin ako sa lugar. Kuyom ang dalawang kamay habang naglalakad, In my mind I made a mental note. Things I hate about Greg - Number one: Asshole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD