NHEAN’s POV Nasabi na ni Red ang nalaman namin mula kay Rose Ann. Nagulat pa nga sila nang malamang si Dark Angelous ang may pakana ng savage. Gayong ang pagkakaalam nila e patay na si Dark Angelous yun ang sabi-sabi. Nabanggit din ni Red ang tungkol sa gamot na nagawa ni Rose Ann. Kukunti lang ito at gaya nga nang sabi ni Rose Ann marami na ang savage. Ibig sabihin nangongolekta nang mga tao si Dark Angelous at gagawing savage? Pero para san? Kinausap ko na rin sila na ang maliit na bote nang gamot ay ibibigay ko kay Klein. Kailangang malaman nya ito . Di ko naman makausap si Ax dahil baka magtaka sila . Hindi nila pwedeng malaman na ang Chairman pala ang kasama nila all the time. Kaya napag desisyonan ko na ngayon ang pumunta sa Council Office. Inilagay ko sa sling bag ko ang gamot

