NHEAN’s POV Napakatahimik nang buong lugar maliban nalang sa mga bulungan nang mga estudyante na tila namamangha sa nakikita. Nakaramdam ako nang pananayo nang balahibo ko habang iniisip kung gano ka demonyo ang walanghiyang gumawa nito sa kanila. Napasinghap naman ako nang mahina nang maramdaman ko ang maiinit na palad na tumakip sa mga mata ko at humila sa akin palapit sa kanya. “Don’t stare too much.” Si Ax. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang tinatakpan niya ito hanggang sa bitawan nya ito at pagmulat ko sa mga mata ko nakita ko nalang na nakayuko ang mga tao sa kararating lamang na SC President and Vice. Si Johan at Klein kasama ang mga school officers. Tinignan ako ni Ax at sinenyasan na maki yuko. Yumuko narin ako pagbibigay galang sa kanila .Hindi ako pwedeng makilal

