HELLIANA'S POV
"Kailan mo ito binili?" tanong ko kay Caliber.
Naglalakad na kami papunta sa motor ko kasi ang baliw na si Caliber ay hindi nag dala ng sarili niyang sasakyan. Napatingin naman ito sa akin at nginitian ako.
"Noong may lagnat ako at nag propose ako, nung nag walk out ka nagpa-utos ako na bumili ng singsing."Napakunot naman ang noo ko. Seryoso pala siyang gusto niya akong pakasalanan?
"Seryoso ka pa lang gusto mo ako pakasalanan? Wala pa nga tayong one month." nakangisi kong sabi sa kanya.
"Sigurado na kasi ako sayo." nakangiti nitong sabi sa akin.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Paano siya nakakasigurado sa akin? Hindi niya pa ako ganon katagal na kilala at alam kong napapansin niyang marami akong sikreto.
"Why do you always look at me that way?" Napakunot naman ito at napatingin sa akin nang nagtataka.
"Like what?" taka nitong tanong.
"You know, smiling like you do."
Napangiti na naman siya at hinawakan ako kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at ngiting ngiti ito sa akin.
"How can I look at you, and not smile?" nakangiti nitong sabi sa akin.
Nag init ang pisngi ko kaya agad ko siyang hinawi at nagmadaling pumunta sa motor ko. Narinig kong tumawa siya at tumakbo papunta sa akin. Ano ba ang sinasabi niya? Kapag katapos niyang makipag landian ay babanat siya sa akin ng ganoon? Kung siya kaya ang banatan ko. Sumakay ako sa motor ko at hinintay siyang makasakay pero pumunta ito sa unahan ko at nakangiti akong tinignan.
"Kinilig ka 'no?" pang aasar nito sa akon. Agad kumunot ang noo nito.
"Ang lakas ng apog mo."
"Kinilig ka e, nakita kong pumula pisngi mo." Inirapan ko na lang siya.
"Sumakay kana, kung ayaw mong iwanan kita." Natatawa naman itong nag suot ng helmet.
"Hindi naman niya tinanggi na kinilig siya, sus." natatawa nitong sabi.
Pinaandar ko konti ang motor ko kaya nagmadali na itong sumakay.
Kapag sakay niya ay agad itong yumakap ng mahigpit sa bewang ko at pinatong ang ulo sa likod ko.
"You smell so good." Inamoy pa ako nito at mas lalong humigpit ang yakap sa akin.
"Ikaw lang naman ang mabaho sa atin."nakangisi kong sabi at agad ng pinaandar ang motor.
"Kapal mo naman. Kagabi nga sarap na sarap kang nakayakap sa akin." Ngumisi naman ako. Bahagya akong napalingon ng makita kong pinipigilan ni Caliber ang palda ko na umangat. Napangiti ako at napailing.
"Oo na lang."
Nang makarating na kami ay agad ko ng pinark ang motor ko. Sabay kaming pumasok doon. Umakyat na lang ako para magpalit na ng damit at ganoon din si Caliber.
Agad kong nilock ang pinto ko at pagkatapos kong magpalit ng damit ay idinial ko ang number ni Clark.
"[Yes, baby?]" agad na bungad sa akin ni Clark.
"Alam ni Axel at K ang tungkol sa kapatid ko. Si K ang nakaalam at sinabi niya kay Axel."
"[That fucker. Do you want me to kill him?]"
"No."
Hindi ko hahayaan na mamatay si K dahil iyon ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang mamatay pero hindi ko ibibigay kung ano ang gusto niya. Mananatili siyang buhay sa ayaw at sa gusto niya.
"[Why? Mas madali kung papatayin natin si K atsaka masyado na siyang maraming nalalaman, kailangan na siyang patahimikin.]"
"Because that's what he wants."
"[Ha? What do you mean?]"
"He wants me to kill him, I don't know why."
Narinig kong napahalakhak si Clark.
"[Baliw din pala siya, e.]"
"Wait, Clark." Agad kong pinatay ang tawag ng marinig na kumakatok si Caliber sa pintuan ko.
"Helliana?"sigaw niya at kinalampag ulit ang pintuan ko.
Kunot noo ko namang binuksan ang pintuan ko at inis na tinignan ang ngayon ay nakanguso na si Caliber. Dukutin ko nguso niya e.
"Why?" irita kong tanong. Mas lalong humaba ang nguso nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto at agad na nahiga sa kama ko.
Hinayaan ko naman siya at lumapit sa kanya. Agad naman ako nitong hinila pahiga sa kanya kaya napadagan ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin.
AXEL'S POV
Agad akong napatingin ng pumasok si Jin sa opisina ko. Agad itong umupo sa sofa at itinaas ang isang kamay.
"Helliana Gwyneth Denver is not her real name." Napatingin ako kay Jin ng agad itong nagsalita.
Hula ko na rin naman na hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Kailangan namin malaman ang totoong pangalan ni Helliana para makikilala kung sino ba ang kalatid nito. Totoo nga ang sabi ni K na hindi madaling hanapin ang kapatid niya, kabaliktaran sa naiisip ko. Akala ko madaling hanapin ang kapatid niya pero nagkakamali ako.
"Kahit anong impormasyon about kay Helliana ay wala akong mahanap maliban sa kung ano lang ang alam mo." Napatango ako kay Jin.
Hindi rin ako sigurado kung ang ibinigay ni Helliana na impormasyon about sa kanya ay totoo. Maaaraming pineke niya lang ito, alam kong kayang kaya iyon gawin ni Clark.
Mahirap talagang hanapin ang tao lalo na at may nagtatago nito. Lalo na rin kung ang pamilya nila Clark ang nagtatago nito, paniguradong kahit katiting na bakas ay wala itong iiwanan.
"Well, si Clark ang nagtago, ano pa ba ang aasahan natin?"
Kung hindi namin magiging kakampi si Helliana, mas mabuting mamatay na lang siya. Delikado ring kalaban si Helliana dahil si Clark mismo ang nag train dito. Kaya rin nitong pagawin kay Clark ang kahit na ano, nakokontrol nito si Clark. Kaya niyang paikutin si Clark gamit lang ang kanyang daliri.
"So, what's your plan?" tanong nito sa akin.
"I'm not sure."
Marami akong makukuha kung sakaling maging kakampi ko si Helliana kaya ngayon ay nag dadalawang isip na akong patayin siya. Alam kong marami siyang maitutulong sa akin.
"Tawagin mo si Caliber dito." utos ko sa isang tauhan ko.
Maaaring may sinabi din si Helliana kay Caliber at kailangan ko rin maalala kung may naalala na bang kung ano si Caliber.
Tumango yung inutusan ko at agad ng lumabas. Ilang minuto lang ay nakita ko si Caliber na papasok sa opisina ko pero agad napakunot ang noo ko ng makitang nakasunod si Helliana sa kanya.
"Yes, Dad?" masiglang tanong nito.
Tinitigan ko si Helliana at sinenyasan na umalis pero ngumisi lang ito at nanatiling nakatayo sa pintuan. Minsan gusto ko na lang patayin talaga si Helliana dahil alam kong sinusubukan niya ako, mag pasalamat siya at malaki ang maitutulong niya kaya hindi ko siya pinapatay.
"This month we will go back to North." Hindi naman talaga iyon ang dapat na sasabihin ko pero iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko pwedenv tanungin si Caliber hanggang naandito si Helliana.
Nakita ko ang bahagyang paglingon ni Caliber kay Helliana. Nag aalinlangan pa ito sa sasabihin niya.
"Dad, okay na ako. Hindi ko na kailangan na magpuntang North." Seryoso kong tinignan si Caliber.
Sigurado akong sinabi na ni Helliana na hindi siya pwede makapunta sa North dahil nasa blacklist siya. Tinignan ko si Helliana at seryoso lang itong nakikinig sa pinag uusapan namin. Alam kong nakakahalata na siya sa amin kaya binabantayan na niya ang bawat galaw namin.
"No, Caliber. My decision is final." matigas kong sabi kay Caliber.
"Pero, Dad-" Agad ko ng pinutol ang sasabihin ni Caliber.
"I will erase you in blacklist." Nanlaki ang mata ni Caliber.
Napatingin ako kay Helliana at parang expected niya na 'yon ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, mas lalo ko siyang tinitigan pero nginisian lang ako nito.
"Alam mo na nasa blacklist siya, Dad?" Tumango ako kay Caliber. Masayang tinignan ni Caliber ang nakangising si Helliana.
Mas nakakapagtaka naman kung hindi ko alam na nasa blacklist si Helliana. Malamang alam ko na isa siya sa muntik ng magpabura ng bansa ko sa mapa. Kauna unahan din ang pangalan ni Helliana kaya alam na alam ko talagang nasa blacklist siya.
Kailangan makapunta siya sa North at doon ko na lang pag iisipan kung itutuloy ko ba ang plano ko o hindi. Pakiramdam ko kasi kahit na traydurin niya si Clark ay hindi siya kakampi sa akin, maaaring kumampi siya kay Caliber pero hindi sa akin dahil tulad ko ay hindi niya ako pinagkakatiwalaan at ganoon din ako sa kanya hindi ko rin siya pinagkakatiwalaan. Nakakatakot siya pagkatiwalaan dahil alam kong kaya niya kaming pabagsakin, gagamitin lang niya si Clark.
Nakita kong masayang nag uusap sina Caliber at Helliana. Dahan dahan silang lumabas at hinayaan ko naman.
Napatingin ako sa nakangising si Jin. Si Jin ay hindi lamang simpleng doctor, retired detective ito. Nag retired ito ng magkapamilya na dahil gusto niya na tahimik lang ang buhay niya. Natatakot din siya na madamay sa gulo nila ang pamilya niya.
"She knows something, I'm sure about it." sabi ni Jin habang sumisimsim ng juice.
Iyon din ang tingin ko, meron siyang alam dahil parang ineexpect na niya na ako mismo ang aalis sa kanya sa blacklist. Ano ang alam niya? Pano niya rin nalaman?
"She's hard to read."
I agree, hindi mo makikita sa galaw niya kung ano ang pinaplano niya. Ang nakakatakot ay baka habang nagpaplano pa lang kami ay sumusugod na siya. Hawak niya rin si Caliber, alam kong malaki na ang tiwala ni Caliber sa kanya lalo na at nakikita kong hulog na hulog si Caliber kay Helliana.
Mas kinakatakot ko na baka pati si Caliber ay gamitin niya. Baka gamitin niya ito labas sa akin. Baka hindi pa namin kakampi si Helliana ay malaman na niya ang nakaraan ni Caliber at sabihin iyon kay Caliber. Ayokong malaman ni Caliber ang nakaraan niya, payapa na siyang namumuhay ngayon. Ayoko ng gumulo pang muli ang buhay niya.
CLARK'S POV
Napatingin ako sa sinend sa akin ni Helliana na isang record audio. Pinindit ko ang play at pinakinggan iyon.
"What the f**k? Hindi pa ba sapat yung ginawa ni Clark sa iyo at nagpabugbug ka ulit?" boses iyon ni Axel.
"Gamutin niyo siya."-Axel.
"So, anong nangyari?"-Axel.
"You know that I don't want to be his enemy, kaya kahit ganito ang itsura ko ay pumunta ako sa mansiyon niya para lang mag explain na hindi ko naman sinaktan si Helliana." Sigurado akong si K ang kausap ni Axel.
"Then? Anong sabi ni Clark?"-Axel.
“Alam niya!”-K
“Anong alam niya?”-Axel.
"Alam niyang hindi ko sinaktan si Helliana pero pina binugbog niya ako dahil pinindot ni Helliana ang hindi ko alam kung anong button iyon."-K
"Button?"-Axel
"Yes, may sinabi sa akin si Clark na pinipindot lang ni Helliana iyon kapag nasa desperadong sitwasyon siya."-K
"We have to know kung nasaan iyong button na iyon. Hindi natin magagalaw si Helliana lalo na at nasa kanya iyon."-Axel
"Do you want to kill her?"-K.
"Yes."-Axel.
"Why?"-K.
"Marami ng nalalaman si Helliana."-Axel.
"About what?"-K.
"Caliber. Ang tagal kong tinago iyon at hindi ako papayag ng dahil lang sa kaniya ay mabulgar iyon. Hindi ako papayag na makaalala si Caliber."-Axel.
"Well, Caliber is slowly remembering his past."-K.
"Yes, hindi ko alam kung sino ang nag titrigger sa memory niya. Ang tagal na non, Caden. Bakit ngayon lang? Sa tinagal tagal, bakit ngayon lang niya naaalala?"-Axel.
"May alam na rin si Helliana. Tinanong niya ako kung sino ba talaga si Caliber. Alam kong gagawin niya lahat malaman lang ang totoo at natatakot akong kapag nalaman niya ay sabihin niya kay Caliber."-Axel.
"Do whatever you want, Axel. Before you kill her, force her to show me her crazy side and let her kill me. It's my pleasure to die in her hands."-K.
"Are you sure?"-Axel.
"Yes, Axel. I'm tired."-K
"I have my plan."-Axel.
"What is it?"-K
"Alisin mo si Helliana sa blacklist at papuntahin mo siya sa North. Kung sa North natin papatayin si Helliana ay mahaharangan natin ang tauhan ni Clark."-Axel
"So alam mo palang nasa blacklist si Helliana."-K.
"Of course, ako ang may hawak ng blacklist kaya alam ko kung sino ang nandoon."-Axel.
“Kung papayagan ni Clark si Helliana sa North.”-K.
“Ayaw ni Clark?”-Axel.
"Gusto ni Helliana pero ayaw ni Clark. Alam ni Clark na mapanganib kay Helliana ang pumunta doon."-K.
"Hindi mo siya mapapatay basta basta lang."-K.
"I know."-Axel.
"Kahit na sa North mo patayin si Helliana, malalaman at malalaman din iyan ni Clark. Handa ka ba sa igaganti ni Clark?"-K.
Napangisi si Helliana kung sakali mang mapatay nila ako, mamamatay akong masaya dahil kilala ko si Clark. Hindi niya hahayaan na ako lang ang magdudusa, idadamay niya ang buong angkan nito. Hindi ito titigil hanggang hindi ako maipaghihiganti.
"And you know that Helliana is useful."-K.
“Yes, but she's our enemy.”-Axel.
“But can be ally too.”-K
Napakunot ang noo ko, anong pinagsasabi ni K? Ako? Magiging kakampi nila? Napangisi na lang ako at napailing.
“What do you mean?”-Axel.
"She's not completely in Clark's side. She needs Clark that's why she's in his side."-K
Hindi ko na talaga alam kung saan nakukuha ni K ang mga impormasyon niya, masyado na siyang maraming nalalaman.
"There's a chance na bumaliktad si Helliana."-K
"But we're not sure kung babaliktad siya o hindi."-Axel.
"I need assurance na hindi niya tayo kakalabanin, ngayon nga K sinusubukan na niya ako."-Axel.
"Her brother."-K
"Brother?"-Axel.
"Yes, kailangan malaman natin kung nasaan siya."-K.
"Why?"-Axel.
"You can control Helliana if you have her brother."-K
"So, all I have to do is to find her brother and I can control Helliana?"-Axel.
“But it's not easy as you think.”-K
"Why? It's easy."-Axel
“Clark is hiding her brother.”-K
“How can we find her brother?”-Axel.
“Let's try to find her brother.”-K
“Any information about her brother?”-Axel.
“I don't have any information about her brother.”-K
“Edad? Kahit ano, wala?”-Axel
"Then paano natin mahahanap ang kapatid ni Helliana?"-Axel.
"Mahirap makahanap dahil itinagong maigi ni Clark."-K
Agad akong napangisi ng mapatay ang recorder. So ayon pala ang plano nila.
"Wrong move, K and Axel. Wrong move."
Kahit sino man ang magtakang saktan o ilayo sa akin si Helliana sisiguraduhin kong hindi ako makukuntento na sila lang ang papatayin ko. Isasama ko ang buo nilang angkan.