-ANGELICA- Maaga akong gumising at nag-ayos dahil may meeting kami tungkol sa gagawin naming play. Bumaba na ako at naabutan ko si Jah na kausap si Mama. Nang makita niya ako ay tumayo agad siya at inabutan ako ng bulaklak. Ang aga-aga naman niyang magpakilig. Saka saan siya nakakuha ng bulaklak nang ganito kaaga? "Good morning, My Angel!" bati niya sa akin na abot hanggang tainga ang ngiti. "Good morning din, Jah! Salamat sa bulaklak!" "Walang anuman, My Angel!" "Ikaw talaga, saan ka naman nakakuha ng bulaklak nang ganito kaaga?" "Kahapon ko pa 'yan binili. Inalagaan ko lang para hindi malanta. Lahat gagawin ko para mapasaya ka lang." Namula na naman ako sa sinabi niya. Kailan ba ako masasanay sa pagiging sweet niya? "Ang dami mong alam! Ang aga-aga nambobola ka kaagad!" "Hi

