-ANGELICA- Pagkarating namin sa tapat ng school ay nandoon na silang lahat. Bumaba muna kami ng sasakyan para kausapin sila. "Oh my gosh, Angel! Nakita ko 'yong post ni Red! Nakakainggit ka!" naiinggit na sigaw ni Katty. "Post? Anong post?" nagtatakang tanong ko kay Katty. Napatingin din ako kay Jah. "Kunwari ka pa! 'Yong panda world sa loob ng bahay ni Red! Grabe ang effort! Haba ng hair natin!" kinikilig na sagot ni Katty. Napatingin naman ako kay Jah. "Nakapag-post ka agad?!" gulat na tanong ko. Tumango-tango naman siya habang nakangiti. "Mamaya na 'yan! Bibiyahe pa tayo," biglang singit ni Ana. "Oo nga! Doon na lang tayo magkuwentuhan!" excited na wika ni Cheche. "By the way, kasama ko nga pala si John. Nakalimutan kong sabihin kanina," wika ni Ma

