-QUINIE MILYONES- Nangangatog pa rin ako sa takot dahil kay William. Hindi ko alam na mamasamain niya ang pagkakaibigan nina Angel at Jared. Masyado na siyang baliw. Lahat na lang ba ay idadamay niya? Nawala ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Alfred. "Quinie, kumain na muna tayo pagkatapos ay mag-usap tayo," seryosong wika niya. Tumango lang ako saka tumayo. Inalalayan niya ako sa paglalakad. Nanlalambot pa rin kasi ang mga tuhod ko. Akala ko katapusan ko na kanina. Baliw pa naman ang taong 'yon. Hindi siya magdadalawang isip na isaksak sa akin ang hawak niyang pocket knife. Wala talagang puso ang taong 'yon. Tahimik kaming kumakain. Tunog lang ng mga kubyertos at mga plato ang maririnig. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin kami kung ano ang gagawin namin para tumigil na si William

