-JARED COLTON- Papunta na ako sa silid-kainan ng makasalubong ko si Ate Jelly. Dire-diretso lang siya sa paglalakad at hindi man lang ako pinansin. Napabuntong hininga na lang ako saka dumiretso sa silid-kainan. Naabutan ko sina Tito at Tita na kumakain habang seryosong nag-uusap. "Good morning po, Tito at Tita!" bati ko sa kanila. Napatigil sila sa pag-uusap at tiningnan ako. "Good morning din! Maupo ka na at kumain," tugon ni Tita. Umupo naman ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. "Ano pong pinag-uusapan ninyo at mukhang seryoso po kayo?" curious na tanong ko. Nagkatinginan naman sila bago ako sinagot. "Sinabi na sa amin ni Jelly ang nangyari sa Cebu. Bigyan mo na lang muna siya ng panahon. Masyado niya kasing minahal ang tandem ninyong dalawa ni Angel," natatawang wika ni Tita.

