3 months has passed. We’re already a sophomore student, everything’s fine. Malaya kami, walang gulo at walang kahit anong bakas ng mga kaaway sa paligid. “Ano ba! Sa tabi ako ni Xian!” Sigaw ni Jennie kay Zero na ngayon ay nagtatalo sa iisang upuan. Lahat kami ngayon ay magkakaklase, maging si Chloe at Akira ay kasama na namin. Wala na rin sila Kevin sa school dahil simula noong mangyari ang ground zero ay hindi na sila nagpakita pa sa amin. Sinunod nila iyong deal kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag at lumaya sa problema. “Ano ba? Upuan lang pinag-aagawan pa.” Singhal ko bago hinila si Xian para i-upo sa tabi ng upuan ko. “Kayong dalawa ang magtabi.” Sabi ko kay Jennie at Zero, dahilan para mapanganga silang dalawa at tila hindi makapaniwala. Nilingon ko si Xian at nginitian

