“Ibalik niyo na si Third. Sasama ako sa inyo kahit kailan niyo gusto.” “Pagagalingin lang natin ‘yang sugat mo at babalik ka sa academy. Siguraduhin mong hindi mo ipagsasabi ‘tong nangyari kung ayaw mong tuluyan ko ‘yong mga kaibigan mo.” Tumango lang ako sa banta ni Josh habang nakatali pa rin ako. Ang usapan, hindi na ako sasama sa lima. Iiwas ako sa kanila at tanging sa grupo lang ni Josh ako didikit, sa loob o labas man ng academy. Naiisip ko pa lang na ginagawa ko ‘yon ay nasasaktan na ako, pero kung iyon lang tanging paraan para mailayo ko sila sa kapahamakan at hindi na madamay paㅡtitiisin ko ang lahat. Maya-maya pa ay naramdaman ko nang kinakalas nila ang tali sa kamay ko. Hindi ko na tinangkang lumaban dahil hindi iyon magandang ideya. I don’t want to get on their bad side, mas

