Erin’s POV It’s been 5 days simula nang tumira kami sa iisang bahay. Bukas, babalik na rin kami ng academy. Maraming kaweirduhan ang nangyari sa loob ng limang araw, I don’t know why but I feel like there’s something wrong with Zero and Xian. [Flashback] Pagtapos naming maglaro ay mas pinili ko na lang ang matulog sa kwarto. Kinabukasan, si Third ang gumising sa akin. Maaga pa lang ay inaya na niya ako sa kusina para ipagluto ang lima, labag man sa kalooban ko, sinakyan ko na lang ang gusto niya since nag-insist ako na maging ate mommy niya for the mean time. “Sure ka ba na ito ang ilalagay?” Tanong ko dahil useless talaga ako kapag nasa kusina. Sa dami ng pwedeng almusalin, bakit cake pa? “Oo Ate, ‘yan ang nakalagay rito sa recipe ni mommy, eh.” Aniya at tuluyan ko nang nilagay ang

