“Gusto mo lang talaga na halikan kita, eh.” Pahabol ni Zero matapos niyang suntukin ‘yong lalaking nasa gilid ko. “Hey now, don’t be so full of yourself. Kung may gusto ka sa ‘kin, say it. Lol!” Binigyan ko ng isang malakas na sipa ang nasa likuran ko. Hindi na rin nagawang sumagot pa ni Zero, the hell was wrong with me to say that stupid word?! Parang in-encourage ko siyang mag-confess sa akin. Ugh, seriously! “Erin!” Tawag ni Jester bago niya ako mabilis na nahatak palayo. “What are you doing?” Tanong ko ngunit patuloy siya sa paghatak sa akin. Nanlaki na lang din ang mata ko nang makita kung sino nakikipagsuntukan sa tatlong lalake, you’ve gotta be kidding me. “Chloe.” Banggit ko sa pangalan nito pero hindi niya iyon narinig. Sinabihan ko na lang si Jester na tutulungan ko si Chloe

