Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon, dito sa bahay nila Zero na siya at ako lang ang magkasama. “Bakit ba tayo nandito? Okay lang ba si Third na katulong lang ang kasama niya?” Tanong ko habang naglalakad paakyat sa hagdan, wala akong idea kung bakit kami nandito. We were supposed to be in the hospital right now! “Mahimbing naman siyang natutulog... Samahan mo ako sa kwarto.” Bigla na lang akong naubo sa sinabi niya. Ano na naman ang iniisip ng lalaking ‘to?! He’s so casual about it! “Hoy ‘wag kang nag-iisip ng kung ano, ‘di kita re-r**e-in. May ibibigay lang ako.” Aniya habang hindi ako nililingon. Pagpasok naman namin sa kwarto niya ay bigla na lang akong namangha. “You really love robots, aren’t you?” Tanong ko nang makita ko ang napakaraming robots na nakapila sa isang maha

