NANGINGITI AKONG NAPASILIP sa taong kanina pa sinusundot ang ilong ko. Nangingiting mukha ng mahal ko ang siyang bumungad sa naniningkit ko pang mga mata. May hawak itong feather dust na siyang isinusundot sa butas ng ilong kong nangingiliti sa akin! Panay ang hagikhik nito sa tuwing magre-react akong mababahin o mapapakamot sa ilong sa ginagawa nito. Nang hindi ko na makaya at napabahin ako'y napahagalpak na ito ng tawa! Napakalutong ng halakhak nitong naghari sa bawat sulok nitong silid namin. Bumangon na ako at inagaw sa kanya ang feather dust at sa mukha niya iniwalis-walis na iniilagan. Napangiwi ako nang tumayo ako at biglang sumidhi ang kakaibang kirot sa gitnang bahagi ko. Nag-aalala naman itong kaagad lumapit at inalalayan akong muling makaupo. Ouch! Why it's still hurts? Sumar

