Abby’s Point of View “Cheers to your new life.” Marie raised her glasses. Ginawa yata akong dahilan para makapag-party ang mga ito. Despedida raw, pero sila ang mas lasing sa akin. Hindi ko makita ang mga asawa nila. Parang may hindi tama. “Cheers.” Sabay-sabay sila kaya na nakisali na rin ako, sabay tungga ng baso. “Abby, I sincerely thank you for bringing back Gab to me,” medyo naluluha si Mama Kath. “And sorry raw at nagselos siya sayo,” Diane added na ikinatawa namin. Hinampas ni Kath sa braso si Diane. “Sure ka bang gusto mong umalis?” Cheska asked me. She acts like a mother sometimes to me. I will surely miss her and the twins. “Kailangan, tse,” I simply replied. “Paano si Ayano?” seryoso ang mukha ni Sam nang magtanong. Napakurap ako sa tanong ni Sam. “What about him?” I aske

