Abby’s Point of View Mga walang hiya. Lalong-lalo na si Marcus. I felt betrayed. I missed my flight. AWOL ako sa agency at malamang maghihintay pa ako ng one-year para ma-deploy ulit. “Do you want to eat in bed or sa dinning area?” tanong ni Ayano na nakadungaw sa pintuan. Nakasuot ito ng apron at may hawak-hawak pang sandok. Nililipad ng hangin ang hanggang balikat nitong buhok. Tinignan ko ito nang taimtim. “Are you still mad?” ang lakas ng loob na magtanong. “Palm twitching mad, Ayano,” I replied and rolled my eyes on him. Nakuha pang ngumiti ng hinayupak. “Let’s eat, so you can rest or swim at the beach. There is a swimming pool or an open Jacuzzi if you don’t like saltwater,” he informed me as if wala siyang kasalanan. “Gumawa ako ng sushi and maki. Mayroon ding tempura and tonk

