CHAPTER 2

1127 Words
Abby’s Point of View “I made a deal with Red,” I said to Ace over the phone. Inaayos ko ang mga gamit ko ng mga oras na iyon. Lahat ng passport ko, kailangan kong dalhin. I have a lot of passports. Depende kung anong pangalan ang ginagamit ko. My name is Abby. But sometimes I am Abby Medina. Abby Mendoza. Abby Arellano. Abby Corñejo. Only Ace, Kyle and Marcus know my real name. “So, I’ve heard,” Ace replied. Hindi na ako nagtataka na alam niya. Pero syempre, as a respect, I need to tell him. “Pinag-isipan mo ba? O dahil makakalaya ka lang sa contract sa kanya?” “Pinag-isipan ko ng mga two seconds,” I replied habang sinisilid sa body bag ang mga baril, bala, kutsilyo at bulletproof vest sa isang duffle bag. “Alam mo bang kung sino ang kalaban ni Ayano?” may pag-aalalang tanong ni Ace. “The Red Dragon Triads,” I replied. “Nabasa ko ang report na nasa file. But—” Will they help me ngayong retired na sila? “…you will help me with the information, right?” “Abigail,” Ace said on the same tone that he used on his twins. “You know you can count on us… pero sigurado ka ba sa gagawin mo?” may pag-alalang tanong nito. “I can do this. Ikaw ang nagturo sa aking humawak ng baril, hindi ba?” I told him. Si Ace ang nakapulot sa akin sa Metro Manila. Isa ako sa mga kabataan na nawalan ng magulang dahil sa droga. Pinilit kong buhayin ang kapatid ko hanggang sa makakaya ko. Pero kinuha siya sa akin ng isang sindikato na nagbebenta ng internal organs ng mga bata. Doon nagsimula ang galit ko sa mundo. Halos mamatay ako dahil sa pakikipagbasag-ulo sa kalsada. Nakita ako ni Ace noong minsang mag-agaw buhay ako dahil sa tama ng bala. Hinulma ni Ace ang galit na ‘yon at ginawa iyong sandata. Ang pinaka-magandang sandata para sa akin. Kaya kong pumatay nang hindi naawa. Dahil ang puso ko, nailibing kasama ng kapatid ko. Naging assassin ako sa edad na 21. Ang una kong napatay? Ang pinuno ng sindikatong pumatay sa kapatid ko. Kinuha kami ng US Government para maging mercenary. Meaning, taga-ligpit ng hindi nila kayang iligpit in Public because of Human Rights. Hawak kami ng US Government pero hindi alam ng public. We were their dirty secrets, doing their dirty jobs. “Minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang ginawa ko sayo, Abby,” I heard regret on his tone which I didn’t like. He gave me life after that night. Siya ang pinaka-kuya ko. Siya ang naging pamilya ko hanggang sa makilala ko si Kyle at Marcus na naging pamilya ko na rin kinalaunan. “You did what is best for me, Ace,” I told him honestly. “Mag-iingat ka sa Japan. O sa kung saan man kayo pupunta ni Ayano,” paalala nito. “Ace, give me the file of that woman who wants him dead.” “It will be in your email tonight. Keep in touch, Abby. Call us anytime.” Naabutan ko si Ayano na kasama ang famous na tropa dito sa Country Club. I am not one of them, but Ace, Marcus and Kyle are. So, I am kinda included but not quite. “Hey, where will I put my things? Do you have a car with you?” tanong ko kay Ayano. “I have a name. Don’t be rude. And yes, I have a car.” He gave me his keys and asked me to put it myself. The girl squad were staring at me, minus Kaye. Baka nagseselos pa si Angel kay Ayano. Wala naman akong negative vibes sa kanila. Mabait sila, sa totoo lang. Hindi mo nga akalain na madaling kausap ang mga ito lalo na si Marie. But then again, I still have reservations when it comes to being with a girl group. Nasanay na kasi ako na mga lalaki ang kasama ko. Inilagay ko ang mga gamit ko sa kotse ni Ayano. Leaving my car at the parking, Ace knew what to do with it. Inilagay ko sa ilalim ng front seat ang bag ng baril ko. Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ng table nila. Hindi ako mostly nakiki-join. “Abby, dito ka sa amin. Mag-isa ka lang d’yan.” Kaway ni Diane. See what I mean? I am sort of friends with them but not quite. “Hoy, ikaw ah. Huwag kang bastos kay Abby, naku sinasabi ko sayo. Hindi ka uubra dito,” babala ni Marie kay Ayano. I raised my eyebrow at him. Tignan ko kung magde-deny ka pang marunong kang magtagalog. “Abby, marunong siyang magtagalog. Huwag kang magpapaniwala sa kalokohan n’yan,” banggit ni Marie sa akin. I know, but thanks anyway. “Speaking of which, what is the meaning of… supot?” tanong ni Ayano sa grupo. Pinigilan kong matawa. He pronounced it wrong. Mabagal ang pagkakasabi niya. “Supot?” Nagtatakang tanong ni Diane, mimicking his pronunciation. “That’s not how she said it.” Tinuro ako ni Ayano. Tumingin ang buong grupo sa akin bago nagtawanan. “You mean, pare, supot?” tanong ni Tristan. He pronounced it right. “Yeah… what’s the meaning of that?” nagtatakang tanong nito dahil nagtatawan sila. Ako, I tried not to laugh. Poker face lang ako. “It means… small,” Marie replied. Nagmuwestra pa siya ng maliit sa daliri niya. “What?” Hindi na-gets ni Ayano. Ang slow. “And uncircumcised,” Diane added. Tumatango sila pero tawa nang tawa. “Small and uncircumcised,” Red repeated, mocking Ayano. “How dare you?!” Ayano asked me pero mukhang galit. Aba, hindi ba kapag nagalit sa joke… meaning, totoo? “You are telling me that I— I am—” hindi niya mabigkas-bigkas ang word na supot. “Supot,” Renz helped him with the word pero mukhang nang-aasar lang din ang pagkakasabi niya. That, so I can show it to you, isn’t it?” “Oh, please. Hindi ko trip ang small size,” I replied. “Small is not the right word for my junk. And I know you are a lesbian, so what’s the point of proving it to you?” pang-aasar pa nito. “Lesbian ka?” tanong ni Merjie sa akin. “Girl, malaki pa nga ang boobs ko sayo e,” I replied pero mukhang na-offend siya. See? Kaya wala akong kaibigang babae e. Palaging may drama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD