Abby’s Point of View Walang hiya. Hindi lang ako nagpakita ng isang araw may naka-angkla na sa braso. “Kyle, Marcus, I need your help for my deployment tomorrow.” Napatayo ang dalawa. Siguro inaakalang baliw na ako. “Deployment?” tanong ni Ayano. “Yeah. Do I have a reason to stay?” mapaklang sagot ko sabay talikod. Bago ko pa basagin ang pagmumukha ng bold star na ‘yan. Maputi ka lang e, sungki naman ngipin mo. “Anong deployment?” tanong ni Marcus na humahabol sa akin. “Ano ba ang deployment?” mataray na sagot ko. “Akala ko ba magre-resign ka na?” tanong naman ni Kyle. Sinusundan nila ako sa paglalakad. “Akala ko rin.” “Teka nga, huminto ka muna. Nakakapagod kang sundan.” Iniwas ko ang braso ko nang abutin ito ni Marcus. “Sino ba ang may sabing sundan niyo ako?!” “Ano bang probl

