Chapter 1

1570 Words
Chapter 1 "It's a date" Tuloy-tuloy ang pasok ko sa back door ng classroom. Nakatingin naman iyong mga nasa likod sa akin. I raised my brow at them. "Miss Zubiri, unang araw ng klase late ka. Last sem din." Nakuha ko na pala ang atensyon ni Prof Arturo. "Consistency is the key, Prof," sagot ko at nagtuloy na sa kung saan nakaupo si Laz, ang kaibigan ko. Nasa second to the last row siya. Napailing na lang si Prof habang nagpipigil naman ng tawa ang mga kaklase ko. I shrugged my shoulder. Nagpatuloy si Prof sa discussion niya. Tumabi na ako kay Laz. "Ba't ka late?" bulong niya. "Hangover," sagot ko at binalingan na lang ang board. A little while, I frown when I have a glimpse of someone new to the class. I leaned to Laz. "Sino 'yon?" Ininguso ko naman iyong nasa harap na bago sa block. "Yon?" Nilingon niya kung saan ito nakaupo. Tumango ako. "Ang gwapo 'di ba?" Parang kinikilig pa ang bakla. Yes, he is handsome, perfect square jaw, pointed nose at makapal na kilay. He looks foreign, Western perhaps? Napairap na lang ako sa kalandian ni Laz. "Sino nga?" "Montalba, girl. Rurik Montalba. Mayaman. Hunk and yummy," sagot niya na parang kilalang-kilala ito. "Alta," I concluded. "Transferee?" muli kong tanong. "Masters." I frown. "What is he doing here?" Masters classes are separate from the undergrad eh. Laz shrugged. "Baka pinakuha ng undergrad subject. Hindi kasi business grad 'yan." Tumango-tango na lang ako, na kontento na sa nalamang impormasyon. The class goes on na nakatingin lang ako roon sa bago. I don't know but I can't help but stare at him. He seems out of place in this crowd. Hindi lang naman ako ang nakatitig sa kanya. Mas lantaran nga lang ang iba kong kaklase. Obviously, girls and gays are ogling. The boys don't give a damn. "Get one half crosswise," utos ni Prof na nagpaalma sa klase. Ang akala kasi ng lahat ay tapos na siya. Well, what do you expect? Prof Arturo won't be labeled terror for nothing after all. Binigay ni Laz ang kalahati ng papel niya sa akin. Maingay ang klase dahil sa mga walang papel. "My goodness. All of you are graduating already pero kung umasta kayo daig pa ang elementary!" Napahawak pa si Prof sa napapanot na buhok. "Tahimik!" I look at the newbie's direction. He looks bored and unbothered. Sobrang mature ng asta niya kumpara sa mga kaklase ko. Hmm... Maybe he is old. He might be a businessman or some sort already. Kahit magulo ang klase namin, my classmates are groomed to be the next in line in their respected businesses, though. Nagsimula ang quiz. Syempre, wala akong sariling sagot. Thanks to Laz I was able to pass. Muli na namang bumaling ang atensyon ko roon kay Montalba. I was taken aback nang magtapo ang mga tingin namin. I raised a brow at nag-iwas na lang ng tingin dahil sa pagkahuli. Prof Arturo dismissed us at the exact time. Wala namang gumalaw dahil dito parin naman ang sunod na klase. The newbie stood up. Lumapit si Prof sa kanya. Nag-usap sila but not loud enough para umabot sa pwesto ko. Sa huli ay naglahad ng kamay si Prof para makipag kamay. "Bet mo?" bulong sa akin ni Laz. Napansin niya siguro ang paninitig ko kay Montalba na palabas na ng pinto kasunod ni Prof. Nagkibit balikat ako. "Ang hot niya, 'di ba?" Hindi na ako nagkomento pa at ipinikit na lang ang mga mata. My head still hurts. Damn hangover! It did not take long when the next instructor came. Good thing discussion lang. Nakaidlip pa ako, buti hindi na huli. "Bye, girl," paalam sa akin ni Laz bago sumakay sa kotse niya. Unfortunately, I still have a class at siya ay wala na. Pumasok ako sa gym at nagpunta sa comfort room para makapagpalit ng PE uniform. Oh, how I hate the subject. Now, I regret kung bakit hindi ko ito kinuha noon. This will be my last subject for today. Dahil huli na ako ay wala ng estudyanteng pakalat-kalat. Malamang ay nasa klase na. Lumabas ako ng CR. I walked like I have all the time in the world. Papasok na ako sa court nang may mapansing pamilyar na pigura. I frowned. What is he doing here? The newbie cannot possibly have a PE class. May tinitingnan siya. Out of curiousity ay sinundan ko ito ng tingin. He is staring at the girl reciting in front. I know her! Of course, I do. I know her very well. Hindi kami magkaklase pero magkasabay ang schedule namin. She is a first year student, enrolled sa PE for the freshmen while me, on the other hand, PE for sophomore. "Stalking a freshman? That's creepy," sabi ko nang makalapit sa kanya. He turned his head to my side. He raised a brow. He does not look bothered na nahuli ko siya sa kung ano mang ginagawa. He just turned his back na para bang nawalan na siya ng interes dahil sa presensya ko. "Leaving so soon?" Hindi naman siya lumingon. I just shrugged my shoulder. Pumasok na ako para sumali sa mga kaklase kong tumatakbo na paikot ng gym. I went behind the last person and jog with them. The next few days are normal, but then, I keep on noticing that Montalba. Madalas ko siyang makitang nakatingin mula sa malayo kay Rossette Belmonte, the freshman, same girl na pinagmamasdan niya sa gym noong nakaraan. My curiosity intensified. Para makompirma ang hinala ay nagsimula akong sundan si Montalba. Hindi naman palagi. He intrigues me. Laz seems interested, too. Naikwento ko sa kanya one time ang mga observations ko. One time, there was an event for the freshmen. Nasa auditorium sila. I also learned that Rossette will be performing. The girl isn't just an average student. Matunog ang pangalan niya sa buong campus. She's beautiful, matalino and talented kaya naman ay effortlessly famous. Rosette will be playing violin at that event. "Ano'ng ginagawa natin dito girl?" Nakasunod sa akin si Laz at panay tanong. "Basta." Sumunod parin naman siya. Nasa tagong bahagi kami. Hindi nagtagal ay si Rosette na ang magpi-perform and just as expected, Montalba showed up. Nasa opposite direction siya ng kinatatayuan namin. He seems fascinated sa bawat galaw ng kamay ni Rosette kahit na seryoso itong nakatingin. "So he has the hots for the girl, huh," I said while staring at Montalba. "Ano ba talagang ginagawa natin dito, girl? Don't tell me nandito tayo para panoorin ang kapatid mo?" Nakataas pa ang kanyang kilay. I arched my brow too. "Tara na," sabi ko at nauna nang lumabas. Prof Arturo assigned us by pair para sa isang reporting. Dahil absent ako noong nakaraan ay wala akong kapareha. I don't mind, tho. Kaya lang ay tinawag ako ni Prof. "Zubiri." "Prof." I raised my hand lazily. "Si Montalba ang kapares mo. Please lang, hija, huwag mong ipapahiya ang sarili mo. Matalino ka, gamitin mo utak mo," paalala ni Prof na nagpahagalpak ng tawa sa mga kaklase ko. Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya natigil din. I heard a few blockmates talking behind my back, lahat ng mga ito ay naiingit dahil si Montalba ang kapares ko, even Laz. "Girl, you're so lucky. You better ask for his number," pang-uudyok niya habang kumakain kami sa food court ng university. "Whatever, Laz." I don't really care about being paired with him nor intimidated, na madalas na reaction ng mga kaklase ko sa kanya. Montalba looks like a ruthless CEO of a big time company to me. Kaya hindi na ako nagulat nang mapag-alamang he is indeed an heir to Montalba Vista Builders Corporation, one of the leading construction company sa bansa. Hindi ako nagpupuntang library but here I am today. Pumasok ako sa loob. Hindi naman ako nabigo dahil nandito ang pakay ko. Montalba is sitting at the far side of the library. Wala siya kaninang umaga sa klase ni Prof Arturo, so I concluded that he will be here. I was able to get Rosette's schedule, para ko na ring nakuha ang schedule ni Montalba. "Hey," kuha ko sa atensyon niya habang umuupo sa harap niya. "Still stalking Rosette, I see." "What do you want?" tanong niya sa akin with his daily poker face. "Nothing really," sabi ko habang pinasadahan ng tingin si Rossete na abala sa pagbabasa kasama ang mga kaklase. "Oh, don't walk out on me," agap ko at baka umalis na naman siya gaya noong una ko siyang makita. "Magkagrupo tayo sa klase ni Prof Arturo. I believe you are aware na may reporting tayo." Tinitigan niya ako na para bang kinikilatis ang pagkatao ko. I rolled my eyes. If I am just like the others ay ma-i-intimidate agad ako sa klase ng tingin niya. "I will be doing it." Napataas naman ang kilay ko. "Are you insulting me, Mister Montalba?" Nagpangalumbaba ako at tinitigan siya nang mariin. "This is by pair. We should work together." He probably judged me as someone na isang rider, kung baga, madalas walang ambag sa grupo. Aaminin ko namang rider nga ako, lalo na kapag nandyan si Laz. Kumunot ang noo niya. "Fine," aniya matapos ang mahabang pagsusukatan ng tingin. "Good," I chirped, pleased with his decision. "Tomorrow. Six am at the nearest Starbucks," sabi niya. "Great. It's a date then." Nakangisi kong saad saka tumayo at iniwan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD