TILA na estatwa sa kinatatayuan niya si Ehna, sa mga oras na iyon ay hindi niya alam ang dapat niyang gawin. She was stuck like a statue when they laid eyes to each other. Hindi niya mabasa ang mga nasaisip ni Zion ng mga sandaling iyon, dahil parang yelo lang ang mga mata nito habang nakatingin sa direksyon nila ni Dyner. Gusto niyang pigain ang puso niya dahil sa sobrang pagtibok nito dahil sa kaba. "Oh, ikaw pala Zion, muntik na akong mabigla,naalala ko na ikaw na pala ang bagong CEO ng M Corporation" nakangiting bati ni Dyner sa pinsan niyang si Zion. Agad naman na nagtapon siya ng tingin kay Dyner at tanging kindat lang ang tinugon nito sa kaniya. "Yeah, what are you doing here?" sabi naman ni Zion sabay tapon ng tingin kay Ehna. Palihim naman na nabuntong hininga ang dalaga

