ILANG ULIT na napapilig ng ulo si Ehna, Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang totoo n'yan ay hindi siya sumagot, dahil wala naman talaga siyang maisasagot masiyado siyang nagulat sa bilis ng pangyayari, Mabuti nalang at agad na nakatulog ang binata habang yakap siya kaya pahirapan pa ang pagalis niya sa kwarto nito. Pero kahit ilang ulit niyang turuan ang isip at puso niyang makalimot at limutin ang nangyari kagabi ay hindi niya magawa, parang may sariling utak ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito tuwing sasagi sa isip niya ang mga nangyari. Parang ritmo na paulit-ulit sa isip niya ang mga katagang sinabi nito kagabi na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso niya. "I know this is not the right time, but I swear I will make you m

