MAAGA palang ay nakahanda na ang mga gamit ni Ehna, nandon din ang kaniyang Inay na hinihintay siyang umalis, Habang kanina pa umiiyak ang kaniyang kapatid na si Lindsey dahil hindi nito matangap na aalis na ang kaniyang Ate, sanay kasi ito na lagi siyang kasama. Habang ang pangalawa niyang kapatid na lalaki na si Luis ay na sa paaalan na, balak pa nga nito na hindi muna pumasok para ihatid ang kaniyang Ate pero tumangi siya. "Anak, magiingat ka don hah? Lagi kang tatawag" paalala ng kaniyang Inay, kanina pa nito siya pinapaalalahan na magingat at laging tumawag. "Oho Inay, pangako" sabi niya, lumapit naman siya kay Linsey. "Lindsey? Wag ka ng umiyak, saglit lang si ate don, Pangako uuwi ako pag Linggo. Papasalubungan kita ng laruan" nakangiti niyang sabi dito. Unti unti naman itong tu

