HALOS hindi nakatulog kagabi si Ehna, iniisip niya ang nangyari kagabi, hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para sabihin iyon. Ang gusto niya lamang ay mapabuti ito, dahil iyon ang bilin sa kaniya ng Ama nito na si Don Antonio. Umaga na ngunit hindi pa din lumalabas ng kuwarto niya ang binata, nagaalala na siya dito dahil kahapon pa ito hindi kumakain. Kaya napag desisyunan niyang pumasok sa kuwarto nito, Simula kasi ng dumating siya ay siya na ang hinayaang mag alaga sa binata dahil iyon naman talaga ang trabaho niya. Ilang katok pa ang binitawan niya ngunit hindi ito sumasagot, katulad kagabi ay may dala siyang almusalan. Ilang saglit lang ay pumasok na din siya. "Senyorito?" tawag niya dito ngunit hindi ito sumasagot. Malaki ang kuwarto nito kaya hindi niya agad nakita an

